Twenty Two

656 17 0
                                    

"Hey." Tawag pansin ni Shine sa kambal na nasa terrace at may malalim na iniisip. Hindi sya nilingon ng huli. "Don't worry, she'll be back soon." Pag-aalo nito pagkatapos ng isang mahabang buntong hininga.

Nanatili pa ring walang imik ang binata na tila may malalim na iniisip. Saglit napatitig si Shine sa katabi. Hindi pa nya nakikita ang kambal na ganito. Payapa ang mukha pero kung titigan sa mga mata ay naroon ang matinding damdamin. Hindi nya lubos akalain na sa ganitong panahon pa nya masaksihan ang pagkakaroon ng kulay sa mga mata nito. Kulay na kailanman ay hindi nya nakikita. At nangyari lang ito nang makilala nila si Shineya.

"Alam mo bang, si Light Princess ang tumulong sa akin?" May ngiting sumilay sa labi nya nang maalala ang kanyang panaginip. Hindi lang iyon basta panaginip dahil ito ay isang pangyayari sa nakaraan.

Napatingin si Shin sa kambal. "Yes, sya nga Shin. Nang dahil sa akin ay nagbalik ang memorya nya bilang Light Princess." Muli syang huminto at pilit inalala ang nangyari sa kanyang panaginip. "At ako din ang naging dahilan ng pagpakamatay nya noon at mabuhay sa kasalukuyan sa ibang katauhan." May himig na pait sa boses ng dalaga. Hindi nito akalain na ganun pala kabait ang nasabing Prinsesa na kayang kitilin ang sariling buhay upang mahadlangan ang ginawang kahayopan ng unknown.

"Ang nangyari sa akin ay hindi lang bastang pangyayari. Kundi ito ay kagagawan ng nag-iisang kaaway ni Light at iyon ay ang unknown na sinasabi ni Raine." Nanatili naman syang nakatingin sa tanawin sa labas. Ang kagandahan ng Mt. Fuji. "Mas kilala noon bilang Dark, ang counterpart ni Light." Napalunok sya nang muling manumbalik ang alaala nya sa mga kamay ng unknown.

Kahit kailan ay hindi nya lubos maisip na darating sa punto na kikitil sya ng maraming buhay. Inosenteng buhay. "Hindi lang ako basta bastang kinokontrol. Kundi, napag-ekspirimentuhan ng nilalang."

Doon naman tila nalito si Shin. "What?" Tanong nya rito. Nilingon sya ng kambal na may maliit na ngiti. Malungkot ang kabuuang mukha at makikita sa mga mata nito ang halo halong emosyon. Galit, pagsisisi, at pangungulila.

"Hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag nang hindi ka maguguluhan pero alam kong matalino ka naman, so." Pilit nyang pinapasigla ang boses upang labanan ang matinding damdamin. Hindi naman inalis ni Shin ang tingin nya sa kambal.

"300 B.C. Ang mundo ay pinamumunuan ng pamilyang Light. Ang Prinsesa ang tinuturing na pinakaswerte sa lahat ng nagdaang henerasyon. Dahil ito lang ang bukod tanging tagapagmana na biniyayaan ng isang magandang regalo; ang eternal life."

Nalaman nya ang kwentong ito dahil sa kanilang mga magulang. Ang mga magulang na nagmumula pa sa panahon ng Prinsesa at kasabay ng pagkamatay nito ang pagkamatay din nila. Ngunit, kagaya ng sa Prinsesa ay muli itong mabuhay sa ibang katauhan. Sila ang magsisilbing daan upang maisakatuparan ang itinakda ng propisiya. Bago muling mabuhay ang Prinsesa ay sya namang pagkamatay nila. Ngunit, para muling magkaroon ng gabay at protektor ito ay kinailangan muna nilang mag-asawa ng mortal. At dito na pumasok ang limang magkakaibigan.

"Siya lang din ang may kakayahang kitilin ang sariling buhay. Maging ang kanyang counterpart ay hindi kayang gawin. Nalaman ito ng kaaway nya at binihag sya. Ang Light Princess ay may taglay na kabaitan kaya boung akala nya na sa pagsama nya sa unknown ay magbabago na ito. Yun pala ay may lihim itong pinaplano."

"Isang araw napag-alaman ng Prinsesa ang tungkol sa pangingialam ng unknown sa kasalukuyan." saglit syang tumigil upang maproseso ng kapatid ang kanyang sinsabi.

"Isang kaluluwa ang kanyang kinulong at pinag-aralan." Muli syang napalunok dahil hindi nya lubos maisip na ang kaluluwa nya ang hindi sinuwerte. Sa dinami daming pwedeng pakialaman ng nilalang, bakit ang kanya pa?

"Pinagsabihan nito ang nilalang na hindi nya maaring pakiaalaman ang mga pangyayari sa kasalukuyan dahil magdudulot lang ito ng isang sigalot pero hindi nakinig ang huli."

"So, ikaw ang tinutukoy nila?" Malungkot syang ngumisi sa naging tanong ng binata. "Sa kasamaang palad, ako nga."

++ USA +++

"How's it going?" Tanong ni Greg sa pinuno ng mga Scientist. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad sa corridor ng malaking laboratory. Pinagmasdan nito ang mga taong nakalab gown na paroon at parito.

Kanya kanya sila ng ginagawa. Saglit siyang tumigil upang pagmasdan ang mga taong walang malay na nakahiga sa steal table. May mga nakakabit ditong mga maliliit na wire sa bawat vital organs nito.

Sa kabilang banda naman ay makikita ang sampung chambers kung saan may mga taong nasa loob. Walang damit at walang malay. May mga maliliit wires din na nakakabit.

"We're nearing to 90% to complete the experiment your highness." Nakangiting sabi nito habang tinitingnan ang mga papel sa clipboard.

Tumango ang kausap at muling sumilay ang isang demonyong ngiti. "Good." Sabi nito at tumalikod.

"If we can't have her, we'll make many of her instead."

++ Philippines ++

"Tita, we have a problem." Paunang bungad ni Kaname pagkapasok ng library. "And at the same time, good news. Which do you want to know first?"

"Just spill the beans Kaname." seryosong saad nito nang hindi tumingin sa binata. Nagbuntong hininga ang kausap at umupo sa upuang nasa harapan.

"Hiro finally arrived. Dumami na din ang sumaling gangsters sa planong kalabanin ang rank #1 sa pamumuno na din nina Craigh at Miyu. Maayos na din si Shine. The plan went well Tita." Balita nito ngunit may himig na lungkot sa boses nito.

"But?" Ani Mayumi.

"Shineya is missing." Dito na nag-angat ng tingin ang tiyahin sa kanya. "How did that happened?" Takhang tanong nya rito.

"According to Raine, nakausap nya si Lolo at ipinaliwanag sa kanya ang lahat. Alam na ni Shineya na sya si Light Princess, pero hindi nakayanan ng katawan nya ang pwersa ni Light." Nahinto si Mayumi sa kanyang ginagawa at seryosong nakikinig sa pamangkin.

"Wala bang nakakaalam kung nasaan ang katawan nito? Hindi ba nila inalam man lang?" May bahid na pagkainis sa boses niya. Hindi nya kasi nagugustuhan ang naisip sa balitang iyon.

"They did Tita. Her body was trapped in the future." Seryosong sagot ng binata sa kanya. Nahampas ni Mayumi ang lamesa at gulat na tiningnan ang binata. "Her soul must return to her body immediately or else, this might be her fall!" Sigaw nito.

"Hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa boung mundo!"

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon