ElevenPagkauwi ko ay agad na akong naglinis ng sarili ko at nag palit ng damit.
Grabe sobrang tense na tense ako sa dalawang yun kanina.! halos di na ako makapag salita kakatitig sa kanila. mukha kaming nanonod ng table tennis nong isa ko pang kasama na secretary kakatingin sa dalawang yun.
Kulang nalang din ay kumain ako ng Popcorn sa harap nong dalawa .
Pero speaking of kumain . Kumakalam na yung tyan ko sa sobrang gutom . Hindi ako nakakain sa resto na pinuntahan namin kanina. Bukod sa eksena nong dalawa ay halos hindi ko din malaman kung ano ba yung pagkain na nandoon sa harap namin.
Parang mga hindi luto nakakadiri. Ee.
Ngaun gutom na gutom na talaga ako.mabuti pa ay gamitin ko muna yung perang hiniram ko kay Cha para makakain sa Canteen sa labas.
1k lang to kailangan tipirin, kaya ng makababa ako ay humanap talaga ako ng karinderya ,at dahil kahit papano ay may swerte pa ako ay nakahanap naman.
Yess sa wakas makaka chibog na ako!!
---------
Halos alas nuebe na ng gabi ay hindi pa din umuuwe si Ser Marc galing sa kung saan man siya nagpunta.
Naubos ko na panoorin ang lahat ng magagandang palabas sa Tv. Pero wala pa din siya.
Mabuti pa tawagan ko na kaya siya.
Gamit ang calling cards niya ay sinubukan kong i contact siya pero wala.
Maya maya pa ay narinig ko ang buzzer sa pinto.
"Ohh magandang gabi po kuya Albert" bati ko ng makita ko ang matanda.
"Naku hija natutulog ka na ba.? Pasensia na may emergency kase sa amin. At naryan na din si Boss Marc. Kaso sobrang Lasing kaya kung pwede sana ay ikaw muna ang mag-asikaso" nagaalalang sabi nito.
"Ayy naku kuya ayos lang po di pa naman po ako matutulog" hinihintay ko pa din kasi talaga tong si Ser baka kung mapano na.!
"Mabuti. Tara andon siya sa Pad niya" sinara ko muna ang unit ko bago ko sila sinundan sa unit ni Ser Marc.
"Sige Hija mauna na ako. Kailangan na talaga ako ng Mrs. Ko" mabilis na umalis si Kuya Albert kaya naiwan ako dito sa loob ng sala.
Andito kasi ang lasing kong amo. Nakahiga lang siya sa upuan.
Kumuha muna ako ng bimpo at warm Water para ipunas ko sana sa kaniya. Nang makompleto ko na ang lahat ay unupo lang ako sa tapat niya.
Ito siguro yung sinasabi ni Mr. Clint na talagang happy Go lucky lang ang isang to. Malamang ay galing ito sa isa sa mga Bar pang mayaman dyan sa tabi- tabi sobrang lasing eh. Ganon naman lagi diba ang mga kagaya nitong Jerk! Yung nakakaasar na nga siya sa office tapos ganto pa at uuwe siya ng lasing hay.mayaman nga naman talaga.
"Ahmm Ser punasan ko lang ho kayo ahh" paalam ko pa. Kahit tulog ito. Respeto nalang din sa tao baka mamaya magising ito at sabihin na naman na pinagnanasaan ko siya aba ang kapal naman niya kung ganon. E hindi naman siya Type ko hmm.. Dahan dahan kong pinunasan ang kamay niya at mukha.
"Ano ba to pawis na pawis!" Baka matuyuan to ng pawis. Kaso ee pano ko naman to papalitan??
"Ahm Ser" nilapit ko ang mukha ko sa kaniya para sana tignan kung kahit papano ay gising pa ba ito. Kailangan ko siyang gisingin ng husto para mautusan siyang palitan ang sarili niya. Aba di ko kaya kayang buhatin siya.
Titignan ko na sana ito kaso bumaling naman ito sa kabila.kaya sinundan ko ito. Kaso natigil ako ng mapag masdan ko ng maiigi ito.
Ang mukha niya na parang kay amo habang nakapikit, matangos din ang ilong at -at napaka pula ng labi.
"Ilang babae na kaya ang nakahalik dito??" Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong lumapit. Gusto kong tignan at siguraduhin kung nalambot nga ba talaga ito gaya ng pagkakaalam ko.
Malapit na ako.. unting-unti nalang!.... nilapit ko pa ng husto ang mukha ko. Saglit lang naman titignan ko lang kung malambot ba talaga. Malapit na sana ng bigla nalang *buakkk*
"Oh Shet!!"
Deym!! Bakit kailangan ipaligo mo ako sa suka mo!!
Napalayo ako agad ng maramdaman ko yung kadiring bagay na yun na nasa mukha ko.
"Argh bweset sayang.este bweset bakit sa mukha ko pa kailangan sumuka?!! Asar!!" Tumakbo ako sa sink ng lababo para hugasan ang mukha ko.. " yuck kadiri" ang baho ng suka niya.
Malamang Elisse may mabango bang suka.?? Wala naman diba.
Kinuskos ko ng sabon yung mukha ko para matanggal ang amoy at lagkit. Sheyms nakakadiri talaga.
Pagkatapos ko maghugas ay binalikan ko na yung amo kong pasaway at niligpit yung kadiring suka niya na nasa sahig.
"Jusko.pano na yan lalo mo ng kailangang mag-palit" puro suka na talaga siya. Punong puno na ang damit nito lalo na sa may chest part kaya bakas dito ang kaniyang katawan. Sheyms puti pa naman din ang damit nito.
Sinubukan kong hawakan ang Polo nito para matanggal. Malayo ang mukha ko sa kaniya ng unti unti kong tinatanggal yung polo na suot nito.
Unang butones palang ang hawak ko ay nanginginig na ako.
"Wooh kaya mo yan Elisse!"
Pilit ko. Pero wahhhh!!! Hindi ko talaga kaya!! No choice pero kailangang gawin. kung hindi kaw sino?? Wala naman iba??
Hinawakan ko uli ang butones nito at paunti-unting tinanggal ang kabit nito
Isa palang ang natatanggal ko ay tinigilan ko na ito. "Tsk bahala ka Dyan lalasing lasing ka Jan di mo naman pala kaya!" Tumayo nalang ako at iiwan na lang sana ang isang ito doon mabuti nalang ay dunating ang ilang BG ni Mr Clint at ito na ang tumulong sa akin na palitan ng damit ito at ipasok na sa kaniyang kwarto.
Hay pasalamat ka dumating pa si kuya kung hindi iniwan na kita tsk.
------
BINABASA MO ANG
Im inLove with My Secretary (McLisse)
JugendliteraturMcLisse Supporter McLisse Shipper and a McLisse Warrior 😆💂💂 Follow me on TWITTER: Itsmechachamii INSTAGRAM: ChamiiXMclisse Personal: ItsmeSarahMii