CHAPTER 1

6.6K 141 5
                                    


#SinfulLove

CHAPTER 1

"Dad! Ayokong magpakasal!" malakas na pagkakasabi ko. Nasa harapan ko ngayon sila Mommy at Daddy at nasa loob kami ng opisina niya rito sa loob ng mansyon. Gulat na gulat ako sa sinabi niya na ipapakasal niya ako kay Theresa, schoolmate ko na galing rin sa isang maimpluwensyang pamilya.

"Sa ayaw at sa gusto mo... Papayag ka..."

"Pero Dad! Ayoko nga... Bakit ninyo ba pinipilit sa akin ang bagay na iyan? Ipapakasal ninyo ako gayong hindi ko naman mahal ang taong iyon? Hindi rin naman ako nun mahal kaya bakit ninyo kami itatali sa isa't-isa?" nanggagalaiti kong sabi. Nakakainis naman kasi. Kilala ko naman si Theresa, mabait siya, maganda at sexy at mayaman pa pero kasi... basta, ayokong masakal este makasal sa kanya.

"Kailangan kitang protektahan at ang dignidad at reputasyon ng pamilyang ito..."

"Protektahan saan Dad?" tanong ko kaagad.

"Protektahan mula sa pagiging alanganin mo." Sabi ni Dad na nagpagulat sa akin. Hindi kaagad ako nakapagsalita.

"Sabihin na nating tanggap na namin ng mommy mo na iba ang pagkatao mo... Pero hindi ibig sabihin nun ay hahayaan namin na masira nito ang dignidad at reputasyon na meron ang pamilyang meron tayo... Alalahanin mo... nasa maimpluwensya kang pamilya...Lahat ng mata ay nakatingin sa atin. Paano na lamang kung may makahalata o may makaalam na iba ka kumpara sa ibang lalaki? Malaking kasiraan iyon hindi lamang para sayo kundi para na rin sa ating lahat... Nag-iisa ka pa man ding anak namin... At ang pagpapakasal mo ang naisip kong paraan para hindi mangyari ang lahat ng kinakatakutan ko." sabi ni Daddy.

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Oo, ramdam ko naman, tanggap nila ako. Tanggap nga ba talaga? Malaki nga ba talagang kasiraan sa pamilyang ito ang pagiging alanganin ko? Gusto kong maiyak. Bakit naman kasi nasali pa ako sa isang maimpluwensyang pamilya? Bakit ba kasi naging Gobernador pa ng lalawigang ito ang Daddy ko at ang mommy ko, sikat na sikat pagdating sa mga charity works dahil sadyang matulungin talaga ito? Dapat kasi... dapat kasi...

Alam ko naman kasi na mahirap talaga para sa kanila na tanggapin kung sino talaga ako. Naiintindihan ko naman iyon pero sana naman, intindihin rin nila ako. Na ito na talaga ako. Na ito talaga kung sino ako.

Napatingin ako kay Mom... umiwas lang siya nang tingin sa akin. Alam ko naman kasi, kapag sinabi ni Daddy, wala siyang magagawa. Hindi niya kayang tumutol.

Muli akong napatingin kay Dad na may pagkakahawig sa akin. Hindi naman kasi sa pagmamayabang, magandang lalaki si Daddy lalo na nung kabataan niya, ibig sabihin, magandang lalaki rin ako.

"Dad..."

"Whether you like it or not... magpapakasal ka Henz at hindi mo na iyon mapipigilan pa... Kahit na kailanganin pang kaladkarin kita papuntang simbahan, gagawin ko para lang matuloy ang kasal mo." Sabi ni Daddy.

Napatitig na lamang ako kay Daddy na may kasamang pagkadismaya. Nakakainis talaga. Wala na ba akong karapatang magsalita o tumutol man lang? Ilang taon na ba ako? 23 na ako pero kung ituring nila ako... para lamang akong isang teen ager na walang karapatang tumutol at magsalita. Kahit na sinabi ko ng ayaw ko... wala. Sila pa rin ang masusunod.

Napailing na lamang ako saka tinalikuran ko sila at naglakad na palabas ng mansyon. Kailangan kong lumanghap ng sariwang hangin para gumaan naman ang pakiramdam ko.

"Henz... Saan ka pupunta?" sigaw ni Daddy sa akin pero hindi ko pinansin. Patuloy lamang akong naglakad palabas.

Pagkalabas ko ng mansyon ay kaagad akong nagtungo sa garahe at pinuntahan ang kotse ko. Sumakay kaagad ako roon at pinaandar iyon palabas.

SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon