#SinfulLove
CHAPTER 10
"Ay! Kainis naman itong cellphone ng Daddy mo... may password. Mukhang may tinatago." Naiinis na sabi ni Theresa sa akin. Siya ngayon ang may hawak sa cellphone ni Daddy at tumitingin rito. Napatingin ito sa akin. "Ikaw? Alam mo ba kung anong password nito?" tanong pa niya sa akin.
Nagkibit-balikat ako. "Ano namang malay ko sa password ni Daddy?" sabi ko. "Saka wala naman sigurong tinatago si Daddy, may password lang ang phone niya may tinatago na kaagad." Sabi ko pa.
"Malay mo." Sabi niya.
Naiinis na muli itong tumingin muli sa cellphone na hawak.
"Paano na ito ngayon... Hindi natin alam ang password so wala ring kwenta ito kasi hindi rin natin mabubuksan." Naiinis pa ring sabi nito.
"Anong ginagawa ng mga cellphone repair shops sa mga mall? E di ipatanggal natin ang password." Sabi ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin at ikinangiti niya.
"Oo nga noh... Bakit hindi ko bigla naisip iyon." Sabi ni Theresa na napakamot pa ng ulo. "Ikaw huh Henz... nagi-improve ka na... Kahit papaano'y nagkakaroon na ng laman ang ulo mo... may konting utak ka na." pabirong sabi niya pa na ikinasama nang tingin ko sa kanya.
"At anong tingin mo sa akin? Walang utak?" naiinis kong sabi sa kanya.
"Uhmmm Medyo..." pabiro nitong sabi.
Umiwas na lamang ako nang tingin sa kanya.
"Halika at pumunta tayo sa mall para mapagawa itong cellphone." Sabi ni Theresa na kaagad na tumayo mula sa kinauupuan nitong sofa.
Napatango na lamang ako.
- - - - - - - - - -- - -
"Maupo ka Mr Henz Dela Cruz." Sabi niya sa akin sabay turo sa kanang upuan na nasa harapan ng office desk niya. Nasa building ako ng kumpanya nila at kasalukuyang nasa loob ng office niya. Tama nga ako, mga kasing edad ni Daddy ang lalaking ito kahit na nung unang kita ko pa lamang sa larawan niya.
Alam niya ang pangalan ko dahil sinabi ko rin ang pangalan ko sa secretary niya nung nagpa-set ako ng appointment sa kanya.
Napatango na lamang ako at sumunod sa gusto niya. Naupo ako sa upuan na sinabi niya.
"Alam mo ba na inaasahan ko na ang pagdating mo." Sabi niya na medyo ikinagulat ko.
"Ho?" pagtataka kong tanong.
Napangiti siya.
"Kinausap na ako ng mga pulis na nag-iimbestiga sa kaso ng pagkamatay ng Mommy at Daddy mo at sinagot ko rin naman ang mga tanong nila. Alam ko na iyon rin ang pakay mo ngayon kaya gusto mo akong makausap di ba? Marami ka ring tanong na gusto mong bigyan ko ng sagot." tanong nito.
"Mr. Garcia..."
"Don't worry... Ok lang naman. Inaasahan ko na rin naman na mangyayari ito. Katulad ng mga pulis... isa ka rin sa mga naghihinala sa akin na may kinalaman sa pagpatay. Tama ako di ba?" Sabi niya kaagad.
"Hindi naman ho sa ganun kaya lang..."
"Alam ko... Hindi ko naman kayo masisising lahat. Isa ako sa naging kalaban ng Daddy mo nung nakaraang eleksyon... Mahigpit na kalaban." Sabi kaagad nito.
Hindi na ako nagsalita. Nakatingin na lamang ako sa kanya na may kasamang hiya. Nakakahiya kasi wala pa naman akong ebidensya pero parang sa pagpunta at pagkausap ko sa kanya ngayon ay parang pinagbibintangan ko na siya. Ang totoo kasi niyan, gusto ko rin namang malinawan tungkol sa pagkamatay nila Mommy at Daddy.
BINABASA MO ANG
SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020
RomanceANG PAGMAMAHALANG IPINAGBABAWAL... HANGGANG SA HULI BA AY MAIPAGLALABAN? SINFUL LOVE by FRANCIS ALFARO COMPOSE OF 30 EPISODES ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT (C) 2020