#SinfulLove
CHAPTER 7
"Sa tingin mo... sino sa kanilang dalawa ang may matinding motibo at pagnanais na patayin ang mga magulang mo?" tanong ni Theresa kay Henz. Magkatabi silang nakaupo ngayon sa mahabang sofa na nasa living room.
Napatingin naman si Henz sa screen ng laptop na nasa kanilang harapan at nakapatong sa may gitnang mesa. Nakikita niya roon ngayon ang mga litrato ng dalawang lalaki na hindi pamilyar ang mukha sa kanya. May mga nakalagay na pangalan ng mga ito sa ibabang bahagi ng litrato. Pansin niya na mga kasing edad ng Daddy niya ang mga lalaki na nasa litrato.
"Emmanuel Garcia... Filomeno Baltazar." Pagbasa ni Henz sa mga pangalan. Nangunot ang noo ni Henz at nagkasalubong ang magkabilang kilay nito. Muling napatingin si Henz kay Theresa.
"Sino sila? Saka bakit mo sila pinaghihinalaan na sila ang maaaring nagpapatay sa mga magulang ko?" may pagtatakang tanong ni Henz.
Tipid na napangiti si Theresa. "Ang dalawang taong iyan ang mga nakalaban ng Daddy mo sa pagka-gobernador nung nakaraang eleksyon... at maaaring isa sa kanila o maaari ring dalawa sila ang pwedeng gumawa ng krimen na ikinamatay ng mga magulang mo. Kumbaga, pwedeng nagtulungan sila." Sabi nito.
"Ha? Pero bakit? Magagawa ba nila iyon?" tanong ni Henz.
"Maaaring oo, maaari ring hindi... Maaari kasing ang isa sa kanila... o dalawa sila na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on sa pagkatalo nila sa Daddy mo sa eleksyon kaya dahil sa inggit at galit... Kaya nagawa nilang ipapatay ang Daddy mo at nadamay pa ang Mommy mo." Sabi ni Theresa. Napabuntong-hininga. "Saka alam mo Henz... madumi ang mundo ng pulitika... pwedeng-pwede nilang gawin ang lahat para lamang manalo o hindi madaig ng iba... Kagaya nito, nadaig sila ng Daddy mo kaya ang ginawa nila... gumanti sila sa pamamagitan ng pagpapatay sa kanila." Sabi pa nito.
"Pero Theresa... Hindi pa naman tayo sigurado kung isa nga sa kanila ang pwedeng gumawa nito sa mga magulang ko... Wala pa tayong solidong ebidensya hanggang ngayon..."
"Kaya nga hinala lang muna di ba? Naghahanap pa lamang tayo ng mga maaaring suspects at kapag nakahanap na tayo... gaya nito, doon tayo maghahanap ng mga ebidensyang pwedeng magdiin sa kanila... Maaari rin kasing wala sa kanilang dalawa ang may gawa at may iba pang tao ang gumawa ng krimen. Kung sakaling wala tayong mahanap sa kanila na matibay na ebidensya na pwedeng magdiin sa kanila sa kaso... iyon, maaaring meron pang ibang tao na galit sa Daddy mo." Sabi ni Theresa.
Napatango si Henz. Napabuntong-hininga.
"Maaari nga kayang isa sa kanila ang may gawa? Kung ang isa nga man sa kanila... napakawalang puso naman niya para gawin iyon sa mga magulang ko." sabi nito na may halong galit. Napapakuyomg ng magkabilang kamao.
"Basta Henz... Kailangan nating suriin nang maigi ang lahat ng anggulo at pwedeng pag-ugatan ng lahat ng nangyaring ito." Sabi ni Theresa.
Napatango na lamang si Henz. Sa totoo lang kasi, wala naman siyang alam pagdating sa pulitika at sa mga taong nakakalaban o nagiging kaaway ng Daddy niya dahil una nga, hindi siya pumapasok sa personal at politics life nito, pangalawa, hindi rin siya hinayaan ng Daddy niya na pumasok siya sa mundo nito. Kapag nasa mansyon nila ito, isa itong haligi ng tahanan at hindi gobernador.
- - - - - -- -- - - - - -
"O Kumain ka ng kumain a para bumalik sa dati ang katawan mo... Medyo namayat ka kasi dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang linggo." Sabi ni Evo kay Henz. Nakaupo ito sa kaliwang upuan habang nasa kanan naman si Henz. Nasa loob sila ngayon ng isang sikat na fast food chain at nakaupo sila sa pandalawahang mesa.
![](https://img.wattpad.com/cover/90378507-288-k116456.jpg)
BINABASA MO ANG
SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020
RomanceANG PAGMAMAHALANG IPINAGBABAWAL... HANGGANG SA HULI BA AY MAIPAGLALABAN? SINFUL LOVE by FRANCIS ALFARO COMPOSE OF 30 EPISODES ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT (C) 2020