CHAPTER 23

1.3K 70 5
                                    


#SinfulLove

CHAPTER 23

"Napapansin kong parang nagkakailangan kayo ni Gavin." Sabi ni Theresa kay Henz. Nasa kusina sila ngayon at abalang nagluluto ang huli na bigla namang napatingin sa kanya. "May problema ba kayong dalawa?" tanong pa ng una.

Napaiwas naman nang tingin si Henz. "Wala naman." Sagot nito.

Napatango na lamang si Theresa pero deep inside, hindi siya naniniwala sa naging sagot nito. Para kasing merong nangyari sa pagitan ng dalawa nung panahong wala siya. Hindi na lamang muna niya uusisain.

Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

"Oo nga pala... Mamaya aalis ako." Sabi ni Henz.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Theresa.

"Sa mansyon nila Alex... Nagtext na kasi siya sa akin at sinabi niyang maghanap na raw kami roon sa mansyon nila ng mga bagay na pwede nating magamit sa sarili nating imbestigasyon." Sabi ni Henz.

"Gusto mo ba sumama ako?" tanong ni Theresa. "Tulungan ko kayo." Sabi pa nito.

Napailing si Henz.

"Huwag na... Dito ka na muna sa bahay... Kami na munang bahala. Kapag nakahanap kaagad kami... ipagbibigay alam ko ura-urada sayo." Sabi nito.

Napatango naman si Henz.

"Sige na... Tapusin mo na muna iyang niluluto mo at nang makakain na tayo. Puntahan ko muna si Gavin para makausap." Sabi ni Theresa.

Muling napatango si Henz.

- - - - - - - - - - - - - - - - -

Napapakunot ang noo at nagkakasalubong ang magkabilang kilay ni Henz habang nakatingin ang mga mata nito sa labas ng bintana ng sinasakyan niyang kotse niya. Nagtataka kasi siya kung bakit niya ngayon nakikita si Evo na nasa labas ng isang malaking building at may kausap na lalaki. Hindi naman siya naghihinalang nagtataksil rin ito dahil may katandaan na ang kausap nito at ayon sa nakikita niyang ekspresyon ng mukha ng dalawa ay mukhang seryoso ang pag-uusap ng dalawa.

"Akala ko ba nasa China pa rin siya?" pagtatakang tanong nito sa sarili. "Nandito na pala siya, bakit hindi man lang niya pinapaalam?" tanong pa nito sa sarili. "Saka sino iyong lalaking kausap niya at anong pinag-uusapan nila?" tanong pa nito sa sarili.

Napabuntong-hininga si Henz. Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng paghihinala dahil sa mga naunang mga tanong niya sa sarili. Paghihinala na may ginagawa itong kung ano na hindi niya alam.

- - - -- - - - - - - - --

"May nahanap ka na ba?" tanong ni Henz kay Alex na napatigil naman sa pagbuklat ng kung ano-anong dokumento at napatingin sa kanya. Nasa loob sila ngayon ng opisina ng daddy ng huli na nasa loob ng malaking mansyon ng mga Garcia.

"Wala pa... Ikaw?" tanong ni Alex.

Napailing si Henz. "Hindi ako makapag-concentrate sa paghahanap... Iniisip ko kasi siya." Sabi nito na ikinataka naman ni Alex.

"Iniisip? Siya?" pagtatakang tanong nito.

"Si Evo." Sagot ni Henz na ikinabago ng timpla ng mukha ni Alex.

"At bakit mo naman iniisip ang asawa ko?" mataray na tanong nito.

"Dahil bukod sa kasintahan ko siya at hindi ko maiwasang hindi siya maisip... Gumugulo sa akin ang nakita ko kanina..."

SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon