#SinfulLove
CHAPTER 17
Kaagad na niyakap nang mahigpit ni Henz si Evo pagkapasok na pagkapasok pa lamang nila sa isa sa mga kwarto rito sa bahay ng una.
"Evo..." sambit ni Henz sa pangalan ng kasintahan.
Gumanti rin ng yakap si Evo. Mukhang alam na niya kung bakit ganito ang kinikilos ngayon ng kasintahan niya. Alam na rin nito.
Humiwalay sa pagkakayap si Henz kay Evo. Tiningnan niya ito ng diretso sa mga mata.
"Evo... Alam na niya... Alam na niya ang tungkol sa atin." Sabi ni Henz.
Napatango si Evo.
"Pumunta ba siya rito?" tanong nito.
Napatango-tango si Henz.
"Galit na galit siya... Nagkasagutan kami... Sinabi niyang lumayo ako sayo pero hindi ako pumayag..."
Kaagad na niyakap ni Evo si Henz na dahilan naman para hindi matapos ng huli ang iba pang sasabihin.
"Ok lang iyan... Tama lang ang sinabi mo sa kanyang hindi mo ako lalayuan dahil ako... wala akong balak na layuan ka." Sabi ni Evo.
"Pero Evo... Ano nang gagawin natin ngayon? Alam na niya ang lahat at maaaring may mga gawin siyang hindi natin magugustuhan." Sabi ni Henz.
Bumitaw sa yakap si Evo at hinawakan niya sa magkabilang balikat si Henz at tiningnan ito sa mga mata.
"Natatakot ka ba sa mga pwede niyang gawin?" tanong ni Evo.
"Hindi ko maiwasan..." sabi ni Henz. Oo, kahit papaano'y natatakot siya sa maaaring pwedeng gawin ni Alex.
Napabuntong-hininga si Evo.
"Huwag kang matakot... Kasama mo ako. Sabay nating haharapin at paghahandaan kung anuman ang gagawin niya..." sabi nito.
Napatango si Henz.
"Pero Evo... Hindi ko maiwasang maisip ang anak ninyong dalawa... Paano kung maapektuhan ang bata dahil sa mga nalaman ni Alex? Paano kung..."
"Akong bahala." Sabi kaagad ni Evo. Napabuntong-hininga. "Basta ang gawin lang natin ngayon ay ang paghandaan ang lahat... ang mahalaga naman e magkasama tayo di ba? Handa kitang ipaglaban at gayon ka rin di ba? Handa mo akong ipaglaban." Sabi pa nito.
Napatango si Henz.
"Oo nga pala... Humingi na ako sa kanya ng annulment..." sabi ni Evo na bahagyang ikinagulat ni Henz.
"Talaga? Pumayag ba siya?" tanong ni Henz.
Napailing-iling si Evo.
"Sa ngayon... Hindi pa... Pero baka pumayag rin siya kung lagi ko lamang siyang pipilitin." Sabi nito.
"Pero Evo... paano iyon bata? Alam mo naman na malaki rin ang epekto ng gagawin mong 'yan kapag nalaman ng anak ninyo..."
"Sabi ko di ba? Akong bahala... ako ang magpapaliwanag mabuti sa kanya at kahit bata pa siya, ipapatindi ko na sa kanya ang sitwasyon... Kahit mahirap pero gagawin ko iyon." Sabi kaagad ni Evo.
Napatango na lamang si Henz.
"Magiging maayos rin ang lahat... Ngayong alam na ni Alex ang tungkol sa atin... Hindi na natin proproblemahin pa ang pagtatago sa kanya... ang dapat na nating isipin ngayon ay kung paano paghahandaan ang lahat ng pwedeng mangyari sa hinaharap ngayong alam na niya ang lahat." Sabi ni Evo.
BINABASA MO ANG
SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020
RomantikANG PAGMAMAHALANG IPINAGBABAWAL... HANGGANG SA HULI BA AY MAIPAGLALABAN? SINFUL LOVE by FRANCIS ALFARO COMPOSE OF 30 EPISODES ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT (C) 2020