Chapter Thirty7: Fiancee

561 21 1
                                    

Mccoy Pov

"Hoy Elisse diba sabi ko magpahinga ka muna Jan!!" Sabi ko kay Elisse habang andito kami sa Loob ng Office ko. Friday ngayon kaya wala kaming Class. Monday to Thursday lang ang schedule na kinuha  namin dahil pareho kaming may trabaho ni Elisse from Friday to Sunday!!

"Ee Ser kanina pa po ako walang ginagawa!" Reklamo lang nito.

Kinuha ko uli yung files na bitbit niya para i photo copy at ako na ang naglagay non sa xerox Machine.

"Tumigil ka at magpahinga!! kung kaw naka move on na sa nangyari sayo kahapon pwes ako hindi pa kaya magpahinga ka jan ok!!" Sabi ko at sinimulan uling gawin ang pag pirma sa ilang Papeles.

Pero panaka-naka ko pa ding tinitignan si Elisse! Lalo na kung nabobored na ako dito sa ginagawa ko.

"Yes po mam andito po Si Ser. Pero hes busy po kasi. Sige po itatanong ko thanks." Binaba agad ni Elisse ang Phone at sabay harap sa akin.

"Ser Marc este Mccoy may naghahanap sayo sa baba! Papasukin ko ba??" Tanong pa nito.

"Sino ba yun?? Sabihin mo busy ak....." hindi ko na halos naituloy ang sinasabi ko ng bigla nalang pumasok ang isang taong huli sa listahan ko na pupunta dito sa Office ko.

"Oh hi Elisse !hi babe!" Bati nito sa amin.

"Anong ginagawa mo dito??" Tanong ko agad at napansin ko ang pagtataka sa mukha ni Elisse.

MagEexcuse na sana ito palabas ng marinig nito ang malakas na litanya ni Sam.

"Andito ako para bisitahin ang FIANCEE ko masama ba yun??" Napatingin sa direksyon ko si Elisse bago tuluyang lumabas ng office.

   Deym!! Susundan ko na sana si Elisse kaso pinigilan ako ni Sam at hinila pa yung kamay ko paupo sa sofa.

---------------

Elisse Pov

Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko ng lumabas ako ng opisinang Yun!! Ang alam ko lang siguro ngayon ay ang katotohang nasasaktan ako.

Teka may K!? As in karapatan ba ako magselos?? Sapat na bang dahilan yung sinabi niya sa aking mahal niya ako??

Pero sheyt ano daw?? Fiancee?? Si Samantha Villareal ang fiancee niya?? Pero ang bata pa niya para magpakasal??

"Uyy ayos ka lang??" Tanong sa akin ng isa sa mga kasamahan ko dito sa office ng mapansin niya yata na Medjo balisa ako.

"Oo ayos lang salamat!" Pilit kong inayos ang sarili ko pero wala sa sariling pumapasok nalang bigla sa isip ko ang mga nangyari kanina?? Fiancee?? Tama pa din ba ang pagkakaintindi ko ng Fiance?? Papakasal na sila?? Arghhh nakakabaliw mag-isip!!

Imbis ng mag-isip ng mag-isip ay pupunta nalang ako sa pinakamalapit na Eatery  sa baba para kumain. May pera pa naman ako at sure naman akong kakasya pa yung pera ko.

"Uyy bruha kumusta ka!!??" Bungad kaagad sa Akin ni Chacha ng maabutan ko silang dalawa ni Mike na palabas na ng hotel . Mukhang pauwi na sila.

"Wahh ChaCha namiss kita!!" Sabi ko sabay yakap sa kaniya. Halos 2 buwan ko din siyang hindi nakita!.

   Bukod kasi sa pagiging busy na studyante ay busy din ako sa pahiging secretary kaya ito wala ng time gumala gala!!

"Namiss din kita. Wala ka na bang pasok?? Tara samahan mo kami kain tayo dali! Libre ko!" Yaya nito. Walang pagaalinlangan naman akong  sumama sa kanila.

      Sumakay lang kami ng Taxi para makapunta sa Pinakamalapit na Mall at gaya nga ng sabi ni Cha ay nilibre niya ako ng Starbucks.! Sosyal ang bruha.

Nagkukwentuhan lang kami ng biglang mabanggit ni Cha ang isang salita.

" Gaga Malapit na kami ikasal nitong FIANCEE  ko hindi pa din handa yung dress mo kaw na lang tong walang suk....." hindi na nito natuloy ang tanong "Uyy Elisse ok ka lang ba??" Tanong nito sa akin.

"Ok lang ahm Cha ?? Ano nga ibig sabihin ng Fiancee??" Oo alam ko yung ibig sabihin non !! Magmukha na akong shunga!! Pero gusto ko lang malaman kung tama ba ang nasa isip ko.

"Hahahah shete ka Elisse kala ko naman kung ano sinisimangot mo diyan yan lang pala!! Haha Fiancee malamang siya yung future husband mo. Yung  final na ikakasal kayo sa huli yun!! " tinawanan pa ako nito.

So totoo nga ikakasal nga talaga sila?? Hayyyyyyy :(((((

"Teka bakit no nga pala natanong?" Tanong nito habang sumisipsip ng Coffee niya.

"Ahah wala lang nakita ko kasi sa isang magazine yung about don" palusot ko naman pero sobrang lame arghh ang wilab mo talaga Elisse

"Ahh ok kala ko may fiancee ka na eh haha charr lang!! Oo nga pala yung tatlo pupunta na sila mabuti nga at nacontact ko eh haha"    ano daw  fiance ? Asa naman yung gusto ko nga may fiancee ng iba eh haha.

     Mabilis na nagpaalam yung dalawa na mauuna na dahil may meeting pa daw sila sa Organizer ng wedding nila kaya nagpaiwan nalang ako dito sa Mall. Gusto pa nga sana nila akong ihatid pabalik sa Hotel o sa Condo pero hindi na ako pumayag .

     Sa sobrang sama ng loob ko ay gusto ko muna mapag-isa. Ayokong bumalik sa Office para makita lang uli ang dalawa hay!!.

Pumunta ako ng Time zone at niload yung lahat ng Pera ko. 300 lang naman yung dala ko kaya ok lang yun!

Naglaro ako ng Sharp shooter magisa! NagTekken! Nag car race!! Lahat ginawa ko para lang makalimutan siya.

"Ohhh Elisse kaw nga? Anong ginagawa mo dito??" Kasalukuyan lang ako naglalaro ngayon ng Pleasant Goat ! Yung may lumalabas ng tubig?? Basta yun ng biglang dumating si Russelle kasama ang ilang tropa niya.

"Uyy insan siya ba yung sinasabi mong Chix??" Tanong ng isang lalaki na medjo singkit, maputi at may hikaw sa bibig. Infairness gwapo sin to.

Ano daw Chix?? Palagay niya sa akin manok?? Aba sapakin ko kaya to? Haha joke lang!!




-----------------
1/20/17  Congrats Dream Team for winning your Lucky task!! Sobrang proud kami sa Captain niyo!! Elisse baby Gurl nakaka- proud ka talaga muahh Love you!!1

Sinong housemates ang seryoso,Maganda at palaban! Ang iba kung kiligin sa McLisse??

Comment niyo dali dedicate ko sayo ang next Update ko?? Hahaha

Im inLove with My Secretary (McLisse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon