#SinfulLove
CHAPTER 19
"Bakit ba gustong-gusto mo ako makausap? Sobrang napakahalaga ba nang sasabihin mo at ganyan ka kapursigido na makausap ako?." mataray na tanong ni Alex kay Henz. Magkatapat na nakaupo ngayon sa isang pandalawahang mesa ang dalawa na nasa dulong bahagi ng restaurant na pagmamay-ari ng huli.
Talagang hindi tiningilan ni Henz si Alex hangga't hindi niya ito nakakausap. Lagi itong tumatawag sa telepono at cellphone nito para lamang pilitin siyang makipagkita rito. Pati nga sa social networking sites ay hindi rin pinalagpas ni Henz na kontakin at pilitin ito. Lahat ng paraan ay ginawa nito para lamang mapapayag siya ngayon na makipagkita.
Napabuntong-hininga naman si Henz sabay tingin ng diretso kay Alex.
"Oo... Sobrang halaga nito..."
"Sabihin mo na sa akin kung tungkol saan ang sasabihin mo para matapos na kaagad ito... Sa totoo lang kasi hanggang ngayon, kahit nakikita ko miski anino mo ay hindi ko maiwasang taasan ng dugo." Mataray pang sabi nito kaagad.
Muling napabuntong-hininga si Henz. Napatango.
"Tungkol ito sa pagkamatay ng Daddy mo." Sabi ni Henz na bahagyang ikinagulat ni Alex.
"Tungkol sa pagkamatay ni Daddy?... Teka... may kinalaman ka ba sa pagkamatay niya? Ikaw ba ang nagpapatay sa kanya..."
"Hindi." Sagot kaagad ni Henz. "Wala akong kinalaman doon pero... malakas ang kutob ko na magkaugnay ang pagkamatay ng mga magulang ko at pagkapatay sa Daddy mo." Sabi pa nito.
Nangunot ang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay ni Alex.
"Ano? Anong ibig mong sabihin?" pagtatakang tanong nito.
Napabuntong-hininga si Henz.
"Nung araw na mapatay ang Daddy mo at si Baltazar... iyon rin iyong araw na sana'y magkikita kami at mag-uusap." Sabi ni Henz na ikinagulat ni Alex.
"Ano? Magkikita kayo ng Daddy ko at mag-uusap? Bakit?" mga tanong ni Alex na puno nang pagtataka.
Napatango si Henz. "May mahalaga kasi silang sasabihin sa akin..."
"At ano naman ang sasabihin nila sayo?" tanong kaagad ni Alex.
Napailing si Henz. "Hindi ko alam... Hindi niya sinabi sa akin nung tumawag siya dahil gusto niya, personal niyang sabihin sa akin ang gusto niyang sabihin pero malakas ang kutob ko na may alam siya... sila... tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko." sabi nito.
"Teka... May alam sila sa pagkamatay ng mga magulang mo? Ang gulo huh..." sabi ni Alex na naguguluhan.
"Alex... Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa kaso ng pagkapatay sa mga magulang ko... at hanggang ngayon... hindi pa rin nila nabibigyang linaw ang lahat at hindi pa rin umuusad ang imbestigasyon nila... at ngayon... pati ang pagkamatay ng Daddy mo at ni Baltazar ay iniimbestigahan na rin nila kaya sa tingin ko... matatagalan lalo ang pag-iimbestiga nila... Kaya naman, kami ni Theresa, gumagawa na kami ng sarili naming imbestigasyon." Sabi ni Henz. Napabuntong-hininga.
"Nalaman namin na may kaugnayan sa droga ang pagkakapaslang sa mga magulang ko." sabi ni Henz na ikinagulat ni Alex. Nagugulat siya sa mga nalalaman.
"May kaugnayan sa droga ang Daddy at Mommy mo?" tanong ni Alex.
Tumango si Henz. "Hindi sila pusher or drug lord... pero nalaman namin na lihim si Daddy na nag-iimbestiga tungkol sa nangyayaring kalakalan ng droga sa lalawigan natin... at mukhang pati ang Daddy mo at si Baltazar ay alam iyon." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020
RomanceANG PAGMAMAHALANG IPINAGBABAWAL... HANGGANG SA HULI BA AY MAIPAGLALABAN? SINFUL LOVE by FRANCIS ALFARO COMPOSE OF 30 EPISODES ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT (C) 2020