#SinfulLove
CHAPTER 25
Kaagad na inilayo ni Henz ang sarili kay Gavin dahilan para matigil ang umiinit nilang halikan. Nagkatitigan sa mga mata ang dalawa.
"B-Bakit?" nagtatakang tanong ni Gavin kung bakit tila ay parang binuhusan ng malamig na tubig ang reaksyon ngayon ni Henz.
Napaiwas nang tingin si Henz kay Gavin. Umayos ito nang upo. Napabuntong-hininga.
Bigla kasi niyang nakita sa isipan niya ang umiiyak na imahe ng mukha ni Evo. Bigla siyang nakaramdam ng konsensya dahil pakiramdam niya, sa ginawa niyang ito ngayon, nagtataksil na siya rito. Kahit naman kasi nakakaramdam siya ngayon ng kakaiba towards kay Gavin at tila nakakaramdam naman siya nang panlalamig kay Evo, still, kasintahan niya pa rin ito at kahit na pakiramdam niya ay nagagawa ni Evo na magsinungaling at lokohin siya, still, ayaw niyang matulad rito na isang sinungaling at manloloko.
"I'm sorry..." sabi ni Henz.
"Naalala mo ba siya?" tanong ni Gavin.
Hindi sumagot si Henz. Nanatiling hindi ito tumitingin kay Gavin.
Napabuntong-hininga naman si Gavin na narinig naman ni Henz.
"Naiintindihan ko... Marahil ay nakosensya ka bigla dahil sa ginagawa natin." Sabi nito.
Nanatiling walang imik si Henz.
Nakatingin naman si Gavin sa kanya. Mababanaag ang kalungkutan sa mukha nito dahil pansin niya na tama siya nang naiisip na sagot sa tanong niya. Naalala nito si Evo na matagal na niyang pinaghihinalaan na kasintahan nitong si Henz at hindi lamang basta kaibigan lang. Naiintindihan naman niya iyon. Kasalukuyang nasa loob ng isang relasyon ang taong gusto niya kaya natural lamang na makaramdam ito nang mga pakiramdam ng isang taong nagtataksil.
Masakit sa kanya iyon sa totoo lang, pero pinili niya kasing magkagusto sa isang taong may nagmamay-ari ng iba kaya naman... kailangan niyang tiisin ang sakit na ito. Ginusto niya ito kaya dapat niyang panindigan.
- - - -- - - - - -- - - - - - - -
Isang yakap ang kaagad na natanggap ni Henz mula kay Evo. Nagkita sila ngayon sa isang restaurant na hindi naman pagmamay-ari ni Henz. Nasa pinakadulong bahagi sila kung saan, walang masyadong tao na nakakakita sa kanilang dalawa.
"Na-miss kita." Nakangiting sabi ni Evo pagkabitaw nito sa yakap kay Henz.
Wala namang ekspresyon ang mukha ni Henz na labis na ipinagtaka ni Evo.
"Para namang hindi ka masaya at hindi mo ako na-miss." May halong pagtatampo na sambit ni Evo. Kakarating lamang niya galing China kuno tapos.
Napatitig si Henz kay Evo.
"May problema ba?" tanong ni Evo. "Bukod sa may nangyari sa restaurant mo... may iba pa bang nangyari?" tanong pa nito.
Hindi kaagad nagsalita si Henz. Tinitigan lamang niya si Evo. Ngayong nakikita niya ito, ewan niya kung paniniwalaan ba niya ang mga sinasabi nito. Para kasi sa kanya, sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito, may kalakip na kasinungalingan.
"Henz..."
"Saan ka ba talaga nanggaling?" tanong kaagad ni Henz. Seryoso ang tono.
Nangunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ni Evo.
"Bakit mo tinatanong?" pagtatakang tanong ni Evo. "Di ba alam mo naman iyon? Sa China..."
BINABASA MO ANG
SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020
Roman d'amourANG PAGMAMAHALANG IPINAGBABAWAL... HANGGANG SA HULI BA AY MAIPAGLALABAN? SINFUL LOVE by FRANCIS ALFARO COMPOSE OF 30 EPISODES ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT (C) 2020