Twenty Three

608 21 0
                                    

"Wait Tita, what do you mean?" Naguguluhang tanong ng binata sa kanya. Unti unti namang pinapakalma ni Mayumie ang sarili bago muling bumaling sa pamangkin.

"I've talked to him." Sabi nito. Naningkit ang mga mata ng binata sa narinig. Nahinuha na nito ang ibig sabihin ng kanyang tiyahin. Ayaw nya lang sabihin dahil hindi pa rin naman sya sigurado. "Yes, I've talked to Professor Will, the keeper of the Prophecy. He's the one telling me about what will happen since then. Dahil sya ang may hawak ng librong sinusulat ni Light Princess noon." Paliwanag nya rito.

Biglang namula sa galit si Kaname dahil sa narinig. May naalala siya na ayaw na nyang balikan. "Bakit ngayon mo lang 'to sinsabi Tita?" Nagpipigil ng emosyon nyang tanong. Nakakuyom na din ang kamao nito na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

"Dahil alam kong ito ang magiging reaksyon mo." Tinitigan nya lang ang pamangkin na ngayon ay nagliliyab na sa galit ang mga mata. Anumang oras ay sasabog na ito. "Anyway, ang sabi nya sa akin, huwag na huwag daw hahayaang mapunta sa kasalukuyan ang katawan ni Light, at kung mapunta man ay kailangang sunduin ito agad ng isang mandirigma na nagmumula sa angkan ng mga Eortheans." pagpapatuloy nito.

Unti unting kumalma ang binata at ngayon ay napalitan na ng pagkabahala ang mukha. Nag-angat ito ng tingin sa tiyahin. "Dahil kapag nagtagal pa ito sa panahong hindi pa nangyayari ay maaaring hindi na ito makakabalik kailanman. Maging ang kanyang kaluluwa ay wala ng magawa pa."

"Ito ay nakasaad sa librong sinulat nya noon. Isa din ito sa paraan upang matuklasan ng iba pa ang tunay nilang katauhan at kung ano ang importanting role nito sa mundo." Hindi pa alam ng lima na may kanya kanya silang tungkulin hindi lang sa kanilang sariling bansa kundi sa mundo mismo. Ito din ang naging dahilan kung bakit kailangang gabayan sila ng Prinsesa dahil maaaring malihis sila ng landas na maging sanhi ng pagkasira ng boung sanlibutan.

"Ngunit, ang isa pang problema ay maaring naglalakbay na din ang nag-iisang kalaban ng Prinsesa at hinahanap na sya. Sa oras na matunton niya ito ay tuluyan ng masira ang mundo na kahit ang mga tagapangalaga ng apat na Elements ay wala ng magawa." Pagtatapos niya at nahulog sa malalim na iniisip.

Hindi biro ang mga kinakaharap nilang problema. Madali lamang sana kung ang mga kaaway lang nilang Mafia at Assassin ang kanilang mga kalaban. Pero dahil nagsanib pwersa ang dalawang kampo. Sumali sa isang organisasyon na kailanman ay hindi ipinaalam sa publiko ay tumindi na ang pwersa nito. Subalit alam ito ng ilan na may koneksyon sa mga pangyayari noon, labing anim na taon ang lumipas, at ngayon.

"Marami ng inosente ang nadamay Kaname. At kapag nagtagal pa sya sa kasalukuyan, baka pati tayo ay matulad nila."

Panandaliang natahimik ang dalawa at mababakas sa mukha ang pagkabahala. Biglang may kumatok sa pinto at saglit lang ay sumungaw ang ulo ni Zero.

"Can I come in?" Hinging permiso niya rito. Tumango naman ang tiyahin at tuluyan ng pumasok ang binata. "Have you monitored the satellite Zero?" Tanong ng kapatid sa kanya nang makaupo ito sa katapat na upuan.

"Actually, yan nga ang ipinunta ko rito." Tanging sabi niya at inayos ang reading glasses. "Base sa nakuhang footage ko ay muling sumiklab ang isang labanan sa bansang Vietnam. At lahat ng mga napatay ay kusang nawawala. Ni hindi ito nakita at nahatid ng mga kamag-anak sa kanilang huling hantungan." Muli na namang nahulog sa malalim na pag-iisip ang dalawang panauhin.

Ibang kaso ito ngayon kaysa nitong nakaraang tatlong buwan kung saan hindi lang basta namamatay ang mga natamaan kung hindi, muli itong mabuhay at mag-umpisa ng kumitil ng mga inosente. Katulad lang sa naging kaso ni Shine noon. Ngunit hindi katulad kay Shine na nasabak sa isang eksperimento at may tendency na muling maging normal.

Kapag tuluyan na silang kainin ng lason makalipas ang ilang araw ay magiging bayolente ito. Kung hindi pumapatay ay magiging sanhi naman ng ibang krimen sa isang lugar. Ito ang mga impormasyong nakalap ni Shineya noon sa pamamalagi nya sa labas ng mansyon. Hindi pala coincidence ang lahat, ang pagsanib ng dalawang kaaway at pag-imbento ng mga panibagong sandata, kung hindi ito ay nakasaad na sa kasulatan.

Napag-alaman din nyang, ang mga sindikatong nasa likod ng mga krimen at mga tauhan nito ay ang mga taong nabiktima ng organisasyon; ang Crown 666.

"Nalaman ko rin sa isang mensahe ni Zee bago pa nya nalaman ang pagiging Prinsesa nya na, noon pa talaga nangyari ang mga patayan na kung matatamaan ka ng kanilang gamit na sandata ay maaari ka na nilang makontrol." Pagpapatuloy ng binata tungkol sa nabasa nyang mensahe ng kaibigan. "Nakasaad din doon ang isang teorya nya mula sa kanyang pagsasaliksik, na may kinalaman ang anonymous organization na kung tawaging Crown 666 sa mga nagdaang krimen."

"Ibig sabihin, sila ang dahilan ng pabugso bugsong krimen noon bago makipag-alyansa ng DM at DCA sa nasabing organisasyon?" ayon sa pagkaka-intindi ni Kaname sa nalaman mula sa kapatid.

Tumingin ang kapatid sa kanya. "Tama. At lumitaw lang itong kagagawan ng dalawang kalaban dahil sa nangyari kay Shine. Pero ang totoo, planado na itong lahat ng nasabing organisasyon." Sang-ayon niya rito.

"Kung ganun, hindi coincidence ang mga pangyayari?" Malalim na napaisip ang kapatid at hinayaan lamang sila ni Mayumi sa diskusyon. Marahil ay napagtagpi-tagpi na nito ang mga pangyayari.

"Ang tanong, sino ang tunay na kalaban?"

Someone's Point of View

I was staring at her painting with a wine glass on my right hand. My left hand on my pocket playing with the black orb inside.

She's really beautiful and I can't help but fall in love with her over and over again. It's been awhile since I last saw her angelic face and soothing voice that drives me insane.

I closed my eyes as I pictured her with me. We will meet again soon, I'll make sure of that. And when it comes, you will never get away with me again.

"I can't wait to get a hold of you my Queen. My body is anticipating for your touch. I'll bring you home soon."

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon