Twenty Six

574 18 0
                                    

+++ Turkey +++

Tahimik na kumakain ang isang matanda sa mahabang lamesa nang biglang dumating ang isang panauhin. "I know you know where she is. Now tell me." Makamandag nyang sabi sa matanda. Kitang kita sa mga mata nito ang pananabik at pabugso-bugsong galit.

Huminto saglit ang matanda at mataman syang tiningnan. "Even if I will tell you, I doubt you can find her." Ngumisi ang panauhin sa naging sagot ng matanda.

"You're underestimating me." Anito sa isang malamig na boses. Dahan dahan itong lumapit at yumukod para makalevel sila ng matanda. Nakapatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa.

Maya-maya pa ay pumikit ito at nang dumilat ay isang nakakatakot na kulay dugong mga mata ang bumungad sa matanda. Dahil sa nakita ay muling nagbalik ang mga ala-ala ng nakaraan. Naikuyom nito ang kamao. Samantalang tila nasisiyahan ang panauhin sa nasaksihan. "You remembered." Anito na may maliit na ngiti.

Nilagay ang dalawang braso sa dibdib at muling tumingin ng seryoso sa matanda. "Now tell me, where is she." Hindi sumagot ang matanda. Alam kasi nito na kahit anong gawin nyang pagtatago, makagawa at makagawa pa rin ito ng paraan. Isang tao lang naman kasi ang may kakayahang sumalungat sa mga plano ng nilalang. At yun ay walang iba kung hindi ang hinahanap nya.

Ngunit, kapag nalaman ito ng panauhin kung anong nangyari, isa lang ang ibig sabihin, nalalapit na ang kanilang muling pagkikita. Dahil sa oras na mahanap nito ang kanyang vessel which is ang kanyang katawan, hindi na ito mahihirapang pwersahing pabalikan ang kaluluwa ng dalaga. Bukod sa tanging isa nalang syang walang buhay na kaluluwa, nasa kanya na din ang vessel nito. At kapag nangyari yun, ibig sabihin, ito na ang huling hantungan ni Light.

Tuluyan na talagang kainin ng kadiliman ang boung mundo. At yun ang ikinatakot nya. Dahil hindi na nya alam kung ano ang mga posibleng mangyari. Pero alin man sa mga naisip nya ang pwedeng kakahantungan ng mga ito, may isang paraan sya upang mapanatiling hadlangan ang mga kaganapan. At yun ay ang pagsama nya sa puder nito. Habang nandidito sya walang masamang mangyari sa kaluluwa ng Prinsesa at sa vessel nito. Pwera nalang kung mangialam na naman ang unknown at gawin ang lahat maisakatuparan lang ang plano nya.

Subalit, may natitira pa syang pag-asa. Ang kahuli-hulihang sandata. Ang Uncrowned Royals. Kailangang makauwi na sila sa lalong madaling panahon dahil alam nyang sa bawat paglalakbay nila ay sya ring daan upang unti-unti nilang makilala ang tunay nilang katayuan sa mundo.

"So, she's in the future ha?" Hindi na nagulat ang matanda nang sabihin nya iyon. Ang ikinabahala nya lang ay kung ano ang gagawin nito. Sana makuha na ng taga Eortheans ang vessel nito bago pa ito dumating sa hinaharap ang panauhin.

Walang sabi-sabing nawala lang ito. Malalim na nagbuntong hininga ang matanda. Pumikit sya at hinayaang dalhin ang utak nya sa mga kaganapan sa isang lugar.

Nakatingala ang tatlong Uncrowned Royals na nakatingin kay Shin na ngayon ay nakatayo sa pagitan ng malaking teleportation machine. Nasa gilid naman nito si Raine upang magbigay ng mga dapat gawin.

Ang teleportation machine na ito ay ang kauna-unahang naimbentong machine na dalhin ka sa kahit saan at anong panahon. Kumbaga, isa itong time machine. Ngunit ito ang kauna-unahang nasubukan ito. Bukod sa maraming may gustong sumubok, minabuti itong panatilihing lihim ng mga angkan ng Inuyasha. Kung saan nanggaling si Raine. Magdudulot lang kasi ito ng kaguluhan sa timeline ng mundo at masisira ang bawat history.

Maya-maya pa, may pinindot ang dalaga sa gilid nito na syang naging dahilan upang mawala ang binata sa isang iglap lang.

Dahan dahang dumilat ang matanda at nahuhulog na naman sa malalim na pag-iisip. Sa oras na may nangyaring ganito sa mundo nila, iba naman ang pinagkaabalahan sa mundo ng mga alagad ng unknown.

+++ USA +++

"Any updates?" Tanong ni Geo sa kambal nitong si Greg. Kasalukuyan silang nakatingin sa kabuuan ng syudad. May baso ng alak sa kamay. Ngumisi ang huli at tinungga ang kopita. "My team are now finally done with the experiment. Any moment by now, they are going to give them duties to conquer the world."

"And if they succeed, it is also the time that my Super Chip will be activated. And we can now rule the world." Nagagalak na pahayag ng nauna. Tila parehas naman sila ng naisip kaya muli silang nagbanggaan ng kopita. "Crown 666 is a great help. They're superior!" Anito na nagbibigay pugay at galang sa nabanggit.

"It's way better than just getting the control of one continent. This time, it is seven continents." Mababakas sa mga boses at ngiti nila ang nakakapanabik na kapanalunan. "And nobody can stop us." sabay ngisi nito ng nakakaloko.

"If they tried...." Aniya at itinaas ang isang maliit at itim na parehabang chip. Nagkatinginan ang dalawa at sabay na tumawa.

"Let's cheers to that partner."

Sinong mag-aakala na ang dating makatunggali na kalabanin ang nag-iisang kalaban at pamunuang ang kontinenting Asia ay magkakasundo pagdating ng panahon. At hindi lang sa isang kontinente, kung hindi sa boung mundo. Kapanapanabik nga naman ang bagay na iyon. Sila ang titingalaing pinakamakapangyarihang tao sa boung daigdig.

"All hail to King Superior!"

**

Halos malagutan na ng hininga si Shin bago pa sya magising. Nang dumilat ay panay naman ang ubo nito animo'y nalulunod sa isang malalim na karagatan. Habol nito ang hininga na bumangon. Nakaupo lang sya sa lupa at hinayaang kalmahin ang sarili.

"I've been waiting for you. Kumusta Haidar Huang of Eortheans, the bearer of earth element?" Anito sa isang malamig na boses.

A/N : new character or not? Hihi

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon