CHAPTER 20

1.4K 72 0
                                    


#SinfulLove

CHAPTER 20

"Nakausap mo na ba si Alex?" tanong ni Theresa kay Henz. Nasa kusina sila ngayon at kasalukuyang naghahanda ng pananghalian ang huli.

Napatingin naman si Henz kay Theresa. Napatango ito.

"Anong sinabi niya? Tutulong ba siya sa atin?" tanong pa ni Theresa.

Muling napatango si Henz.

"Hay! Salamat naman kung ganun." Sabi nito.

Tipid na napangiti na lamang si Henz.

"Oo nga pala... Kaninang wala ka... pumunta rito ang mga pulis." Sabi ni Theresa na bahagyang ikinagulat ni Henz.

"Pumunta sila? Bakit? May improvement ba sa imbestigasyon nila?" mga tanong ni Henz.

Napatango si Theresa.

"Nalaman na rin nila ang tunay na motibo sa pagpatay sa mga magulang mo... Gaya nang nalaman natin... Nalaman nilang konektado sa droga ang pagkakapatay sa mga magulang mo. Ang isa pang tinitingnan nila ay ang maaaring pagkakaugnay ng pagkakapatay rin nila Garcia at Baltazar sa pagkakapatay sa mga magulang mo." Sabi ni Theresa.

" 'Yun lang?" tanong ni Henz.

Napatango si Theresa.

"Sa ngayon... iyon lang..."

"Wala pa rin ba silang mga primary suspects?" tanong kaagad ni Henz.

Napailing si Theresa. "Wala silang sinabi kaya sa tingin ko... wala pa." sagot nito.

Napabuntong-hininga si Henz.

"Bakit ba ang bagal nilang mag-imbestiga? Iyong mga sinabi nila sayo... mas nauna pa nating malaman e." naiinis na sabi ni Henz.

"Hayaan mo na sila Henz... Kaya nga tayo gumagawa rin ng sarili nating imbestigasyon di ba? Para malaman rin natin kaagad ang mga sagot sa napakaraming katanungan tungkol sa pagkamatay nila." Sabi ni Theresa.

"Nakakainis lang kasi... Naturingang mga pulis pero mukhang hindi ginagawa ng mabuti ang trabaho." Sabi nito.

"Hayaan mo na... Baka nahihirapan lang talaga sila sa imbestigasyon." Sabi ni Theresa.

Napabuntong-hininga si Henz.

"Bakit hindi niyo sinasabi sa akin na gumagawa pala kayo ng sarili ninyong imbestigasyon?"

Nagulat sila sa biglang nagsalita. Kaagad na napatingin ang mag-asawa sa bukana ng kusina kung saan nakita nilang nakatayo roon si Gavin na seryoso ang mukhang nakatingin sa kanila.

"Anong ginagawa mo diyan? Kanina ka pa ba nakikinig sa usapan namin?" tanong ni Theresa.

"Pasensya na ho kung hindi sinasadya e narinig ko ang usapan ninyong dalawa... Pero sagutin niyo ang tanong ko... Gumagawa ho ba kayo ng sarili ninyong imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Sir Henz at ng iba pa?" tanong ni Gavin.

Napaiwas nang tingin ang dalawa sa kanya. Hindi sila sumagot.

"Bakit ho hindi niyo na lang hayaan ang mga pulis na gawin ang trabaho nila... Trabaho nila ang mag-imbestiga at hindi niyo iyon trabaho... Baka mamaya, 'yan pa ang ikapahamak ninyo..."

"At sa tingin mo ba... Mag-iintay na lamang kami ng update sa mga pulis?" tanong kaagad ni Henz na napatingin na kay Gavin. "Narinig mo naman ang mga nasabi ko di ba? Ang bagal nilang mag-imbestiga... mas nauna pa nga naming malaman ang motibo kaysa sa kanila. Kung hahayaan at maghihintay na lang kami sa kanila... baka abutin pa ng maraming taon bago nila malutas ang kaso kaya gumagawa na rin kami ng sarili naming imbestigasyon para kaagad na malaman kung sino ang may gawa ng pagpatay sa mga magulang ko." sabi pa nito.

Napatango si Gavin.

"Naiintindihan ko naman ho kayo... Ang sa akin lang... Hayaan niyo na ang mga pulis dahil kaya na nila iyon... Paano kung malaman ng mga taong nasa likod ng mga nangyayaring patayan ang ginagawa ninyong pag-iimbestiga? Baka mamaya pati kayo ay idamay nila at patayin." Sabi nito.

Hindi nakasagot si Henz. Napabuntong-hininga lamang ito.

"Sana walang makaalam ng mga narinig mo Gavin." Sabi ni Theresa.

Napatingin naman si Gavin kay Theresa. Napatango ito.

"Mapagkakatiwalaan niyo naman ho ako... Pero sana... sundin niyo ang sinabi ko... hayaan niyo na ang mga pulis na siyang mag-imbestiga dahil kapag ipinagpatuloy niyo pa ang ginagawa ninyong sariling pag-iimbestiga... baka 'yan pa ang inyong ikapahamak..." sabi ni Gavin.

"Naiintindihan namin ang punto mo... Pero sa ngayon, hindi muna kami titigil hangga't wala pa kaming nakikitang mga primary suspects na nasa likod ng mga patayang naganap." Sabi ni Henz.

Napatango na lamang si Gavin.

- - - - - - - - - - - - - - - - -

Nakatayo sa tapat ng bintana si Henz habang nakayakap naman sa likod niya si Evo. Nasa loob sila ngayon ng isang hotel room.

"Ang tagal rin pala nating hindi nagkita..." bulong na sabi ni Evo.

Napatango si Henz. Masyado kasi silang busy pareho kaya ngayon lamang muli sila nagkita at nagkasarilinan.

"Pasensya ka na kung naging busy ako nitong mga nakaraang araw." Sabi ni Henz na hinawakan ang magkapatong na kamay ni Evo na nasa tiyan niya.

Tipid na napangiti si Evo.

"Ako rin naman busy nitong mga nakaraang araw kaya hindi mo kailangang manghingi ng pasensya sa akin... Parehas lang tayong busy kaya parehas lang rin tayong nagkulang sa oras para sa isa't-isa." Sabi nito.

Tipid na napangiti si Henz.

Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Kapwa nakatingin na sila ngayon sa labas ng bintana kung saan nakikita nila ang madilim na kalangitang may nagkalat na mga bituin. Nakikita rin nila mula sa kinapwepwestuhan nila ang buwan na nagbibigay liwanag sa kalangitan.

"Alam mo bang maihahalintulad kita sa isang bituin?" tanong ni Evo kay Henz na bumasag sa katahimikan.

"Ako? Maihahalintulad mo sa mga bituin?" pagtatakang tanong ni Henz.

"Oo... Kasi katulad ng mga bituin... mapaaraw man o sa gabi... alam kong nandyan ka... hindi man kita madalas nakikita sa araw pero alam at ramdam kong nandyan ka lang para sa akin at handa akong mahalin." Sabi ni Evo na ikinangiti ni Henz.

"Ganun ba..." sabi ni Henz. Napatango naman si Evo.

"Kung ganun... Ikaw naman... para kang buwan para sa akin." Sabi ni Henz.

Natawa naman si Evo. "Bakit naman ako naging buwan para sayo?" tanong nito.

Napangiti si Henz.

"Dahil ikaw ang nagbibigay liwanag sa aking buhay kahit na nasa pinakamadilim na yugto ito." Sabi ni Henz na ikinangiti ng malawak ni Evo.

Mahigpit na niyakap ni Evo si Henz.

"Mahal na mahal na mahal talaga kita Henz Vincent Dela Cruz... Hindi na magbabago iyon kahit na kailan." Matamis na sabi ni Evo.

Lumawak rin ang ngiti ni Henz. Napakasaya niya na may isang Evo na nagmamahal sa kanya.

"Mahal na mahal na mahal rin kita Primitivo Theodore Rosales... at hinding-hindi rin magbabago iyon kahit kailan..." sabi ni Henz.

Humarap sila sa isa't-isa. Nagkangitian habang nagkakatitigan. Pamaya-maya, dahan-dahang naglapit ang kanilang mga mukha, nagkadikit ang tungki ng kanilang mga ilong.

At hindi nagtagal, pinagsaluhan nila ang tamis ng kanilang mga halik sa labi.

At sa gabing iyon... Binuhos nila ang lahat ng pananabik at pagmamahal. Ibinuhos nila sa kanilang muling pag-iisa.

-KATAPUSAN NG KABANATA PANG-DALAWAMPU-

SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon