Her Soul

3K 47 3
                                    


The SEARCH is over. When the secrets are unleashed, she is revealed. However, another lies in the end.

It's time to wake her sleeping soul. The ability to make a fall. But, it might be too late so be careful.

"You never told her tita?"

"Kaname, I told you before that I did! In fact, you were there."

Medyo tumaas ang boses ni Maumie nang sabihin nya iyon kay Kaname. Ang huli naman ay napatiimbagang lang at umiling.

"Narinig ko kayo ni Tito noong isang araw. Sya ang pinag-uusapan nyo."

Nag-angat ng tingin si Maumie sa pamangkin. Saktong may kumatok sa pinto ng control room. Napatingin silang dalawa doon. Si Zero pala, may dala itong pagkain. Tumango lamang ito sa dalawa at pumunta na sa pwesto nya sa harap ng computer.

"It's for her to find out."

"P-pero--.."

"Wala ako sa posisyon Kaname."

Napahinga ng malalim si Kaname nang lagpasan sya nito at lumabas ng boung kwarto.

Kunot noong tiningnan sya ni Zero pagkatapos ay napatingin ito sa pintuan kung saan kakaalis lang ni Maumie.

"Ipagpatuloy mo ang pagmanman, wala akong oras magkipag kwentohan ngayon."

At umalis na rin ito ng silid. Napataas nang kilay si Zero at binuksan ang can ng pineapple juice habang minamaneho naman nito ang keyboard gamit ang isang kamay.

"Sh!t."

"This can't be."

***

"C'mon! Shoot me!"

Umiiyak na sigaw ni Shin habang nakaluhod. Nakatuko ang dalawang palad nito sa magkabilang tuhod.

Sobrang dungis din ng itsura nito. Punit punit ang damit. Halata ring nangangayayat ito. Ilang araw na ba itong nakikipaglabanan kasama ang iba pang kasamahan nito?

"Sh!t naman yan Shin! Umayos ka!"

Hinihingal na sigaw ni Shinji nang marating nito ang kinaruruanan ng kaibigan.

"Umalis na tayo dito! Tumayo ka na dyan!"

Ngunit hindi sya pinakinggan nito. Nag angat ito ng tingin sa mga nagtataasang building na ngayon ay parang ghost town na.

Maraming bangkay ang nakakalat sa bawat sulok ng lugar. Mga nagbabanggaang sasakyan at mga dugong nagkadikit sa bawat sulok ng lugar.

"C'mon you idiots! Kill me!"

Hamon nya sa kung sino.

"What the hell dude! Nasisiraan ka na ba ng bait ha?"

"Umayos ka na dyan baka maabutan tayo ng mga kalaban! Kanina pa naiinip si Zee."

Pinilit na syang pinatayo ni Shinji ngunit sadyang matigas talaga si Shin kaya naman nakaranig na naman sila ng putukan.

"Ano ba Shin!?"

Napalingon si Shinji sa likuran at nadatnan nito ang galit na galit na Shineya. Naka army outfit na naman ito. Medyo madumi na nga lang.

"Kill me please."

Mahinang sabi ni Shin sabay nanginig ang balikat. Tinukod nito ang isang kamay sa maruming kalsada. Habang ang isa naman ay pinagsusuntok sa sahig nito.

Nilapitan sya ni Shineya at boung tapang itong pinwersa patayo. Nakayuko lamang ang binata.

Nanlumo ang mukha ni Shinji nang mapagmasdan nito ang boung paligid.
Naiiyak ito sa sinapit ng mga taga Singapore. Hindi nito aakalain na sa ganda ng lugar, sasapitin pa nito ang ganitong trahedya.

Napagtanto din nitong, halos kalahati na ng mundo ay wasak at sira. Sana hindi pa huli ang lahat para sa kanila.

"Please naman Shin, kung gustuhin mo na rin lang namang mamatay, iyong may dignidad sana!"

"I can't do this anymore."

Halos hindi na ito maayos magsalita dahil patuloy pa rin itong umiiyak. Hinuhuli naman ng dalaga ang mga mata nito pero todo iwas ang binata.

"I just want to die... Please. . I can't. . I ccan't do this anymore ... Hindi ko na kaya..."

Sa huli,  niyakap na lamang sya ng dalaga ng sobrang higpit. Nabigla pa si Shinji sa nakita at nag-iwas ng tingin.

"No. You can. We will do this together. Tiwala lang, mahahanap din natin sina Hiro, Shiki at ang kambal mo. Don't give up, please."

Bulong sa kanya ng dalaga. Kahit papaano ay medyo nagkaroon ng pag-asa ang binata dahil sa sinabi ni Shineya.

"Malalakas sila. Makikita rin natin sila. I'll do everything."

Matagal nya itong niyakap hanggang sa tumigil na ito sa pag-iyak.

"Uhm, Z-zee?  S-shin? .. I think you should see this."

Humiwalay si Shineya sa pakakayakap sa binata at binalingan si Shinji. Pa-ika-ika itong tinakbo ang distansya ng dalawa. Sapo sapo nito ang kabilang braso.

"Ano yun?"

"Shin?!"

Sabay nilang nilingon ang likuran kung saan nanggaling si Shinji. Mula sa mga nakahilerang sasakyan, nakatayo doon si Shine na may dalang baril.

"Shine?!"

Tila nabuhayan ng loob si Shin at mabilis na tumakbo palapit sa kambal.

"Buhay ka! I thought I'm gonna lose you!"

Malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa boung syudad.

Kasabay noon ang paghatak ni Shineya sa binata at sabay silang natumba sa ibabaw ng isang bangkay.

"Ano yun Shine?! Papatayin mo ang sarili mong kambal?"

Galit na napatingin si Shinji sa kanya. Napatingin din ang dalawa pa sa dalaga. Ngumiti ito at tinuon ang baril papunta kay Shinji at kinalabit. Sa gulat ni Shinji ay di agad sya nakakilos. Samantalang napaghandaan na naman ni Shineya ang balak nito at mabilis nya itong binaril ang kamay. Nabitawan nito ang baril at masamang tinapunan ng tingin si Shineya.

"Why did you do that?! You almost killed her!"

"Well, she almost killed another friend of yours. Tsaka, daplis lang iyon Shin, hindi nakakamatay."

Tumayo si Shineya at naglahad ng kamay kay Shin. Hindi ito tinanggap ng huli at tiningnan lamang sya ng masama.
"Enemies. Get them!"

Sa sigaw ni Shine napatingin ang tatlo sa paligid at naglabasan ang mga kaaway.

"Kill them except the princess!"

***

So yeah, here it is loves!  Sorry medyo natagalan pero August pa rin naman ngayon, so pwede pa. Haha Masyado Kasing busy sa Investigative Journalism namin e. Major naman yan. Tsaka ang daming school works at home works. Kaya bitin sa oras para mag update.

Anyways, sa mga magtatanong kung ano yung ini.aim ko sa BOOK 1, 10K reads lang naman hanggang August pero lumagpas ata. Haha! Wala pang August 10k reads na! Haha, salamat sa inyong pagtangkilik nitong munting kwento ko kahit medyo Kulang Kulang .. haha! Basta super thank you pa rin! Nga pala,  di ko pa nai-edit yung Book 1. Kinulang lang talaga sa oras. Woh!

SO, WON'T MAKE IT LONG, AGAIN LOVETHANK YOU ULIT! FOR THE WAIT :D .. hihi sanay na naman siguro kayong pinaghintay kaya di na yun bago sa inyo. Hahah Jk lang :D

Enjoy the night!

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon