#SinfulLove
CHAPTER 12
"Salamat Attorney." Pagpapasalamat ni Henz sa attorney ng pamilya nila bago ito umalis sa bahay. Nagpunta kasi ito dahil ibinigay at binasa nito para sa kanya ang last will testament ng Daddy niya na hindi niya akalain na meron at gumawa pa ng ganun. Nalaman niya na ang lahat ng ari-arian ng mga magulang niya ay mapupunta lamang sa kanya.
"Wow! Sobrang yaman mo na ngayon." Pabirong sabi ni Theresa. Nasa tabi siya ni Henz.
Napatingin naman si Henz sa kanya.
"Ikaw talaga." Sabi nito.
"Oo nga pala... Hindi daw makakapagbantay ngayon si Gavin sa atin dahil mahalaga raw itong misyon na pinuntahan." Sabi ni Theresa.
"Ganun ba." Sabi ni Henz at napabuntong-hininga. "Mabuti at mabubuksan at masisiyasat na rin natin ng walang istorbo ang cellphone ni Daddy." Sabi pa nito.
Napangiti naman nang nakakaloko si Theresa.
"Sus... Istorbo daw pero halata ang lungkot." Pang-aasar na sabi ni Theresa. "Hayaan mo at bukas nandito ulit iyon." Dugtong pa nito sa sinabi.
"Theresa... Tigil-tigilan mo na nga ako sa pang-aasar mo... Kapag ako napikon..."
"O anong gagawin mo?" tanong nito na parang nanghahamon pa.
Hindi na lamang nagsalita si Henz. Pinigilan na lamang niya ang sarili na huwag mainis.
- - - - - - - - - - - - - - -
"Bakit ganito? Walang kalaman-laman ang cellphone ng Daddy mo? Miski contacts... wala." Nagtatakang sabi ni Theresa habang kinakalikot nila ang cellphone. Nandito sila sa isang kwarto sa bahay nila.
Pati si Henz ay nagtataka.
"Baka naman... na reformat..." sabi ni Henz. "Password lang ba talaga ang pinatanggal mo diyan at hindi pati iyong laman?" tanong pa nito.
Napatango si Theresa. "Oo... Hindi ko naman ito ipapa-reformat noh kasi nga... ito na nga lang iyong pwede nating hanapan ng mga sagot sa maraming tanong natin." Sabi nito. "Ah wait... Tatagawan ko iyong repair shop para magtanong..." sabi pa nito saka inilabas mula sa bulsa ng suot niyang pants ang sariling cellphone at tumawag sa repair shop. Nagbigay rin kasi ito ng contact sa kanya kung sakaling magkroon nga ng problema.
"Hello... Ahm... May tanong lang ako..." at iyon nga, kinausap na nga ni Theresa ang taong sumagot ng tawag niya na galing sa repair shop.
Pamaya-maya ay natapos na rin ang pakikipag-usap niya. Binaba na ni Theresa ang tawag at muling itinago ang cellphone sa bulsa. Napatingin ito kay Henz.
"Oo daw... Kailangan raw kasi iyon para pati iyong password ng phone ay mawala..." sabi ni Theresa.
"Ganun? Hindi man lang ba pwedeng I-retrieve? O gawan ng paraan para mabalik ang mga nilalaman ng cellphone ni Daddy?" tanong nito.
Napailing si Theresa. Napabuntong-hininga.
"Hay! Palpak naman o... Akala natin ay may makukuha tayong sagot or ebidensya rito sa cp ng Daddy mo iyon pala wala." Sabi ni Theresa.
Napabuntong-hininga na lamang rin si Henz. Wala na rin naman silang magagawa, wala na ang nilalaman ng cp ng Daddy niya.
- - - - - - - - - - - -
"Sino 'yan?" bulong na tanong ni Evo sa katabi niyang nakaupo sa mahabang sofa na si Henz habang nakatingin ito kay Gavin. Dumalaw siya ngayon kay Henz.
Napatingin rin si Henz kay Gavin na nakatayo lamang sa pintuan at nakatingin mula sa labas.
"Ah... Si PO1 Gavin Hernandez, ang naatasang magbantay sa amin ni Theresa rito sa bahay." Sagot ni Henz sa tanong ni Evo.
"Magbantay?" pagtatakang tanong ni Evo.
Tumango si Henz.
"Si Theresa kasi, nag request sa mga pulis na bigyan kami ng bantay habang gumugulong ang imbestigasyon sa pagkamatay nila Mommy at Daddy... Nag-aalala kasi siya na baka raw kami naman ang pag-initan ng mga pumatay sa kanila since na malaya pa rin ang mga iyon." Sabi ni Henz. Napatango naman si Evo.
"Ganun ba... Mabuti na rin at may bantay kayo rito sa bahay." Sabi nito. "Pero... napapansin ko... parang iba ang tingin mo sa kanya." Sabi pa nito.
Nangunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ni Henz.
"Ha? Iba ang tingin?" pagtatakang tanong niya.
Napatango naman si Evo.
"Paanong iba ang tingin?" tanong pa nito.
Napailing na lamang si Evo saka tipid na napangiti. Hindi pinapahalatang nakakaramdam siya ng... selos.
Napangiti naman si Henz. Mukhang alam na kasi niya ang sinasabi nito.
"Evo naman... Kung ano-anong sinasabi mo." Sabi ni Henz. "Sa iyo lang naman iba ang tingin ko noh..." sabi pa nito sabay ngiti.
Napangiti naman si Evo. Lihim nitong hinawakan ang kanang kamay ng kasintahan.
"Ewan ko ba... kapag kasi tumitingin ka sa iba... hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaiba e." bulong na sabi nito.
"Evo... Kahit naman siguro tumingin ako sa iba... walang magbabago. Hanggang tingin lang ako sa kanila pero never na titibok itong puso ko para sa kanila dahil ikaw... ikaw lamang ang ititibok nito at wala ng iba pa." sabi ni Henz na lalong ikinangiti ni Evo.
"Sinabi mo 'yan a." nangingiting sabi ni Evo. Napatango naman si Henz. "Pero pwede bang huwag ka na ring tumingin sa iba... lalo na sa gwapo... hindi ko talaga maiwasan na mainis e at makaramdam ng selos." Sabi pa nito.
Napatango naman si Henz.
"Sige... Kung 'yan ang gusto mo at para hindi ka na rin magselos sa iba kahit na wala ka naman dapat ikaselos." Sabi nito.
"Mahal na mahal kita." Bulong na sabi ni Evo.
"Mahal rin kita." Bulong na sagot rin ni Henz.
Nagkakatitigan sila sa mata at nagngingitian. Ang hindi nila napapansin, nakatingin na sa kanila si Gavin at napapailing na napapangiti. Halata na niya kasi na hindi lamang kaibigan ni Henz ang katabi nitong lalaki ngayon sa mahabang sofa sa living room kundi higit pa. Wala naman siyang say pagdating sa mga nakikitang ganyan. Malawak ang pag-unawa niya pagdating sa mga ganyang klase ng relasyon gaya ng malaking pag-unawa niya sa trabaho at propesyong pinasok niya.
Iyon nga lang, para sa kanya, may mali... may asawang tao si Henz pero mukhang... Napailing na lamang siya. Mukhang marami pa siyang matutuklasan habang narito siya na hindi na lamang niya dapat bigyan ng pansin pa dahil trabaho ang pinunta niya dito hindi ang pagbibigay pansin sa mga bagay na natutuklasan niya.
-KATAPUSAN NG KABANATA PANGLABING-DALAWA-
BINABASA MO ANG
SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020
RomanceANG PAGMAMAHALANG IPINAGBABAWAL... HANGGANG SA HULI BA AY MAIPAGLALABAN? SINFUL LOVE by FRANCIS ALFARO COMPOSE OF 30 EPISODES ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT (C) 2020