#SinfulLove
CHAPTER 18
"Ang kapal rin talaga ng mukha mo para pumunta at umapak sa sarili kong pamamahay noh? Hindi ka man lang nahiya..." galit na galit na sambit ni Alex. Halata sa mga mga mata nito ang pag-iyak dahil sa mugto ang mga ito pero ngayon ay nakikitaan na rin ito nang galit dahil sa nakita si Henz.
"Henz... Anong ginagawa mo rito?" tanong naman ni Evo na nasa likod ni Alex at nagulat sa biglaang pagdating ni Henz sa bahay nila.
Sandaling napatingin si Henz kay Evo pero muling bumalik ang tingin nit okay Alex.
"Gusto lang kitang makausap Alex..."
"Makausap? At kailan ka pa nagkaroon ng karapatan para gustuhin na makausap ako..."
"Please Alex... Mahalaga itong sasabihin ko..."
"At gaano kahalagan 'yan? O baka naman mahalaga 'yan para sayo dahil sasabihin mo rin sa akin iyong sinabi ko sayo... Sasabihin mo ba sa akin na hiwalayan at layuan ko na ang sarili kong asawa para mas maging malaya na kayong maglandian..."
"Hindi ko na kailangang hilingin pa sayo na hiwalayan at layuan ang asawa mo... Dahil kahit asawa ka pa niya... hindi magbabago na ako ang mahal niya at mahal ko siya kaya hindi kami maghihiwalay at magiging malaya pa rin kaming magmahalan kahit nandyan ka pa." hindi na nakapagpigil si Henz na sabihin.
Mas lalong nagalit si Alex.
"Ang kapal talaga ng mukha mo!!!" malakas na sigaw ni Alex at susugurin na sana nito si Henz para sampalin kung hindi lamang maagap na napigilan ito ni Evo na bigla siyang hinawakan sa magkabilang braso.
"Alex..."
"Bakit mo ba ako pinipigilan? Ayaw mo bang saktan ko ang kalaguyo mo..."
"Please Alex... Kumalma ka." Sabi kaagad ni Evo. Napatingin ito kay Henz. "Henz please... Kung ano man 'yang mahalaga mong sasabihin kay Alex... ipagpaliban mo muna... Kasalukuyang nagluluksa pa rin siya hanggang ngayon kaya masakit pa rin sa kanya ang lahat at hindi niya nakokontrol ang damdamin niya. Marami pa namang sigurong oras at araw para masabi mo man kung ano 'yang sasabihin mo, sa ngayon, umalis ka na muna." Sabi ni Evo kay Henz.
Napabuntong-hininga naman si Henz. Naiintindihan naman niya ang sitwasyon ngayon ni Alex. Kakamatay lamang ng ama nito at kalilibing lang nung nakaraang linggo at sariwa pa rito ang sakit na dulot ng sugat ng pagkamatay ng Daddy nito.
Galit pa rin ang tingin ni Alex kay Henz pero kumalma na ito.
"Sige..." sabi nito na napapatango. Napatingin ito kay Alex. "Pero babalik ako... Alex, kailangang-kailangan talaga kitang makausap kaya sana hindi matagalan na mangyari iyon." Sabi pa nito.
Hindi nagsalita si Alex pero pansin niya kay Henz na parang napakahalaga talaga nang sasabihin nito sa kanya. Pero nangingibabaw kasi talaga ang galit niya rito dagdagan pa na nagluluksa siya kaya hindi niya pa kayang kausapin ito.
Walang nagawa si Henz kundi ang umalis na lamang at iwan ang mag-asawa.
- - - - - - - - - - - - -- - - - -
"Ano ba kasing sasabihin mo kay Alex? Mahalaga ba iyan talaga?" tanong ni Evo na ngayon ay katawagan ni Henz sa cellphone.
"Ahm... Wala..." sabi ni Henz. Ayaw niya kasing sabihin kay Evo ang sasabihin niya kay Alex. Ewan ba niya pero kasi, kahit na gusto niyang sabihin kay Evo ang gusto niyang sabihin kay Alex, parang may pumipigil sa kanya na sabihin iyon sa kasintahan, hindi nga niya maintindihan kung bakit.
Narinig ni Henz na napabuntong-hininga si Evo.
"Sige... Hindi ko na itatanong sayo kung ano ang gusto mong sabihin kay Alex... Pero sana... maging tapat ka pa rin sa akin lagi ha... Pansin ko lang kasi nitong mga nakaraan, nagiging malihim ka na sa akin." Sabi nito. "At alam mo naman na ang paglilihim at hindi pagiging tapat ay nakakasira ng isang relasyon di ba?" sabi pa nito.
Nararamdaman pala nito.
"Tapat naman ako Evo kaya walang masisira sa atin... Sadyang may mga bagay lang talaga na ayoko munang sabihin sa ngayon sayo kasi ayokong madamay ka pa..." sabi ni Henz.
"Pero Henz... Kasintahan mo ako, boyfriend at lagi na akong damay sa kung anuman ang nangyayari sa buhay mo." Sabi ni Evo.
"Alam ko... Pero sana maintindihan mo muna sa ngayon na hindi pa ako handa na sabihin sayo ang lahat." Sabi ni Henz.
Narinig muli ni Henz ang pagbuntong-hininga ni Evo.
"Naiintindihan ko... pero sana dumating talaga iyong araw na magsasabi ka na sa akin." Sabi nito.
Napatango naman si Henz.
"O sige na... Matulog ka na at gabi na... Baka tanghaliin ka ng gising bukas." Sabi ni Evo.
"Sige... Ikaw rin... Goodnight." Sabi ni Henz.
"Goodnight... I love you." Sabi ni Evo.
"I love you too." Sagot naman ni Henz.
Binaba na ni Henz ang tawag.
"Kausap mo kanina si Evo?" tanong ni Theresa na nanggaling sa kung saan. Hindi niya namalayang katabi na niya ito ngayong nakatayo sa tapat ng bintana at mukhang narinig yata ang pag-uusap na wala lang naman rito.
Napatango naman si Henz.
"Oo nga pala... Nakausap mo ba si Alex? Anong balita sa naging pagpunta mo sa bahay nila?" tanong ni Theresa.
Tipid na napangiti si Henz.
"Hindi ko siya nakausap... Galit pa siya sa akin e... Pero hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakakausap." Sabi nito.
Napatango si Theresa saka tinapik sa balikat si Henz.
"Sige na... Matulog na tayo at gabi na." sabi ni Theresa.
"Mauna ka na... Hindi pa ako dinadalaw ng antok e." sabi ni Henz.
Napatango naman si Theresa.
"Sige... Mauna na ako... Huwag kang masyadong magpuyat." Sabi nito sabay ngiti. Napangiti na lang rin sa kanya si Henz.
Umalis na si Theresa at pumunta sa kwarto nito. Naiwan si Henz na nakatayo pa rin sa tapat ng bintana at nakatingin sa labas. Pamaya-maya ay napabuntong-hininga. Hindi pa rin siya dalawin ng antok dahil sa kakaisip sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.
-KATAPUSAN NG KABANATA PANGLABING-WALO-
DATE POSTED: DECEMBER 4,2016 (SUNDAY)
BINABASA MO ANG
SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020
RomanceANG PAGMAMAHALANG IPINAGBABAWAL... HANGGANG SA HULI BA AY MAIPAGLALABAN? SINFUL LOVE by FRANCIS ALFARO COMPOSE OF 30 EPISODES ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT (C) 2020