CHAPTER 16

1.4K 68 1
                                    


#SinfulLove

CHAPTER 16

"Ano? Alam na niya ang lahat ng tungkol sa inyo ni Evo?" gulat na gulat na tanong ni Theresa kay Henz. Nasa loob sila ngayon ng isang kwarto dito sa bahay.

Napatango si Henz. Napabuntong-hininga.

"Teka... paano niya nalaman? Sinabi mo ba sa kanya?" tanong pa ni Theresa.

Napailing si Henz. "Sa tingin mo ba sasabihin ko sa karibal ko ang bagay na iyon?" sabi nito. "Matagal na siyang may hinala na may iba si Evo... At hindi rin malayo na pinasusundan niya ang asawa niya kaya ito... nalaman na niya na ako ang ahas sa pagsasama nila." Sabi pa nito.

Natawa naman si Theresa sa huling sinabi ni Henz.

"At talagang tanggap mo sa sarili mo na ahas ka..."

"Bakit? Hindi nga ba?" tanong kaagad ni Henz.

Napailing si Theresa. "Anyway... So anong balak mo ngayon? Makikipaghiwalay ka na ba kay Evo ngayong alam na ng asawa niya na ikaw nga ang ahas sa pagsasama nila?" tanong nito.

"Siyempre hindi. Mahal ko si Evo at kahit na anong gawin niya... mahal ako ng asawa niya at iyon ang panghahawakan ko... Papel lang ang hawak niya hindi ang puso ng asawa niya." sabi ni Henz.

Napangisi naman si Theresa. "Wow! Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig noh... Ginagawa kang matapang na ipaglaban ang pagmamahalan." Sabi nito.

Tipid na napangiti na lamang si Henz.

"Sabi ko naman sayo di ba... Lahat ay kaya kong gawin at tiisin para lamang hindi kami mahiwalay ni Evo sa isa't-isa. Masyado ng matagal at mahaba ang pagsasama naming dalawa kaya hindi ko basta-basta hahayaan na may makasira nun... Kahit si Alex pa." sabi nito.

"Suportado kita diyan kahit na sa paningin ng lahat ay mali ang ginagawa mo. Alam ko naman kasi na mahal mo siya kaya dapat lang na ipaglaban mo ang taong mahal mo. At sa tingin ko... tama lang na lumaban ka." Sabi ni Theresa.

"Salamat at naiintindihan mo ako." Sabi ni Henz.

Napangiti naman si Theresa.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Nakatayo sa tapat ng bintana si Henz habang tulalang nakatingin sa labas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis sa kanyang isipan ang mga nangyari sa pagitan nila ni Alex.

"Mukhang ang lalim Sir ng iniisip ninyo a..." hindi namalayan ni Henz na nasa tabi na pala niya si PO1 Gavin Hernandez na siyang nagsalita. Napatingin siya rito at tipid na napangiti.

Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Kapwa nakatingin ang mga ito sa labas ng bintana.

"Pwede ba kitang matanong?" tanong ni Henz.

"Tinatanong niyo na ako Sir..." pabirong sabi nito.

Bahagya namang natawa si Henz. Pagkatapos ay napabuntong-hininga.

Muling napatingin si Henz kay Gavin.

"Nagmahal ka na ba ng isang taong pagmamay-ari na ng iba?" tanong ni Henz na bahagyang ikinagulat ni Gavin.

"Ho?" pagtatakang tanong nito kahit na narinig naman niya ang tanong.

"Kailangan ko pa bang ulitin sayo iyong unang tanong ko?" napapangiting wika ni Henz.

Napailing si Gavin.

"Hindi ko lang ho kasi inaasahan na tatanungin niyo ako ng ganyang tanong..." sabi ni Gavin. Napabuntong-hininga. "Ang totoo niyan... hindi pa ho... at sana hindi mangyari sa akin iyong sinabi niyo... na magmamahal ako ng isang taong pagmamay-ari na ng iba kasi mahirap ho iyon e." sabi pa nito.

Napatango at tipid na napangiti si Henz.

"Tama ka... Mahirap nga." Sabi nito. Napabuntong-hininga. "Iyong kahit alam at ramdam mong mahal ka niya... pero hindi mo maiwasang mag-isip na... sapat na ba iyong pagmamahal na iyon para panghawakan ko? Sapat na bang panghawakan ko ang puso niya na mahal ako? Na lyamado ako kaysa sa taong tunay nagmamay-ari sa kanya?" sabi pa nito. "Sa totoo lang kasi di ba... ang tao, parang hayop rin 'yan... territorial, kung ano iyong pagmamay-ari nila... dapat sa kanila lang iyon at walang iba na pwede umangkin at kumuha nun o di kaya ay makihating iba." Dugtong pa nito sa sinabi.

Napatango naman si Gavin. Sa tingin niya, may kinalaman ito sa sitwasyon ngayon ni Henz.

"Pero may mga ibang tao at hayop rin na kahit hindi nila pagmamay-ari... nagagawa nilang agawin pa rin ang pagmamay-ari na nga ng iba dahil sa may dahilan at pinanghahawakan rin sila." Sabi ni Gavin.

Napaiwas nang tingin si Henz. Parang natamaan siya sa huling mga sinabi nito. Hindi na lamang niya pinahalata na natamaan siya.

"Sa tingin mo ba... Dapat mong labanan ang taong nagmamay-ari talaga sa taong mahal mo na mahal ka? Dapat bang ipaglaban ang pag-ibig mo dahil alam mong mahal ka rin ng taong pagmamay-ari na ng iba?" mga tanong ni Henz.

"Uhmm... Walang masama na lumaban lalo na kung puso't pagmamahal na ang siyang ipaglalaban... Pero lagi rin nating isipin na kapag tayo'y lumaban... dapat may kasama ka... dapat kasama mong lumaban iyong taong ipinaglalaban mo para mas maging matagumpay ang kahantungan ng laban mo. Hindi ko sasabihin na huwag mong ipaglaban ang pagmamahal mo kung nasa maling direksyon ito kasi naniniwala ako na walang tama at mali kapag nagmamahal... pero sana lang... maisip rin natin na kung mali ang pagmamahal na ipinaglalaban mo... worth it bang ipaglaban ang maling pagmamahal na iyon? Worth it bang may masaktan kang ibang damdamin para lamang mapasayo ang tagumpay ng ipinaglalaban mo? At higit sa lahat... handa ka ba at ang taong ipinaglalaban mo na masaktan ang taong gusto niyong labanan? Kasi... kung ikaw... handa ka pero iyong taong ipinaglalaban mo... hindi handa at ayaw na may masaktang iba... sa tingin mo kaya magtatagumpay ka?" mahabang sinabi ni Gavin.

Napaisip si Henz. Alam niya sa sarili na handa niyang ipaglaban si Evo at alam rin niya na handa siya nitong ipaglaban. Iyon nga lang... sa tuwing naiisip niya si Alex ngayon, sumasagi rin sa isipan niya ang anak nila Evo na si Theo. Ang damdamin nito ang siyang inaalala niya. Wala na siyang pakielam pa sa damdamin ni Alex e, tingnan niyo nga, kahit na alam na nito ang lahat ng sa kanila ni Evo, wala siyang pakielam at hindi pa rin niya gugustuhin na magkahiwalay sila. Ang iniisip niya talaga ngayon... ngayong alam na ni Alex ang lahat, tiyak, magkakaroon na nang gulo at ang unang maaapektuhan sa lahat ng gulong mangyayari ay ang bata. Alam niyang handa siyang ipaglaban ni Evo pero paano kung ang buhay na ng anak nito ang siyang nakataya sa mga mangyayari sa pagitan nilang tatlo ni Alex? Maipaglalaban pa ba siya nito? At siya, handa niyang ipaglaban si Evo kay Alex pero sa anak nito? sa anak ni Evo? Handa ba niyang ipaglaban ang pagmamahal sa ama nito gayong alam niyang makakaapekto ito sa buhay ng bata?

Napabuntong-hininga si Henz. Muling natulala at tumingin sa kawalan.

Si Gavin naman, nakatingin sa kanya. Tipid na nakangiti.

-KATAPUSAN NG KABANATA PANGLABING-ANIM-

SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon