Thirty One

557 17 1
                                    

"Honey." Sambit ng asawa ni Greg pagkapasok pa lang nito. Kasalukuyang nagdidiskusyon ang magkapatid nang pumasok ang asawa. "I think this is not yet the right time to activate the super chip." Seryosong anito sabay tumabi sa asawa.

Nangunot naman ang noo ni Geo dahil sa narinig. Ngayong gabi na kasi nya sana i-activate iyon. "What do you mean?" Seryoso ding tanong rito.

Ngumisi ang babae sabay nilabas ang dalawang folder. "I made a research, the elixir domare hasn't dominated the world yet. There are certain countries that are not aware of its existence. How are we supposed to take over the earth if this is the case?" Pinagmasdan nito ang magkapatid na binabasa ang dalawang folder.

Matapos nya iyong sabihin ay namayani ang katahimikan. Tanging ang pag tama lang ng matutulis nitong koko sa mahogany na lamesa ang maririnig. Dahan dahan nyang pinapatamaan ang malapad na lamesa animo'y pinipitik ito at nilalaro. Kasabay ng tunog nito ang bawat ikot ng long hand sa orasan.

Kapansin pansin din ang sout nitong singsing na may itim na dyamante. Bawat galaw ay matatamaan ito ng ilaw dahilan para bahagya itong kumislap.

"So, what are we gonna do now?" Tanong ng asawa matapos sinara ang folder. Ganun din ang ginawa ng kapatid at mariing tumingin sa babae. Huminto naman sa ginagawa ang babae at ngumiti.

"I suggest, we need to send our men to these countries and let them do the honor to introduce our product." Sabay ngiti. Nagkatinginan ang dalawang lalaki sa sinabi ng babae. Parehong nag-aalangan ang mukha ng dalawa. Napansin naman iyon ng huli at muling sumeryoso.

"I know everything is well planned beforehand but, think about your enemies. I am certain that they are now doubting the existence of eD enhancer. I wouldn't be surprised if they're now suspecting you." Muli ay nagkatinginan ang dalawa. Parehong tinitimbang ang sitwasyon at ang sinabi ng babae. "Guys, c'mon. In the end, you'll have what you want. Just not now, it's too early. Let them enjoy the liberty of having eD enhancer."

"If we do that, we're only giving time to our enemies to hunt us if you're theory is right. It might ruin the plan." Seryoso ding pahayag ni Geo. Tahimik namang nakikinig ang kambal. Kahit hindi sabihin, mahahalata itong sumasang-ayon sya sa sinabi ng kapatid. "We've been preparing for this for years and--

"If you insist then, I guess I don't have a choice but to bring you two to the headquarters. The King is asking for your explanation regarding with the super chip." Putol nya rito. "Perhaps you didn't know that he disagreed with the idea of activating the super chip tonight. He knows every move you take and he has better plans ahead." Malamig nitong aniya. Wala na din ang playful aura nito. "You know what he can do." Muling sambit nito na may pagbabanta sa boses.

Nagkatinginan ang dalawa dahil sa turan ng huli. Alam nilang parehas kung anong klaseng nilalang ang Hari nila. Minsan na din nila itong nakasalamuha.

"You better think this million times. Anyway, I have to do something important, I'll go ahead." Matapos nyang sabihin iyon ay agad syang tumayo. Tumalikod at iniwan ang dalawang malalim na ang iniisip.

Ngunit bago sinarado ang pinto ay nilingon nya muna ang mga ito. Walang emosyon ang mukha. Pagkaraa'y tuluyan ng iniwan ang silid.

Maya maya pa, "What do you think brother?" Tanong ni Geo sa kapatid. "We both knew she's always right ever since."

"I know, I know."

***

"Handa ka na ba?" Muling tanong ni Light Princess sa binata. Kasalukuyan silang nasa pinakagitnang parte ng dimension. Walang kaalam-alam ang binata na ang centro na ito ay may pinakagitnang lugar at dito din matatagpuan ang isang malalim na bangin na nagmistulang sahig lang kung tingnan. Sa oras na tumalon sya dito, dadalhin sya sa panahon kung saan nya gusto.

"Tandaan mong maigi, sa future ka pupunta. Kapag makikita mo na ang katawan ko, dumilat ka. Maliwanag?" Tanging isang tango lang ang sinagot ng binata. Hindi nito mawari kung bakit bigla syang nakaramdam ng kaba. "Go!" Sambit ni Light at kasabay nito ang pagtulak ng binata. Napapikit sya ng mariin dahil baka tatama ang mukha niya sa sahig at handa na sanang bulyawan ang Prinsesa nang biglang magbaliktanaw ng kusa ang isipan nya. Didilat sana sya pero naalala nito ang paalala ng Prinsesa.

Muling nagbalik sa kanyang isipan ang malagim na sinapit ng mga tumatayong magulang nila. Saksi siya sa pangyayaring pagpatay ng dalawang taong mahalaga sa kanya. Maliit pa lamang sya pero nakaramdam na sya ng galit.

Galit na kailanman ay hindi nawala hanggat hindi nya maipaghigante ang pagkamatay ng mga magulang nila.

Dalawang magkasunod na putok ng baril ang namayani sa boung bahay kaya agad nyang tinakpan ang dalawang tainga ng kambal na mahimbing na natutulog. Saglit itong napakislot at gumalaw.

Hinihintay na ng binata ang kasunod nitong pangyayari dahil ito lang naman ang laging nilalaman ng panaginip nya noon pa man. Ngunit ibang pangyayari ang kanyang nasaksihan

Dalawang taong masayang nagtatawanan sa dalampasigan. Hindi nya kilala ang lalaki pero hindi rin nya maipagkakaila na namimiss nito ang presensya ng dalaga na matagal na panahon na nyang hindi nasisilayan. Si Shineya.

Dahan dahang dumilat ang binata at nabungaran nito ang kasalukuyang nangyayari sa dalawang panauhin. Tawang tawa si Shineya na tumatakbo at hinahabol naman sya ng kanyang kasama.

Tila nanigas sa kinatatayuan nya si Shin. Hindi nya alam kung ano ang gagawin. Hahayaan nya lang ba ito o pababalikin sa kasalukuyan. Aminado ang binata na ngayon nya lang nasilayan ang ganitong ugali ng dalaga. Siguro kasi iba ang kaluluwang nasa katawan nya. Pero napakaganda ng dalaga.

Binulsa nya ang dalawang kamay at nakapa nito ang isang potion na maaring magdala sa kanila pabalik. Bigay ito ni Light.

Habang naghahabulan ang dalawa, hindi napansin ng dalaga ang dinadaanan nya. Makakasalubong nya ito. Masyadong mabilis ang pangyayari, sabay silang humandusay sa buhangin. Mahinang napadaing ang dalaga. Nasa ibabaw sya ni Shin.

"Are you okay?" Tanong nya rito. Ngunit nang dumilat si Shineya ay kapansin pansin nito ang walang buhay na mga mata. Na kahit tumawa ito ay hindi pa rin nagkaroon ng sigla. "I'm sorry." Nakangiting paumanhin nito at tumayo. "Here, let me help you." Inabot naman ng binata ang kamay nito saka tumayo. "I'm really sorry." Muling paumanhin nya. Bahagyang natameme ang binata kaya tanging tango lang ang naisagot.

Pinasadahan nya ng tingin ang dalaga na ngayon ay pinagpagan ang sarili. Walang pinagbago. Maganda pa rin ito. Pero mas lalo itong gaganda kung magkakaroon ng sigla ang kanyang mga mata. Isip ni Shin.

"Anyway, I'll go ahead. I think my husband is waiting for me." Doon lang parang natauhan ang binata. Agad syang nag-angat ng tingin doon sa pinanggalingan nito. May kausap ang kaninang lalaking kasama ni Shineya. Kahit hindi nya ito kilala alam nya kung anong klaseng nilalang iyon.

Isang babae. Napakagandang babae. Nakatwo piece ito. Hinagod nito ang mukha ng lalaki at nginitian pagkatapos may binulong. Dahan dahang tumango ang naturang lalaki at doon na nya napagtanto ang lahat. Hindi lang siya ang may pakay kay Shineya.

Nandito ang unknown.

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon