Twenty

651 20 0
                                    

"Who the fuck is this Light you say Greg?!" Galit na tanong ni Geo ng makarating sa kanya ang balita na hinahack ang mga system nila ng isang nagngangalang Light. At pinabulaanan ang akusasyon laban sa mga taga LVP. "I thought you got things under control?! How did this happened huh?!"

Galit ding sinalubong ng tingin ni Greg ang kambal. "Now you're blaming me?! Who is this asshole that keeps of wooing men for his benefits huh?!"

"Don't you dare question me with my personal necessities! You promised that you're going to destroy that fvcking LVP's image! Now look what happened?! What is this?! What the hell is this?!"

Sa sobrang galit, bumunot si Geo ng armas at akmang babarilin na sana nya ang kapatid ng dumating ang asawa nito.

"Oh, Greg honey, Geo. What's this all about?" Nakapamewang nitong tanung sa dalawa. Hindi sumagot ang dalawa. Binaba naman ni Geo ang baril at hinampas na lamang ito sa mesa.

"Tsk tsk tsk. Easy peasy boys." Umiiling na tugon ng asawa. Hinimas nito ang kaliwang kamay sa ilalim ng baba. Kumislap ang itim nitong singsing na may maliit diamonds ng masinagan ng araw mula sa glass window. "Let's not cry over a spilled milk."

"Why don't you recruit more people? There are plenty of countries around the globe."

Parehas silang nagkatinginan sa suhestyon ng asawa.

***

Habang namamangha ang binata, hindi nito namalayan na lumulutang na ito sa himpapawid. Nagbalik lang ito sa sarili ng batukan siya ni Shineya na ngayon ay nakaanyong Light Princess.

"Fvck?!" Nagulat pa sya ng makita ang halos hindi na makilalang Shineya na nasa tabi niya. Maliwanag ang boung anyo at halos takpan na ang sariling mukha dahil sa sobrang nakakasilaw na liwanag mula sa katabi. Nilingon ng binata ang paligid at doon lamang niya napagtanto ang boung kaganapan.

Ang liwanag na muntik ng magpabulag sa kanya ay nagmumula sa ibaba. Ang boung Ali Mania ay muling nanumbalik sa dati nitong anyo. Masagana at maliwanag. Nagmistulang isang paraiso.

"Ikaw pala talaga ang tunay na nagmamay-ari nyan." Nilingon niya ang katabi na unti unti ng kumukupas ang nakakasilaw nitong liwanag. "Ano, handa ka na ba?"

Tumango ang binata at nang utusan sya ng dalaga na pumikit ay agad niya namang sinunod.

Tinapik lang siya nito ng isang beses hudyat upang dumilat siya. At halos mabuwal sya sa kinatatayuan ng makita ang boung kaganapan sa sariling bansa.

"Hanggang dito lamang ako Hiro. Kailangan ko ng bumalik." Malayong malayo sa ugali ni Shineya, mahinhin ito kung magsalita at kumilos pero katulad din ni Shineya, nambabatok ito. Yumuko si Hiro bilang paggalang at nagpasalamat. "Maraming salamat Light Princess."

Nakaalis na ang Prinsesa ng mag-angat sya ng tingin. Muli syang humarap sa kabuuan ng Brazil at tinaas ang kanyang sandata.

Nagdulot ito ng matinding liwanag na bumalot sa kabuuan ng Brazil.

Si Master Luke na nasa labas ng palasyo kasama ang ibang mga masters at mga army ay sabay na napatingala sa tuktok ng palace tower. Doon nagmumula ang nakakasilaw na liwanag.

"Thank you Princess." Mangiyak-ngiyak na bulong ni Master Luke at bahagyang nakahinga ng maluwag. Alam niyang nandito na ang pinakahinihintay nilang lahat. Ang kanilang Royal Prince.

Maya maya pa, bumaba si Hiro at nasa harap na nila ito. Manghang napatingin sa kanya ang mga masters. Magsasalita pa sana si Master Luke ngunit naunahan na siya ni Hiro.

"Let's save our nation!" At tumakbo ito para tulungan ang mga kasamahang army. Sobrang bilis ng kilos ni Hiro at walang kahirap-hirap niyang pinatumba ang lahat ng kalaban.

Dala na rin ng liwanag ng kanyang espada, nanghihina ang kanyang mga kalaban. Para bang habang tumatagal hindi nito nakayanan ang liwanag kaya kusa nalang itong namamatay. Ngunit ang nakakabilib pa, hindi lang ito namamatay kundi nagiging abo pa.

Ang mga kasamahan namang nagiging kalaban ay ganun din ang kinahinatnan. Hanggang sa pagod na naupo si Hiro at tagaktak ang pawis. Maraming mga patay ang nakahandusay sa kalsada at maging sa kabilang division. Ang iba ay nagiging abo at naglaho. Hinihingal din na napaupo ang mga kasamahan niya. Dumating ang mga masters at binalita sa kanya na maayos na ang kanilang bayan matapos ang dalawang araw at isang gabi nilang pakikipagsagupaan.

Makalipas ang ilang segundo, nagdilim ang paningin ni Hiro at kaagad nawalan ng malay.

***

"...According to my sources the Royal Prince whose the Heir of the late Royals has come to help for his nation. As of this moment, we are trying to contact one of the Masters who are the --"

"Now that Brazil is saved by their so-called Royal Prince, what are your next plan Khail?" Tanong sa kanya ni Geo matapos patayin ang TV.

Ngumisi ang huli pagkatapos umiling at pumunta sa harap ng malaking bintana.

"Hah! I don't care about that cheap nation anymore. I realize, one country is very small, I want the whole continent! If possible, I wanted to rule the whole world!"

Ngumisi din si Geo at lumapit sa kausap. Tinapik nito ang balikat sabay sabing "Of course, it is highly possible. I can help you with that."

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon