#SinfulLove
CHAPTER 3
"Married since 2008..." pagbasa ko sa nakita ko sa profile ni Evo sa facebook. Oo, iniistalk ko ang facebook niya at ito nga ang nalaman ko.
Napahimalos ako ng mukha. Parang gusto kong magwala at ihagis itong laptop ko sa kung saan dahil sa sobrang frustration.
"Ibig sabihin... apat na taon na siyang kasal at may anak... 20 years old pa lamang siya nun." Sabi ko sa sarili.
Ginulo-gulo ko ang buhok ko. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit pa ba kasi kami nagkatagpo kung ganung may may-ari na pala sa kanya? Ito tuloy, nahihirapan ako.
Hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa rin kung makikipagkita pa ba ako sa kanya at itutuloy ang mukhang malabo na para sa aking ugnayan naming dalawa o gagawin ko ang tama, ang lumayo na sa kanya at hindi na magpakita pa. At sa totoo lang, nahihirapan ako.
Kapag kasi nakipagkita pa ako sa kanya at umayon sa gusto niya na ipagpatuloy lang namin ang nasimulan naming dalawa, pakiramdam ko, napakasama ko ng tao dahil hindi ko man lang naiisip ang mararamdaman ng taong nagmamay-ari rito. Kapag ginawa ko naman ang tama which is ang layuan siya, hindi naman gagaan ang pakiramdam ko bagkus... masasaktan at mas lalong bibigat ang pakiramdam ko. Akala ko nga madali lang gawin ang tama pero... mahirap rin pala lalo na kapag puso't damdamin na ang siyang nakataya?
Napabuntong-hininga ako. Ewan ko kung ano ba ang dapat kong gawin.
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
"Sana hindi niya ako makita... Sana hindi ko siya makita... Sana... Sana... Hindi kami magtagpo ngayon." Halos magdasal na ako sa lahat ng santo habang naglalakad ako sa parking lot ng school at papasok na ako. Ayoko kasi siyang makita ngayon kasi... baka magbago na naman ang naisip kong desisyon.
"Henz..."
Mukhang hindi tinupad ng mga santong dinasalan ko ang hiling ko dahil... nakasalubong ko lang naman ang taong ayokong makita at makatagpo ngayon.
Napatingin ako sa kanya. Bakas sa mukha niya ang lungkot pero hindi pa rin talaga mawawala rito ang angking kagwapuhan. Hay! Meron talagang mga tao na kahit anong ekspresyon ng mukha... gwapo at maganda pa rin, gaya na lamang ni Evo at alam kong ako rin.
Umiwas na ako nang tingin sa kanya saka nagpatuloy sa paglalakad. Iiwasan ko na sana siya ng bigla niyang hawakan ang kanang braso ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad at mapatingin sa kanya. Lintik, ,may superpowers ba siya? Bakit may naramdaman akong kuryente galing sa kanya?
"Henz... Kausapin mo naman ako." Sabi nito sa tono ng pagmamakaawa. Mas nakita ko nang malapitan ang mukha niya at napansin kong mukhang hindi siya nakatulog kagabi dahil sa ang lalim ng eyebags nito. Pero wala na akong pakielam roon.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa." sabi ko saka tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin. Hinarap ko siya.
"Nakapag-isip na ako Evo... at ang naisip ko ay iyong tama kong gawin... iyong tama na ikakatahimik nating dalawa." Sabi ko. Napabuntong-hininga ako. Hooo! Ang hirap naman nito. Para akong nakikipag-break sa kasintahan gayong wala naman talaga kaming relasyon.
"Evo... Ayokong ilubog ang sarili ko sa kumukulong mantika hanggang sa masunog ako... Ayokong ilagay ang sarili ko sa isang kumplikadong sitwasyon kung saan... makakasakit ako ng iba. Ayokong magpaka-impokrito... kahit papaano naman ay gusto ko na maging tayo... na maging akin ka pero kasi... sa sitwasyon mo ngayon... ayoko naman na makihati... ayokong maging akin ka ganung mayroon ring may-ari sayo at ang mas malala... asawa't anak mo ang kahati ko... Isa pa, makasalanan na nga akong tao tapos dadagdagan ko pa ng mas matinding kasalanan ang pagkatao ko? Evo... isang malaking kasalanan kung ipagpapatuloy pa natin... ipagpapatuloy ko ang pakikipag-ugnayan sayo..."
"Pero Henz... Di ba gusto mo rin naman ako? Huwag mo namang gawin sa akin ito..."
"Pero hindi porke't gusto kita... Hahayaan kong mangyari ang hindi tama. Hindi sapat na gusto mo ang isang tao para gumawa ka ng mga bagay na sa bandang huli, pwede mong pagsisihan dahil mali iyon. Sana naiintindihan mo ako." Sabi ko.
"Henz..."
"Isa pa... Gusto kong malaman mo na... na... nakatakda na akong ikasal sa iba." Sabi ko na halatang ikinagulat niya. Sinabi ko na sa kanya para na rin wala na akong tinatago sa kanya at baka maging dahilan rin ito para lumayo na rin siya sa akin.
"I-Ikakasal ka na?" nauutal niyang tanong.
Napatango ako. "Iyon ang itinakda ng mga magulang ko para sa akin at kahit na ayokong mangyari ang itinakda nila... mangyayari at mangyayari iyon... Kaya sana Evo... Hangga't maaga pa ay tapusin na natin ito para hindi masyadong masakit sa parte nating dalawa." Sabi ko saka napabuntong-hininga.
Nanatili siyang nakatingin sa mga mata ko. Noong una, nakakayanan ko pang salubungin ang tingin niya ngunit kinalaunan ay hindi na kaya napaiwas na ako nang tingin sa kanya.
"Paalam... Evo." Sabi ko saka nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya.
Tumulo ang kanina pa pinipigilan kong luha. Masakit. Sobrang sakit pero alam ko na ito ang tama. Sana mapanindigan ko hanggang sa huli ang ginawa ko. Sana makayanan ko itong harapin lahat.
- - - - - - - - - - - -- - -
Lakad-takbo ang ginagawa ko habang niilibot ko ang aking mga paningin sa kung saan-saan. Nagbabakasakaling makita ko siya.
Nakasuot pa ako ng pangkasal na damit at kakatapos lamang ng kasal ko at naiwan ang lahat ng taong naroon sa simbahan. Tanging ang naging asawa ko lamang ang nakakaalam na umalis ako.
Napadpad ang mga paa ko sa malawak na park. Nilibot ko ang paningin ko roon at napangiti ako nang makita ko siya. Nakaupo sa isa sa mga bench. Kaagad ko siyang pinuntahan.
"Henz?" bakas ang gulat sa boses niya nang makita niya ako sa kanyang harapan.
Tipid akong napangiti.
Napatingin siya sa suot ko. Bumakas ang lungkot sa kanyang mukha.
"Kasal ka na... May asawa ka na rin." Malungkot niyang sabi.
"Nakita kita kanina... sa simbahan." Sabi ko. Oo, nakita ko siya at alam niyo ba, parang naiiyak siya kanina ng makita ko habang nakatingin siya sa akin katabi ko naman nun ang naging asawa ko.
Umiwas siya nang tingin sa akin.
"Evo... Hindi ko kaya." Sabi ko. Muli siyang napatingin sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.
Napabuntong-hininga ako. Sobra ang kabang nararamdaman ko.
"Hindi ko kayang... Hindi ko kayang hindi ka makita ng matagal... Hindi ko kayang... hindi ko kayang layuan ka... Hindi ko kayang... Hindi ko kayang... Malayo ka sa akin." Sabi ko. Oo, Hindi ko talaga kaya at hindi ko napanindigan ang mga huling sinabi ko nun at hindi ko rin nakayanan ang lahat.
Tipid siyang napangiti.
"Evo... Ipagpatuloy natin... ipagpatuloy natin ang ating nasimulan..." sabi ko.
"Pero... Kasal ka na... pareho na tayong kasal... Saka sinabi mo sa akin na mali..."
"Wala na akong pakielam sa kung anong tama at mali... Ang mahalaga... magkasama tayo... na maipagpatuloy natin ang kung anumang nasimulan nating dalawa... 'yun lang." sabi ko kaagad.
Tumayo siya mula sa kinauupuan niya. Bahagya siyang lumapit sa akin. Tinitigan niya ako sa mga mata.
"Sige... Kung iyan ang gusto mo..." sabi niya sabay ngiti nang matamis.
Napangiti na rin ako.
Siguro nga, kaya nagkakaganito ako kasi hindi ko na lamang siya gusto... kundi dahil mahal ko na siya.
-KATAPUSAN NG KABANATA PANGATLO-
DATE POSTED: NOVEMBER 21,2016 (MONDAY)
BINABASA MO ANG
SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020
RomanceANG PAGMAMAHALANG IPINAGBABAWAL... HANGGANG SA HULI BA AY MAIPAGLALABAN? SINFUL LOVE by FRANCIS ALFARO COMPOSE OF 30 EPISODES ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT (C) 2020