FINALE PART 1-4

2.3K 68 15
                                    


#SinfulLove

26: FINALE PART 1

Nakatayo ngayon at nakatingin si Henz sa isang abandonadong gusali na nasa kanyang harapan. Napapalibutan ito ng mga nagtataasang damo at mga halaman at puno. Masasabing liblib na ang lugar na pinuntahan niya dahil sa sobrang tahimik at tila kahit na isang tao ay walang nagpupunta rito.

Matinding kaba ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya alam kung itutuloy pa ba niya ang pagpasok sa loob dahil sa totoo lang, kinakabahan siya lalo na't mag-isa siya.

Dito sa lugar na ito sinabi ng taong tumawag sa kanya kanina na pumunta siya. Siya lamang mag-isa at hindi dapat siya magsama ng ibang tao. Gusto nga sanang sumama sa kanya ni Evo ang kaso, gustuhin man niyang isama ito ay hindi pwede dahil nagbanta na sa kanya ang taong tumawag sa kanya na huwag na huwag magsasama ng kahit sino kung ayaw niyang maabutan na wala ng buhay si Theresa.

'Nandito kaya si Theresa?' tanong nito sa sarili. Baka mamaya kasi, pinaglololoko lamang siya ng taong tumawag at pinapunta lamang siya rito para magawa ang plano laban sa kanya.

Lingid sa kaalaman ni Henz, may mga taong nakatingin sa kanya na nagtatago sa kahit saan mang parte ng lugar na iyon at sinusundan ang bawat kilos niya. Ang mga taong ito ay armado ng mga mabibigat at dekalibreng mga baril na nakatutok sa pwesto niya at isang putok lamang, siguradong tumba siya.

Hindi rin alam ni Henz na mula sa malayo, nandun si Evo na lihim siyang sinundan. Nakayuko ito habang nagkukubli sa mga nagtataasang mga damo at tinitingnan rin ang paligid.

Napabuntong-hininga si Henz. Nandito na lang rin siya, kailangan na niyang gawin ang tunay na pakay niya sa pagpunta rito, iyon ay ang iligtas si Theresa.

Dahan-dahang naglakad na si Henz papasok sa loob kahit na nanginginig at nanlalambot ang mga tuhod niya. Wala man lang siyang dalang armas panlaban man lang sa mga taong magtatangka sa kanyang buhay.

Hindi nagtagal ay nasa tapat na siya ng isang malaking pinto na gawa sa kinakalawang at nabubulok ng yero. Napabuntong-hininga siya.

Kumatok siya ng tatlong beses at kaagad iyong nagbukas. Isang lalaki na nakadamit ng itim at nakatakip ang mukha ng itim na bonnet ang siyang nagbukas nun at pinapasok siya.

Nang makapasok siya, bumungad sa kanya ang magulong ayos ng mga kung ano-anong gamit sa loob. Nagkalat ang mga kahoy, bakal at kung ano-ano pang bagay. Maliwanag naman sa loob dahil hapon pa naman ng panahong iyon at ang liwanag mula sa labas ang siyang nagbibigay ilaw sa loob.

"Sumunod ka." Matigas at lalaking-lalaking sabi ng taong nagbukas sa kanya ng pinto. Nauna itong maglakad sa kanya.

"Nasaan ang asawa ko?" tanong niya.

"Basta sumunod ka at makikita mo rin siya." Sabi nito.

Napatango na lamang si Henz. Sinundan niya ang lalaki.

Ilang sandali lamang nang paglalakad ay nakarating sila sa isang malaking kwarto na walang kalaman-laman kundi dalawang upuan kung saan... nakita niyang nakaupo sa isa sa mga upuang iyon ang nakatali na si Theresa. Nakatali ang mga kamay at paa nito.

"Theresa..." pagtawag niya at lalapitan na sana niya ito ng bigla siyang hawakan ng mahigpit sa braso ng lalaking nagdala sa kanya rito.

Napatingala naman nang tingin sa kanya si Theresa. Nakaramdam ng awa si Henz dahil sa halata sa mukha nito ang pagod at kaba.

"Henz..."

"Huwag kang excited... Magkakasama rin kayo... iyon nga lang. Sa kabilang buhay na. Bwahahahaha!" sabi ng lalaki sabay tawa nang malakas.

SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon