Seventeen

660 23 0
                                    

"Kaname, what the hell is going on?!" Halos gibain na ni Maumie ang pinto nang ibalibag niya ito pagkapasok.

Tila problemadong problemado si Kaname ng lumapit siya rito. Magulo ang buhok at nakalaylay ang hem ng kanyang long sleeves.

"Tita, you need to see this. Zero, ipakita mo nga ang balita." Utos niya sa binata habang nakapamewang.

Ginawa naman kaagad nito ang inutos ng nakakatanda. Nasapo ni Maumie ang kanyang noo. "Tita, how did that happen? Paanong nangyari na tayo pa ang pinagmukhang terorista?! Alam ba ng mga iyan na hindi lang basta bastang terorista ang tunay na kalaban? Na mas higit pa doon?! Punyetang media yan!" Nagsimula nang magngitngit sa galit si Kaname at hindi na ito mapalagay. Nanatiling nakayuko si Zero habang nakakuyom ang kamao.

Panay pa rin ang pagreklamo ni Kaname tungkol sa balita. "What if malalaman ito ng Prinsesa--

"Kaname!"

"Okay fine tita, paano nalang kapag nalaman ito ni Shineya? Malaking problema ito."

"I know kagagawan ito ng mga kalaban natin. Nasisiguro ko yan." Si Maumie na hinihilot ang  sentido. "Zero, how's Shai?"

"She's on her way na dito tita--

"Heellooo!" Bumukas ang pinto ng control room at pumasok si Shai. "Anong kailangan niyo sa akin?" Kung kumilos at magsalita ito, hindi ito mahahalatang isang humanoid.

"Thank God, you're here na. Anong nangyari sa pinuntahan mo? Kumusta na sila? Ang prinse--si Shineya?"

"What tita? Kaya mo ba pinabalik si Shai dahil siya ang gagawa ng paraan para sa problema na kinakaharap ng organisas--

"Shut up Kaname!"

"Okay fine, sorry." Nakataas ang dalawang kamay sa ere at nag-iwas ng tingin sa galit na Maumie. Tumabi ang binata sa naka-upong Zero.

"Marami po ang namatay at lalong lumakas ang kalaban Tita. Si Mommy naman, hinatid si Hiro sa Brazil dahil inatake na sila ng mga kalaban doon at puntirya ang palasyo. Pati ang bansang Japan tita malapit na ring umabot sa sacred palace ang mga kaaway pero alam kong magagawan iyon ng paraan ng High Prince. Tsaka nandun din ang iba pang uncrowned royals. At sya nga pala Tita, habang pauwi ako, nakita ko si Shine, okay na po siya. She's not controlled anymore." Kahit medyo tensyonado pa rin ang boung silid, nakuha pa rin nilang huminga ng maluwag dahil sa nabalitaan.

"Good. Now, you stay here. You are not allowed to go anywhere. Pinaghahanap ka na ng kalaban dahil nalaman na nila kung ano ka. At nasisiguro kong pag-eksperimentohan ka lang or worst, gagawa sila ng maraming katulad mo. And who knows kung anong mangyayari di ba?" Tumango si Shai sa narinig. "Tsaka, baka mapatay kami ni Shineya kapag nalaman niyang nawawala ka."

"So for now, ang gagawin mo ay ibigay kay Zero ang kopya ng boung pangyayari sa digmaan. And Zero, you do the rest. Shai's footage will help us clear our image." Agad namang kumilos ang dalawa sa inutos ni Maumie. Pinasout ni Zero si Shai ng head gear at maya maya pa, nagkonekta na ito sa computer screen. Makikita ang boung pangyayari bago pa ang digmaan hanggang sa lumusob ang mga kalaban. Maging ang pakikipaglaban ni Shai ay kuhang kuha. Ngunit hindi na ito katulad ng dati kung makikipaglaban. Sinadya ni Shineya na i-program si Shai bilang isang ordinaryong mandirigma na may nakakamatay na lakas. Dahil dito hindi siya paghihinalaan na kakaiba.

"Kaname, come with me." sabi nito sabay naglakad palabas. "Kailangan pa nating konsultahin ang grupo nina Miyu at Craigh kung may improvement na ba sila sa inutos ni Shineya."

Silang dalawa na lamang ang naiwan sa silid. Matapos ang ilang minutong pagkopya, tinanggal na ni Shai ang gear at hinarap si Zero.

"Ano nga pala ang nangyari dito habang wala kami?" Napatingin si Zero sa katabi. Ngunit imbes na sumagot, kinunutan lamang siya nito ng tingin at pinagpatuloy ang pagkukulikot sa monitor at kung ano-anong piyesa ang pinindot sa keyboard.

Mahahalata naman sa binata na naasiwa siya sa prisensya ng katabi. Hindi kasi ito madalas nakikipag-usap sa humanoid. Mukhang nainis naman si Shai sa inasal nito.

Kinuha niya ang head gear at muling sinuot.

"Tanungin mo si Zero kung anong nangyari sa Pilipinas at balitaan mo agad ako. Kung hindi siya sumagot  suntukin mo. Maliwanag?"

"Yes mom."

At muling tinanggal ni Shai ang head gear matapos mapanuod ni Zero ang video nina Shineya at Shai na nag-uusap. Kuha ito noong nasa Japan pa ang dalawa.

Nakasimangot namang tiningnan niya ang katabi at nginisihan lang siya ng huli.

"Hindi na kontrolado ni mommy ang mga galaw ko pero kung ayaw mo talagang magsalita, susuntukin talaga kita."

Walang nagawa si Zero at kinuwento na niya lahat. Mula noong pag-alis nila hanggang sa problemang kinakaharap ng organisasyon. Habang nagkukwento, hindi naman inaalis ang mga matang tutok na tutok sa harap ng computer at kung ano ano ang mga pinagpipindot. Nang matapos ang pagkwento ay sya ring pagkatapos ng kanyang ginagawa.

"Teka, hinahack mo ba ang PSTN?" Manghang tanong ni Shai. Ang PSTN ay Public Switched Telecommunication Network, isa itong switch na syang nagdadala ng signal sa lahat ng uri ng telecommunications through nodes. Dito makokontrol ang signal para sa lahat ng network sa bansa.

"This is easier at mapapadali ang paghatid ko ng impormasyon. From TV stations to Radio up to the Cellular phones. Maging ang kanilang mga computer system."

"Pero kailangan mong mag-ingat."

"I know, I know. I'm not the "best friend" for nothing."

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon