EPILOGUE...
MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN...
"Ikaw na ang bahala kay Henz huh Evo... Alagaan mo siyang mabuti ok." Sabi ni Theresa kay Evo. Nasa loob sila ngayon ng bahay nila Henz at Theresa.
Napatango naman si Evo.
"Hindi mo pa man sinasabi sa akin... matagal ko nang nagawa at patuloy na nagagawa... Busog na busog na nga ito sa pag-aalaga ko." nakangiting sabi ni Evo sabay akbay sa katabi niyang si Henz na nakangiti rin.
Napangiti rin si Theresa.
"Mag-ingat kayo ni Lianne sa Amerika... Saka best wishes rin sa magiging kasal ninyo." Sabi ni Henz.
Mas lalong napangiti naman si Theresa.
"Oo... Basta... Sumunod kayo kaagad sa Amerika huh para makaattend kayo sa wedding namin." Sabi nito.
Napatango si Henz.
"Kapag naayos na ang lahat rito... Susunod rin kami roon at magpapakasal na rin kami... Di ba Henz?" sabi at tanong ni Evo.
Napangiti naman si Henz. "Hindi ka pa nga nagpropose... Kasal na ang gusto mo." Sabi nito.
Natawa naman si Evo. "Hindi ko naman na kailangan magpropose sayo dahil alam ko na rin naman na makukuha ko ang matamis na oo mula sayo" pabirong sabi nito.
"Napaka-confident mo naman." Sabi ni Henz.
"Siyempre... Ramdam na ramdam ko kaya na mahal mo ako kaya alam ko na kahit wala akong proposal sayo... pakakasalan mo pa rin ako... Di ba? Di ba?" sabi ni Evo.
"Oo na lang..." natatawang sabi ni Henz.
Napapangiti naman si Theresa sa nakikitang sweetness ng dalawa. Alam niyang hindi siya nagkamali na ipagkatiwala kay Evo ang soon to be ex husband niyang si Henz dahil kitang-kita naman rito kung gaano nito kamahal si Henz at mahal rin naman ni Henz si Evo kaya nararapat lamang na mabigyan ng kalayaan at maipakita sa lahat ang pagmamahalan ng dalawa.
Kasalukuyang gumugulong sa korte ang annulment case nila Henz at Theresa. Hindi pa man sila tuluyang hiwalay pero masasabi naman nila na malaya na sila ngayon. At masaya sila dahil doon.
Isang buwan na ang nakalipas pagkatapos ng lahat ng nangyari. Maraming nagbuwis ng buhay kabilang na roon si Alex na nilamon ng kasamaan. Ngayon ay ilang linggo na ring nakalibing ito.
Si Gavin? Ayun... bumalik na sa headquarters nila at patuloy na ginagawa ang tungkulin bilang mabuti na alagad ng batas. Ipinaliwanag mabuti ni Henz sa kanya na hindi nito matutumbasan ang pag-ibig na nararamdaman nito dahil hanggang sa huli, si Evo pa rin ang kanyang mahal at patuloy na mamahalin. Maluwag na tinanggap naman iyon ng huli dahil sabi nga... ganun talaga kapag nagmahal... hindi laging magiging masaya ang ending, minsan... masakit ang ending pero kung maluwag mong tatanggapin ang pagkabigo... hindi rin malayong magiging maluwag rin ang buhay mo sa paglipas ng mga araw. Saka alam naman niya na may isang tao talaga na nakalaan para sa kanya. Darating rin iyon sa takdang panahon at pagkakataon.
Hindi naging lihim kay Evo at Theresa ang naramdaman ni Gavin para kay Henz. Kamuntikan na ngang magalit ni Evo rito dahil parang gusto pa yatang agawin nito ang taong mahal niya pero dahil nga sa nagpaliwanag na si Henz at sinabi nitong ito lang ang mahal niya at humingi rin naman nang tawad si Gavin ay hindi na ito tuluyang nagalit pa.
Si Theo naman, ayun at inaalagaan ni Henz at Evo. Para na nga silang isang pamilya. Ipinapaliwanag at ipinapaintindi mabuti ni Evo ang lahat ng nangyari sa Mommy nito sa tuwing hahanapin nito si Alex. Hindi pa man masyadong naiintindihan nito ang lahat e naniniwala siyang hindi magtatagal ay maiintindihan na rin nito.
Wala na rin silang pakiealam sa sasabihin ng ibang tao. Ngayong malaya na silang lahat para mahalin ang isa't-isa... hindi na nila kailangang magtago at intindihin ang sasabihin nila. Ang mahalaga ay iyong nararamdaman nila... Ang mahalaga... ay iyong magkasama sila.
- - -- - - - - - - - - -- - - - -
Magkatabing nakahiga ngayon sa kama sila Henz at Evo. Hubad ang kanilang mga katawan dahil kakatapos lamang nila sa mainit na pag-iisa.
"Hindi ko akalain na darating tayo sa puntong ito... iyong magiging malaya na tayo... iyong hindi na natin kailangan itago sa iba ang pagmamahalan natin." Sabi ni Henz habang nakayakap kay Evo.
Napangiti naman si Evo. Napatitig ito sa kisame ng kwarto kung nasaan sila ngayon.
"Oo nga... At hindi ko rin akalain na ganito pala kasaya na maging malaya... na malaya mong mahalin at mahalin ka ng taong mahal mo." Sabi nito.
Napangiti rin si Henz.
Naramdaman na lamang nito na hinalikan siya ni Evo sa tuktok ng ulo.
"Mahal na mahal kita... Henz Vincent Dela Cruz." Bulong na sabi ni Evo.
Napatingala naman nang tingin si Henz. Nakatingin sa kanya si Evo.
"Mahal na mahal rin kita... Primitivo Theodore Rosales." Sabi naman ni Henz sabay ngiti nang matamis.
Umabot hanggang tenga ang ngiti ni Evo. Napakasaya niya. Sobrang saya niya.
"Excited ka na bang maidugtong sa pangalan mo ang apelyido ko?" tanong ni Evo kay Henz.
Napangiti si Henz. "Oo naman... Hindi na nga ako makapaghintay." Sabi nito.
Dalawang linggo na lamang... lilipad na sila papuntang US para sa kanilang... Kasal.
Mas lalong napangiti pa si Evo.
"Sabik na sabik na akong maging asawa ka." Sabi nito.
"Mas lalo naman ako." Sabi ni Henz.
Nagkangitian silang dalawa. Sa ngayon... wala na silang mahihiling pa dahil lahat na yata ng klase ng saya ay nararamdaman nila ngayon.
-WAKAS-
DECEMBER 10,2016 (SATURDAY)
BINABASA MO ANG
SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020
RomanceANG PAGMAMAHALANG IPINAGBABAWAL... HANGGANG SA HULI BA AY MAIPAGLALABAN? SINFUL LOVE by FRANCIS ALFARO COMPOSE OF 30 EPISODES ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT (C) 2020