CHAPTER 11

1.6K 78 8
                                    


#SinfulLove

CHAPTER 11

"Halika nga muna dito..." sabi kaagad ni Henz kay Theresa pagkapasok na pagkapasok nito ng bahay nila. Nakatingin naman sa kanila si Gavin na nakaupo sa sofa na nasa living room.

"Bakit ba?" tanong ni Theresa na napatingin rin kay Gavin. Napangiti ito nang nakakaloko. Mukhang alam na niya kung bakit parang natataranta itong asawa niya.

"Basta..." sabi ni Henz at hinawakan si Theresa sa kanang braso. Napatingin ito kay Gavin. "Ah Sir... Mag-uusap lang kami nitong asawa ko a." sabi nito. Napatango naman sa kanya ang gwapong pulis sabay ngiti.

Kaagad na hinila ni Henz papuntang kusina si Theresa.

"Ikaw." Sabi kaagad ni Henz pagkabitaw na pagkabitaw nito ng hawak kay Theresa. Nasa kusina na sila ngayon. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin na humingi ka pala ng proteksyon sa mga pulis? Nagsinungaling ka pa na may mga banta tayo sa buhay na natatanggap... Ano ka ba naman Theresa... paano kung malaman nila na hindi naman..."

"HEP! HEP! HEP!" sabi kaagad ni Theresa at tinakpan pa niya ang bibig ni Henz para matigil ito sa pagbubunganga. "Kumalma ka nga muna... Napaghahalataan ka e." sabi pa nito at tinanggal na ang kanang kamay sa pagkakatakip sa bibig ni Henz.

"Anong napaghahalataan?" pagtatakang tanong ni Henz.

"Napaghahalataan kang natataranta dahil sa gwapong pulis." Pang-aasar na sabi ni Theresa na mukhang effective naman dahil namula ang magkabilang tenga ni Henz. Natawa naman si Theresa nang mapansin iyon.

"Di ba tama ako?" tanong nito.

"Tumigil ka nga... Kokotongan kita diyan e..."

"Sige subukan mo." Sabi kaagad ni Theresa. Iniyuko pa niya talaga ang ulo niya. "O... Handa na ang ulo ko, kotongan mo na." sabi pa nito.

"Tumigil ka nga Theresa... Nang-aasar ka na e." naiinis na sabi ni Henz.

Umayos ng tayo si Theresa. Tiningnan si Henz.

"At pikon ka naman?... Ikaw naman kasi... Ano namang masama kung manghingi ako ng proteksyon galing sa mga pulis? Naisip ko lang naman kasi na kailangan na may magbantay rin sa atin na iba hindi lang security guards dahil para mas lalong safe lalo na ngayon at iniimbestigahan ang pagkamatay ng mga magulang mo at wala pang naituturong suspects na hanggang sa kasalukuyan, pagala-gala... paano na lang kung tayo ang isunod ng mga iyon? Lalo ka na, baka mamaya pinagpaplanuhan na ng mga iyon ang pagpatay rin sayo. Saka ano naman kung nagsinungaling ako na may banta tayo sa buhay? Ok nga iyon di ba para mas maproteksyunan nila tayo." Pagpapaliwanag ni Theresa. Napabuntong-hininga ito. "Alam mo... Iniisip ko lang naman ang kaligtasan natin." Sabi pa nito.

"Alam ko naman iyon kaya lang..."

"Henz... Kung ibang pulis ba ang magbabantay sa atin... iyong hindi kasing gwapo nung nasa living room natin ngayon... mapapanatag ka na ba?" tanong kaagad ni Theresa.

"Theresa... Ano bang sinasabi mo diyan?" tanong ni Henz sabay iwas nang tingin.

"Alam mo ang sinasabi ko. Halatang-halata ka e... gwapong-gwapo ka run kay pulis..."

"Hindi a..." sabi kaagad ni Henz. Nagsisinungaling. "Si Evo lang ang gwapo para sa akin at wala ng iba..." sabi pa nito.

"Sus! Sinungaling." Sabi ni Theresa. Muling napatingin sa kanya si Henz. "Alam mo... Kahit naman may laman na ang puso mo... pwede ka pa rin namang humanga sa kagwapuhan ng iba... pwede ka pa ring magkaroon ng crush sa iba kaya don't deprive yourself. Ako nga, ok lang kay Lianne na nagkakaroon ako ng crush sa ibang babae at ok lang rin sa akin na minsan ay humanga rin siya sa iba kasi alam naman namin na paghanga lang iyon... ang mahalaga naman, humahanga ka man sa iba, alam mo pa rin sa sarili mo ay kung sino ang mahal at nilalaman ng puso mo." Sabi pa nito sabay ngiti. "Kaya ikaw... Ok lang na magwapuhan ka kay Pulis Matulis ok?" sabi pa nito.

SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon