Bweset na bweset na bweset ako matapos ang araw na to !! Fudge lahat ng pinaghirapan ko ninakaw lang ng walang hiyang Sam na yun!! Yung design ko ay harap harapan niyang prinesent sa lahat ng kaklase ko pati sa Prof namin!!
"Thank you Ms. Sam ang ganda ng gawa mo and super simple i thought gusto mo ang malaki at magandang bahay. Hehe hindi ko inExpect na gusto mo din pala ng simpleng buhay hehe" sabi lang nong Prof namin kay Sam. Tuwang tuwa naman ang huli.
"Thank you din Mam. Sa totoo lang ay katulong ko po talaga yung fiancee ko sa paggawa ng house na to . Actually siya po ang may sabi na simple lang atlis daw everytime kami pwede magkita at you know hehe" malanding sabi ni Sam!! Teka!! Ako ang may gawa ng bahay na yun !! Tapos sasabihin niya kaniya.
Nagtawanan ang ilan sa mga kaklase ko pero hindi ang LOKAS at lalong hindi ako.
Pagkatapos ng subject na yun ay umalis na ako. Nagpasya nalang akong umuwe dahil wala na talaga ako sa mood. Nang makauwe ako ay naabutan ko si kuya Albert
"Anjan na si Boss" sabi lang nito. Kaya mabilis naglaho ang lungkot ko at napalitan ng saya.
"Salamat kuya A." Sabi ko at mabilis na pumasok sa Pad niya. Naabutan ko lang itong may inaasikaso sa Lamesa.
"M.....Marc" tawag ko sa kaniya. Pero tinapunan niya lang ako ng saglit na tingin. Wait? May problema ba kami?? Bakit hindi niya ako pinapansin.
"Uyy Ser ang daya mo ahh saan ka ba galing??" Tanong ko at lumapit pa rito. Hinawakan ko siya sa braso para saglit na matigil siya sa pagsusulat pero tinignan niya lang ako ng masama.
"Ahm sige busy ka pa ata. Mauna na ako" tumayo nalang ako ng maayos at nagsimula ng maglakad paalis.
Iniisip ko na pipigilan niya ako. Na tatawagin niya ang pangalan ko pero wala. Wala akong narinig hanggang sa tuluyan na akong nakalabas ng Pad niya. Papunta na sana ako sa Unit ko ng maabutan ko ang tuwang tuwa na si Sam.
"Hey Miss Secretary can you get us some food. And dagdagan mo na din ng wine. Hehe byie!!" Naglakad pa ito na akala mong model papasok sa Pad ni Mccoy.
Oo nga pala secretary pa rin nga pala ako. Tsk .
Mahal niya ako pero wala kaming Label!! At ayon yung fiancee niya kasama niya sa kwarto. Tapos silang dalawa lang!! Hay....
Mabilis kong kinuha ang inutos nila sa akin at mabilis na pumasok na din sa loob ng Pad ni Ser Marc. Hindi kagaya kanina ay wala na ito sa Mesa sa Sala niya.
"Nasa kwarto sila." Malungkot na sabi ni kuya A pero agad din itong nawala.
Hindi naman sa green minded ako pero mukhang dapat ko ng asahan kong ano ang makikita ko. Halos pikit mata akong lumapit sa pinto.
Napalunok ako ng laway ng doon palang ay rinig na rinig ko na ang landian nila.
Kumatok ako pero wala akong narinig na sagot kaya dahan dahan ko nalang bibuksan ang pinto tutal ay halos bukas din naman ito.
Parang sinadya pa talaga nilang iwang bukas.arghh
Nalaglag ko ang bote ng wine ng makita ko na ang lahat.
Sheyt! Di ba inaasahan mo na to Elisse bakit ka pa umiiyak!
"Ahh bibi..bibigay ko lang to" sabi ko at mabilis na inilagay sa sahig yung pagkain na nasa tray at yung isang bote pa ng wine na hindi nabasag.
Sinarado ko yung pinto at mabilis na tumakbo palabas ng i.pyernong yun!!
Fudge Elisse bakit ka umiiyak!! Secretary ka lang naman niya!! Oo mahal ka niya kaya may karapatan ka pero hindi ka niya Asawa ni hindi ka nga niya GIRLFRIEND diba?? So bakit umiiyak ka pa diyan!!
Pilit kong pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa aking mata.
Ang sakit! Ang sakit pala ! Bakit Mccoy?? Ilang araw ka nawala tapos ito pa?? Hay akala ko ok ang lahat?? Akala ko ok lang tayo?? Teka wala nga palang tayo? Pero sinabi mo mahal mo ako?
Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak . Namalayan ko nalang ay unti unti na akong nakatulog na masakit ang mata pati na din ang puso.
---------------
Kinabukasan ay maaga akong pumasok kahit na maga pa yung mata ko ay pumasok pa din ako nilagyan ko nalang ng concealer para matanggal ang itim na eyebags pero no cares maganda naman ako kahit na ilang maleta pa ang dalhin ko haha.
Cge lang Elisse buhatin mo ang sarili mong bangko nakakagaan ng loob yan!!
Nag-ayos nalang ako at kinuha yung bag ko para umalis. Pagkalabas ko ng Pad ko miski sumilip sa pinto ni Ser Marc ay hindi ko magawa hay masakit pa din pero sabi ko nga masiyado akong maganda para madepress haha.
Nagcommute lang ako hanggang makarating sa school sa tapat na ako ng room ng makasalubong ko ang mga Hrm Students na kasama namin sa Fashion show nong nakaraan.
"Hi Chiselle!!" Sabi ni Russelle gaya gumanti din ako ng Hi dito.
Ilang araw ko din siyang di nakita matapos ang Fashion show.
"Hi din Russelle kumusta??" Tanong ko dito at sabay na kaming pumasok sa room. Nagpapa-salamat nalang din ako at nakausap ko siya. Hindi siya nabiging pasayahin ako ngayong araw na to hehe.
--------
"So as all you know guys sila ay Hrm Students ng BOCA siguro naman ang ilan sa iniyo ay close na sa kanila since nakasama niyo na sila haha. Like i said dati kapalit ng pagsama nila sa iniyo sa fashion show niyo sila naman ang sasamahan niyo para sa cook fest nila next week " announce ni Mam at kaniya-kaniyang react naman yung mga kaklase ko.
Kesyo dapat daw iba naman ang sasama sa mga boys pero wala din silang nagawa dahil pinili pa din ng boys na sumama sa mga naging partner nila.
"Awww ang daya naman!!" Reklamo ng iba.
"Hehe sasamahan mo na naman ako sa kainan! Namiss ko yun!!" Sabi ni Russelle habang magkatabi kami kasama nong ibang Partners na nandito din.
"Oo nga ehh namiss ko yun" yun naman ang lagi namaing ginagawa noon. At ngayon masaya ako na magagawa na uli namin yun
BINABASA MO ANG
Im inLove with My Secretary (McLisse)
Teen FictionMcLisse Supporter McLisse Shipper and a McLisse Warrior 😆💂💂 Follow me on TWITTER: Itsmechachamii INSTAGRAM: ChamiiXMclisse Personal: ItsmeSarahMii