Twenty Five

557 18 0
                                    

ްފޗ ގް ރޕޔނނޗބ ގލ ރފޗ ޖޔލބ މދ ދސރސޕޗ.
ފޗ ގް ގލ ރފޗ ނޕޗްޗލރ.
ްޔތޗ ރފޗ ަމކޕޔބޗ!

Pagkatapos basahin tingnan iyon ni Zero ay kaagad din itong lumapit sa computer nya. "Anong language ang Maldives?" Tanong nya kay Shai. Sumunod naman ang huli sa kanya at umupo sa tabi nito. "Dhivehi." Ngumisi ang binata na ipinagtaka naman ng kasama. "Easy." Anito.

"Wait, paano ba yan?"

Inilapit naman ni Zero ang papel sa kanya. "Kumuha ka ng ballpen. Pero bago yan, picture-ran mo muna 'to." Agad naman itong sinunod ng huli at pagkaraa'y kinupya ni Zero ang imahe. Kumuha naman ng ballpen si Shai.

"Ganito, since nagets na natin ang unang clue. I went to Maldives which means, this letter was written in Dhivehi language. Now, here's the translation.

Qfč gq rpynnčb gl rfč jylb md dsrspč.
Fč gq gl rfč npčqčlr.
Qytč rfč amkpybč!

And lastly, the final clues. Twice and Caesar which means, this is the codes and ciphers of Julius Caesar. Instead of moving thrice backward in the alphabet, she moved twice. Now, write the letters in the alphabet. In order ah?"

Matapos ipaliwanag ng binata, sinunod naman nito ang sinabi. Sinulat nya ang 26 letters in alphabetical order.

"Now let's move the letters two times forward." Habang ginagawa nila yun ay sinusulat naman ni Shai ang corresponding letters nito.

She is trapped in the land of future.
He is in the present.
Save the comrade!

Magkasabay nila iyong binasa at nang mapagtanto ang ibig sabihin ay bahagyang nanlaki ang mga mata ni Zero. Panigurado may alam na naman ito. Samantalang nabahala naman ng husto ang kasama. "You know, I'm always wondering how she's able to know these things beforehand."

"Premonition. She sort of hinted me before that she can see the future." Kibit-balikat nitong sabi na may malalim na iniisip.

"Should we inform them?"

"Of course. Nasa apat na lalaki ang tinutukoy sa sulat."

"You mean, nasa Uncrowned Royals?"

"Malamang, protector nya yun e. Teka nga na-reprogram ka ba at ang hina mo sa analysis?" Kunot noong tanong nya rito na hindi binabalingan ang kausap. Hindi naman alam ni Shai nang makaramdam sya bigla ng kirot sa bandang dibdib nya. Wala sa sariling napatingin sya doon na may pagtataka.

"You can go inform this to Tita. Kailangan ko pang ipaalam to sa kanila. Hindi pwedeng ikaw ang pupunta doon dahil wanted ka na ng kalaban." Sabi nito habang nililigpit ang papel at binigay kay Shai. Balik na naman ito sa pagiging seryoso. Nanatili namang walang imik ang huli dahil nagtataka pa rin sya kung bakit bigla syang nakaramdam na kung tutuusin, isa na syang humanoid. Although, may ginawa si Shineya dito noon upang magmukhang normal na tao si Shai.

"Oh? Bakit nakatunganga ka lang dyan? Umalis ka na."

"Oo na! Ang sungit naman nito." Medyo napalakas ang pagkakasabi nya dahilan para matigilan ang binata sa kanyang ginagawa. Nilingon nito si Shai na medyo nakasimangot ang mukha kasabay ang pagsarado ng pinto.

Napakurap ng dalawang beses ang binata bago magpatuloy habang umiiling.

+++ Japan +++

"I think I know now kung nasaan ang katawan ni Shineya." Paunang sabi ni Raine pagdating nito sa conference room. Kasama sa nadudun ay ang natitirang Uncrowned Royals at dalawang White Rose Gang. Nagpatawag kasi ng urgent meeting si Raine matapos nitong malaman ang kinaruruunan ng dalaga. Sakto namang katatapos lang ng dalawang grupo ukol sa diskusyon na nangyaring matagumpay na mission ng Black Tarantula at White Rose o mas maiging tawaging, Tarahowa Gang. Kung saan kasali ang iba't ibang miyembro ng iba't ibang gang na tutol sa pamumuno ng Rank 1 sa Gangster World.


"Her body is trapped in the future." Anito sa nanlulumong boses. Dahil sa sinabi ay napasinghap si Shine at ang dalawang babaeng White Rose. Maging ang mga lalaki at nagulat din.

"What the--is that even possible?"

"Paano nangyaring ganun ang sinapit ng katawan nya?"

"Now, how are we able to get her back? Don't tell me may time machine dito?" may sa pagkasarkastikong sabi ni Shiki sa dulo.

"Please tell us na may paraan pa upang maibalik natin ang katawan nya. Hindi pwedeng ganito lang." nagsusumamong ani Shine. Mahahalata sa boses nito ang pagkabahala. "I know. Dahil sa haba ng oras na itinalaga ng bawat isa sa inyo dito ay sya namang katumbas sa malapitan ng pagkasira sa kanya kanyang tahanan nyo." pahayag ni Raine na nagpa-angat ng tingin sa apat.

"Everything happens for a reason. At kung hahayaan lang niyang umusad ang mga araw na nadidito pa rin kayo ay malaki ang posibilidad na hindi na kayo makakabalik sa tahanan nyo." Makahulugang dagdag nya.

"Teka teka lang, hindi kasi kita maiintindihan e. Ano ba yang mga pinagsasabi mo?" Takhang tanong ni Shinji. "Just go straight to the point. Tama na ang segue. How are we supposed to have her back?" matapos sabihin iyon ng binata ay kaagad naman syang nasuntok sa sikmura ni Shine.

"Ayusin mo yang pananalita mo kung ayaw mong malintikan ka sa akin."

Bumuntong hininga lang si Raine at isa isang tiningnan ang apat. Alam nyang dapat na nilang malaman ito pero hindi muna sa ngayon. Bukod sa hindi nito alam kung ano ang magiging reaksyon nila, ay wala din ito sa posisyon upang magsalita.

Nahinto ang kanyang tingin sa kasalukuyang may malalim na iniisip na Shin. Bahagya syang napalunok dahil alam nyang hindi biro ang gagawin ng binata. Napansin naman ng huli ang paninitig nya rito. "Are you going to do it Shin?" Dahil sa naging tanong ay napatingin ang iba sa kanya.

Naisip ni Raine na matalino ang lalaki kaya sa oras na tiningnan nya ito, may ideya na ito na sya ang naatasang magbalik ng katawan ni Shineya sa kasalukuyan.

"Ano ang gagawin ko?" Anito matapos ang isang malalim na buntong hininga. Nakuha naman iyon ng kambal at nagsalita. "Wait, pupunta sya sa future? Hindi ba't delikado iyon?" Tanong nya na nagpalipat-lipat ng tingin ng kambal at ni Raine.

"Don't worry, I'll be fine." sabi niya at tumingin sa kambal na may nag-alalang mukha na ngayon. "I'll do it as my way of thanking her for bringing you back to us and to me." Ngumiti ito ng tipid sabay ginulo ang buhok ng kambal.

A/N: to be continued...
I need to relax my eyes, mahapdi. Huhu

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon