Eighteen

632 19 0
                                    

"Magandang araw sa inyung lahat. Gusto ko lang iklaro na ang nalaman niyo sa balita at nabasa sa inyung mga pahayagan tungkol sa diumano'y terorista sa bansang Japan ay pawang pagkakamali lamang. Narito ang isang kuha na magsasabing ang tinaguriang grupo ng terorista ay ang syang patunay na sila ay mga mabuting kakampi."

Matapos ang mahabang sulat na yun na sabay sabay na nag-interrupt sa kanilang panunuod ng TV, paglalaro sa computer, pagtetext at kung ano ano pa ay nasundan ng isang footage.

Sa kuha ay makikita ang isang grupo ng mga kababaihan, ang white gang members, na nagtatawanan kasama ang mga kalalakihan, ang mga mafias at assassins ng LVP. Masaya silang nag-uusap sa bawat parte ng lugar nang biglang may sumabog. Sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng pagsabog at kaagad pinuntahan ang lugar. Nakasunod lamang ang taong may dala ng camera sa kanila hanggang sa madatnan nila ang boung pangyayari.

Maririnig sa background nito na tinanong siya ng isang lalaki kung anong ginagawa niya dito. Bahagya niyang nilingon ang nagtanong ngunit tanging dalawang babae lamang ang nakita, sina Miyu at Ayisha. "I came here to help, yun lang." At muling umalis para makikipag laban.

Kuhang kuha dito kung paano napatay ng mga kalaban ang mga inosente at maya maya pa makikita na din na buhay ito at nakikipaglaban na din sa mga kasamahan nila. Mahahalata na ding hinahayaan lamang sila ng mga kaaway. Ang mga kaaway na nakasout ng mga ordinaryong damit, ang iba ay naka-itim na suit dala dala ang mga naglalakihang armas.

Maya maya pa, makikita dito na papalapit ang camera sa kumpol ng mga pulisya.

"Don't let anyone go beyond that place. If someone tried to, kill him/her. The evacuation area is right here and not there. Now, secure this area first for the survivors. And make sure that the survivors aren't wounded. Not even scratches. Are we clear?"

Pagkatapos sabihin niya iyon ay sumaludo naman kaagad ang isang pulis bago minanduan ang mga kasamahan.

"Maraming salamat at mag-ingat po tayong lahat.

- Light"

Hindi na muling nasundan ang footage at binalik na ito sa dati. Samu't saring reaksyon ang namayani sa loob ng opisina. Kahit saang sulok ng Pilipinas ay magkapareho lamang ang sinasabi. May ibang natakot, nangamba, nabahala at nag-alala. Ang iba naman ay nagalit sa nalaman. Ngunit kung may mas nagalit pa, yun ay walang iba kundi ang mga taong kaalyado ng mga kalaban.

Hindi nagtagal, kumalat din ang balitang panghahack sa network ng bansang Pilipinas sa ibang panig ng mundo. Ngunit hindi din nagtagal ay nahack din sila at pinakita ang naturang footage.

Sabay sabay ang paggawang panghahack na maging ang pinaka magaling na IT expert at hacker sa kanya kanyang bansa ay walang nagawa upang matunton ang system ng hacker. Dahil sa oras na gawin nila iyon, ang system nila ang masisira.

"Wow, ikaw na pala ang pinakamagaling na hacker ngayon?" Sarkastikong puri ni Shai sa katabi.

"No. Konti lang talaga ang alam ko sa panghahack. May ginawa kasi si Zee na isang AI program na awtomatikong naghahack sa bawat system na gusto kong pasukin kahit pa ang pinakasecured na system kaya nitong pasukin. Ang kailangan ko lang gawin ay i-guide ito sa tamang sistema."

"Ngunit, ano ng mangyayari sa susunod Zero?" Tanong ni Shai sa katabi na nanatiling nakatingin lang sa monitor. "Tsaka, why did you use Light? Paano nalang kapag nalaman ito ng kalaban?" Nag-aalalang tanong niya.

Tiningnan sya ng binata sa ilalim ng kanyang salamin. "This is what she told me before she left." At muling humarap sa monitor. "Kapag daw mangialam ang kalaban pagdating sa tamang impormasyon, ito raw ang gawin ko. Gamitin ang kanyang pangalan bilang Prinsesa dahil alam niyang hindi lang ito pakana ng kalaban nating Death Mafia, kundi sa isang organisasyon kung saan sila nabibilang."

"As I have deduced, this is to inform them that she is watching."

"Habang tumatagal, patindi na ng patindi ang mga pangyayari. Lahat nadadamay."

"Dahil ito ang kagustuhan ng nag-iisang kalaban ni Zee."

Sandaling katahimikan ang namayani sa boung silid at tanging pagtitipa lang ni Zero ang nag-iingay.

"Paano mo pala nalaman ang mga ito? Ang tungkol sa pagkatao ni mommy?"

Ngumisi ang huli at hindi muna sinagot ang tanong ni Shai. Nanatili syang tahimik na pinagpatuloy ang ginagawa hanggang sa matapos ito.

"I told you, I am not the "best friend" for nothing.

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon