Fifteen

680 20 3
                                    

"Shit! Shin! Parating na ang mga kalaban!" Humahangos si Shinji nang makapasok ito sa bahay. Agad namang napatayo si Shiki ng marinig ang kaibigan. Samantalang gulat namang tumakbo si Shin malapit sa bintana at sinilip ang labas.

"Oh, buti at nandito ka na, saan ka ba nagpupunta Shiki?" Tanong ni Shinji habang naghahanda ng mga sandata.

"Mahabang kwento. Nasaan pala ang iba?" Gumaya na rin si Shiki sa binata. Lumapit si Shin sa kanila at kinuha ang mga sandata.

"Ang dalawang myembro ng White Rose gang ay pinatawag sa Pilipinas para sa isang misyon. Si Hiro naman ay naglalakbay papunta sa sariling bansa. Kailangan na daw siya doon. Sinamahan siya ni Shineya."

"Si Shine my labs, kumusta na Shin?"

Nagbuntong hininga si Shin at nag-iwas ng tingin. "Bilisan nyo na dyan. Kailangan natin silang pigilan." Iniwan na sila nito at lumabas na ng bahay.

Sumunod nalang din sila at sinabihan ang ibang myembro ng White Rose na bantayan ang bahay at huwag hahayaang may makalapit.

"Teka, may nagtawag ba ng taga LVP?" Takhang tanong ni Shinji ng makarating sa pinangyarihan ng gulo. Medyo malapit na ito sa village kung nasaan sila kaya kailangan nilang pigilan ang mga ito.

Habang tumatagal, parami nang parami ang kanilang nakakalaban. Kung hindi mga civilian ay mga kasamahan at kaalyado naman nila gawa nang natamaan ito ng mga sandata ng kaaway.

Kung anong meron sa sandatang iyon, ay hindi nila alam.

"Nandito sila." Bulong ni Shiki na narinig naman ng binata.

"Ha? Sino?"

"Raine."

"Raine?"

"Basta."

"Ang gulo mo."

Hindi na sumagot ang binata at lumapit ito sa isang assassin. Yumuko naman ito nang makita si Shiki.

May sumigaw mula sa likuran ni Shinji kaya agad syang humarap doon nang salubungin siya ng matulis na espada. Mabilis niyang pinangharang ang sariling espada at nagpang-ikot sila sa isa't isa. Tila tinantya ang bawat galaw nito.

Unang sumugod ang kaaway at nilusob ang binata.

"Nakakarindi yang sigaw mo, alam mo ba yun?" Inis na sabi niya rito at sinalo ang hampas nito. Umatras siya nang hindi pinaghihiwalay ang dalawang espada at pagkaraay inikot-ikot niya ito dahilan para mabitawan ito ng kaaway. Bago pa man niya mapatay ay naglabas ito ng baril mula sa likuran at pinagpuputukan ang binata. Tumalon naman siya sa gilid para umiwas at nagpagulong gulong palapit sa espada ng kalaban. Kinuha niya ito at hinagis sa bandang dib dib.

Pinagpagan ang sarili nang makatayo ito. Ngunit agad ding natumba nang daganan siya ng isa pang kalaban. Saksakin na sana siya sa tagiliran ngunit naunahan niya itong pugutan ng ulo gamit ang espada nya. Nagmistula siyang naliligo sa dugo nang tumayo ito.

Sa kabilang banda, sampung kalaban naman ang lumusob sa gawi nila ni Shiki at ng tatlo nitong kasama. Kaagad silang pinalibutan ng mga ito at sabay na sumugod. Nagkatinginan ang tatlo kay Shiki nang sumenyas ito sa kanila. Hinintay muna nila itong makalapit at saka sabay na tumalon ng mataas. Nagkabanggaan ang sampung kalaban sa isa't isa at sila sila lang din ang nagpapatayan.

Nakatingin lang si Shiki sa nangyari sa kanila mula sa bubong ng gusali. Di kalaunan ay nakaramdam siya ng mga paparating. Mula sa pwesto niya ay may nagbato ng isang throwing star. Mabilis siyang umilag at binato din niya ito ng kunai na syang bigay ni Raine sa kanya. Nakailag din ito at muling binato ang binata.

Sa katapat na gusali ay nasa bubong din nito ang isang ninja. Kilala niya kung saang organisasyon iyon at hindi niya nagustuhan ito.

Sabay nilang tinakbo ang mga bubong ng gusali sa magkabilang panig habang nagbabatuhan ng mga maliliit na sandata. Napailing si Shiki nang matamaan niya ito sa dib dib pero lumabas naman ang tatlo pa nitong kasama at sabay siyang pinagbabato.

Si Shin naman ay walang kapagurang pinagpapatay ang mga kalaban. Dito niya binubuhos ang galit niya sa pinuno nito. Ang syang dahilan kung bakit nangyari kay Shine iyon. Makikita naman sa paraan ng pagpatay niya, masyadong brutal. Kung hindi pagsasaksakin ng limang beses, pupugutan niya ito ng ulo. Bawat kalaban na sasalubong at susugod sa kanya ay may karahasan nya itong pinagpapatay. Ni hindi nga sya nadaplisan.

Sumigaw siya ng pagkalakas-lakas at sinugod ang mga kalabang malapit sa kanya. Animo'y mga damo na nakaharang sa dinadaanan. Nag-aapoy ang mga matang nakatingin sa harapan. Na akala mo'y sa likod ng mga kalaban ay nandudon ang pinuno nila at hinihintay sya.

Nang dahil sa estado ng isipan niya, hindi nito napansin ang pagdating ng isang panauhin.

"Shin!" Mabilis niyang nilingon ang boses na yun at sumalubong sa kanya ang isang shuriken.

"Shine!"

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon