CHAPTER 5

2.2K 87 3
                                    


#SinfulLove

CHAPTER 5

Magkatabing nakahiga ngayon sa iisang king size bed sila Henz at Evo at kapwa nakatingin sa puting kisame. Kapwa hubad at natatakpan lamang ng iisang puting kumot ang kanilang mga ibabang bahagi na katawan. Pawis pa rin sila kahit na malamig sa loob ng hotel room kung saan sila naroon. Kakatapos lamang kasi niya sa mainit nilang pag-iisa na kung saan, ipinramdam nila sa isa't-isa ang pananabik at init ng pagmamahal nila para sa isa't-isa.

Sa ilang taong lumipas, walang nagbago sa kanilang mga itsurang pisikal maliban na lamang na medyo nagmatured ang kanilang mga mukha at lumaki ng bahagya ang kanilang mga katawan lalo na ang kay Evo.

"I'm sorry kung hindi ako nakapunta kahapon." Paghingi ni Evo ng paumanhin kay Henz.

Napabuntong-hininga naman si Henz bago tumingin kay Evo na hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang tingin niya, napakagwapo pa rin nito para sa kanya.

"Wala iyon... Naiintindihan ko naman... Saka alam ko kung anong papel ko sa buhay mo... Na kahit ako mahal mo at kauna-unahan mong minahal... eh hindi naman ako ang una pagdating sa mga priority mo..."

"Henz..." sabi kaagad ni Evo na kaagad na napatingin kay Henz.

Tipid na napangiti si Henz.

Umiwas nang tingin si Evo. Muli itong tumitig sa kisame.

"Naghihinala na sa akin ang asawa ko." biglang sabi ni Evo.

Nangunot naman ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ni Henz.

"Naghihinala?" pagtatakang tanong nito.

Napabuntong-hininga si Evo.

"Nalaman ko kasing nagtatanong-tanong siya sa mga kasamahan kong lalaki sa construction firm kung may kinakalantari ba akong babae na katrabaho ko. Napapansin niya kasi na lagi na lamang akong gabi na umuuwi ng bahay kahit na hindi naman talaga iyon ang oras na labas ko ng trabaho." Sabi nito. Isa na ito ngayong licensed civil engineer at hindi lang basta engineer, kundi isa sa mga sikat na engineer dito sa bansa at sa ibang panig pa ng mundo kaya naman mayaman na rin ito.

"E anong sabi ng mga kasamahan mo?" tanong ni Henz.

"Siyempre wala... Wala naman akong nilalanding babaeng katrabaho ko... Ikaw lang naman ang kalandian ko noon pa." sabi ni Evo na hindi alam ni Henz kung nagbibiro ba o ano kasi seryoso pa rin ang pagsasalita nito.

Hindi napigilang matawa ni Henz.

"Nakakatawa... Kung alam lang ng asawa mo na hindi babae ang kinakalantari mo..."

"Henz..." sabi kaagad ni Evo. Napatigil sa pagtawa si Henz. "Hindi nakakatawa ang sinabi ko..." sabi pa nito.

"Ito naman... Pinapagaan ko lang ang ambiance nating dalawa. Ngayon na nga lang tayo nagkita ulit after three days tapos... ang bigat-bigat pa ng ambiance natin." Sabi ni Henz.

Natahimik naman si Evo. Napabuntong-hininga.

"Sa totoo lang Henz... nakokonsensya na ako... Ang tagal ko ng niloloko ang asawa ko..."

"Bakit kasi hindi mo pa siya hiwalayan? Malayang-malaya ka naman na gawin iyon..."

"Pero alam mo kung bakit hindi ko magawa kahit na may kalayaan akong gawin iyon..." sabi kaagad ni Evo. "Iyon ay dahil sa anak namin. Ayoko namang masira ang pamilyang kinagisnan niya..."

SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon