CHAPTER 13

1.5K 73 3
                                    


#SinfulLove

CHAPTER 13

Palipat-lipat si Henz sa kung saan-saang bahagi. Nasa loob siya ngayon ng opisina ng daddy niya dito sa mansyon at kanina pa siya naghahanap ng maaaring maging ebidensya o bagay na pwede nilang magamit at maugnay sa pagkamatay ng mga magulang niya pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang nakikita. Kung di lang kasi na-repormat ang cellphone ng Daddy niya ay malamang, may makukuha rin sila roon.

Napatingin si Henz sa pintuan ng marinig niya ang pagbukas nun. Nakita niyang pumasok si Theresa na kasama niya rin ngayon sa mansyon nila at galing sa kwarto ng mga magulang niya. Katulad niya ay naghahanap rin ito ng ebidensya o bagay na maaari niyang magamit at maugnay sa pagkakamatay ng mga magulang niya.

"May nahanap ka?" tanong ni Henz.

Napabuntong-hininga si Theresa saka napailing.

"Wala e..." sabi nito.

Napabuntong-hininga na lamang rin si Henz. Bakit pakiramdam niya e parang hindi sila hinahayaang makahanap ng mga pwedeng maging sagot sa pagkamatay ng mga magulang niya?

"Halika at tulungan mo na lamang ako rito maghanap." Sabi nito.

At ayun nga... silang dalawa ngayon ang naghanap sa malaking opisina ng daddy niya.

Hindi nagtagal...

"Henz!" pagtawag ni Theresa na nagpatingin naman kay Henz sa kanya. "Halika rito dali." Sabi kaagad nito.

Nagmamadali namang nilapitan ni Henz ang asawa na nakatingin sa isang bagay na nakita nito.

"Ano iyan?" pagtatakang tanong ni Henz.

"Nakita mo naman di ba? Folder." Pilosopong sabi ni Theresa.

Sinamaan ni Henz nang tingin si Theresa.

"Alam ko kung ano 'yan... Ang tanong ko e... ano ang laman? Nakita mo na ba?" tanong ni Henz.

Kinuha ni Theresa ang folder at inabot kay Henz.

"Tingnan mo." Sabi ni Theresa.

Kinuha naman ni Henz ang folder at binuksan iyon. Nangunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay niya nang makita ang nilalaman.

"List of drug suspects in the province of *****" pagbasa ni Henz.

"Sa tingin mo kaya... May kinalaman 'yan sa pagpapatay sa mga magulang mo?" tanong ni Theresa.

Napatingin naman si Henz sa kanya.

"Paanong magkakaroon ng kinalaman ito?" tanong nito.

"Tange... Sa tingin ko kasi... matagal ng pinaiimbestigahan ng Daddy mo ang mga taong nasa listahan na iyan na pinaghihinalaang drug suspects... sa tingin ko nga, mga supplier at dealer ang mga iyan." Sabi ni Theresa.

"So..."

"Ibig sabihin... maraming alam ang Daddy mo pagdating sa kalakaran ng droga dito sa lugar natin kaya ganun na lamang siguro ang galit ng mga negosyante na nagbebenta ng droga kaya pinapatay nila ang Daddy mo kasama pa ang Mommy mo. In short, para hindi malaman ng nakakarami ang alam niiya at hindi sila mabuko." Sabi kaagad ni Theresa.

Napaisip si Henz. Tama. Pwedeng ganun nga.

"Pero... Di ba dapat pinaubaya na lamang niya sa mga pulis ito? Bakit pati siya ay gumagawa ng mga hakbang laban sa mga nagbebenta ng droga?" tanong ni Henz.

SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon