Chapter Twenty9:Practice

652 24 0
                                    

"Kumusta ka na nga pala Elisse?? " tanong sa akin nitong ni Russelle habang naghihintay kami ng announcement ni Mam.
Andito lang kami sa Auditorium.

kahit may aircon tong lugar feeling ko ang init-init pa din dito. Yes clear na sa aming dalawa na bawal na manligaw pero yung Fact na may gusto pa din sa akin si Russelle nakakailang!!

     

        "Ayos lang naman haha parang di tayo magkasama nong nakaraang araw ahh. E madalas na nga tayong magkasalubong ng landas ngayon!" Asar ko pa dito kala mo kasi talaga ang tagal namin di nagkita kung makatanong ng kumusta.

"Maybe were really destined?" Pinalo ko naman to sa braso.

"Baliw"hindi na pwede noh. Kung wala kang Fan girls na war freak baka tayo na noon pa pero nuh!!!!  ngayon na may isang monggoloid ang laman nitong puso ko lalo ng hindi pwede

Arghh ang Kiree!

"Hinintay kita last time sa lugar kung saan kita hinatid pero di kita naabutan mukhang nakaalis ka na" kwento pa nito.

"Talaga. May ginawa pa kasi ako non kaya medjo natagalan sorry" sagot ko kahit hindi ko matandaan kung kelan yung araw na sinasabi niya.

"Haha parang di mo naman alam yung sinasabi ko e" ngek nahalata pala niya.

"Sorry hindi ko din alam kung kelan ba yun?"

"Nong enrollan??" Ahh natatandaan ko na ito yung araw na sumabay sa akin si Ser Marc at hinatid niya ako.

"Ahh naalala ko na pero nalate kasi ako non kaya tinanghali na din hehe" hindi naman sa Feelingera ako pero ahmm yun ata ang dahilan kung bakit ayaw umalis kagad ni Ser Marc noon sa Pad niya.

Pinatayo naman kami mula sa kaniya-kaniyang upo dahil may announcement na si Mrs. Paguia

"Ok Class since ready na ang Lahat sa Activity Area pwede na kayong pumunta don and dont forget your partner! " anunsiyo ni Mrs Paguia kaya agad kaming sumunod sa kaniya sa Activity Area sa Fourth Floor.

    Hindi siguro pinayagang gamitin ang Audi kaya pinapapunta kami ng activity area.

"Uyy Elisse naalala mo ba yung lugar na yun??" Tanong ni Russelle sa akin habang naglalakad kami. Galing pa kami sa katabing Building kaya mahaba pa ang oras namin magusap.

"Ang Alin yung Activity Area?? Haha !!" Bigla ko tuloy naalala yung mga panahong close friend pa kami at wala pa siyang feelings sa akin at wala pa akong haters.

" Oo yung sobrang kabado ako magperform kaya ginawa mo sumayaw ka ng chicken dance sa harap para mawala yung kaba ko haha" sabi niya at tumatawa pa talaga kaya pinalo ko tuloy siya sa braso ! Malamang puro pasa na ito kakasapak ko haha.

" ang saya mo! Buti na nga lang nabura agad yung video ko non sa BoCa Web kundi wala famous na ako ngayon!" Kalagitnaan ng First year high school yun nangyari.

First time lang kasi ng performance ng grupo nilang The BPH nong araw na yun at bilang dakilang Best friend ay todo support ako sa kaniya sa Pagcheer!

"Kung hindi ko ginawa yun malamang hindi ka naka-Perform ng maayos noon. Kita mo ngayon sikat ka na!" Wika ko pa.

"Haha sabagay!" Natatawa pa ding sabi nito.

" pero mas Epic pa din yung ano haha!! Yung pagemote mo non sa stage! Daig mo pa theater actor sa drama mo haha" kwento ko pa dahilan para mag pout siya kita mo to pikon naman pala.

"Wag mo ng ipaalala !"   3rd year high school kami noon ng magkaroon ng stage Play sa english subject namin. Siya ang napiling bida pero dahil hindi naman siya artista ay panay ang practice nito magisa. Ayy kasama pala ako! Ako lang watcher niya haha

Nasa fourth floor na pala kami ng hindi ko halos namalayan.

" ang daya mo talaga!" Tumawa lang kami ng tumawa hanggang magsimula yung praktis at una ang Boys kaya nilapitan ako ni Sofia.

"Uyy Bebs ano yun?? Bakit may paganon aber??" Tanong nito habang nakatingin sa stage. Di ko tuloy sure kung ako ba talaga kausap nito. Mamaya nagiimagine lang to e !

"Ang alin?" Tanong ko kahit alam ko na yung tinutukoy nito.

"Ayon?? Yung TB (Throwback) moment niyo kanina. Hmm akala mo di ko narinig noh haha! " nang aasar pa ito.

" baliw wala yun. Naalala lang namin since dito lahat yun sa Activity Area" sagot ko nalang

"Ayy sayang kala ko pa naman muling ibalik ang pag ibig na kayo haha!!"  Sa kanilang apat ito ang pinakaboto kay Russelle.

"Lokaloka malabo! Ang dami kayang Fantards niyan! Lalo na ngayon gume guest na sa Tv yan!

" sabagay. Pero best Pwede naman patago e. Tsaka mukhang kaya naman ni Russ ipaglaban ka sa mga cheap people na yan noh!!" Push pa rin nito. Haha kung tutuusin ay ok lang naman.

Kung wala lang may maliit na taong pumipilit pumasok sa puso ko.

"Loka di pa rin pede noh!" Sabi ko nalang tatanungin pa sana ako uli ni Sofia kung bakit mabuti nalang at nasave ako ni Ryle ng hilahin niya si Sofia.

Save by Mr. Jologs!

"Elisse tara malapit na tayo!" Tawag na din sa akin ni Russelle kaya tumayo na din ako sa upuan ko para sumama sa nag-ppraktis.

" Ok girls pwesto kayo sa right then ang boys don kayo sa Left. Ok ready dapat may posing sa gitna ha!!" Instruct sa amin ni Mrs. Paguia

    Mabuti nalang at hindi ako ang nasa unahan may maliit pa sa akin kaya kahit papano ay nakikita ko kung paano ang gagawin.  hilig ko ang paggawa ng damit pero never ko na gustuhan ang sumali sa fashion show. Kada may gantong event dati lagi lang ako sa Props at nasa likod lang ng stage.

"Kailangan ba talaga naka heels pa??" Tanong ko kay Sofia na kasunod ko sa Pila!

"Malamang! Ok na yan bebs para masanay ka!!" Sagot lang nito.

Ito ang ayaw ko sa course ko e. Ayoko sa lahat mag-heels nanliliit ako haha joke.

Maya maya pa ay nagbigay na si Mam ng cue signal na start na ang rampahan!

Pak!Pak! Pak! AWRA!!!

----------------------
1-9-17

Taas kamay sa kinikilig sa kakirehan ni Ser sa Livestream?? At sa paglayag ni kuya sa Mclisse ?? Kyahhh!!

Thank you PBB !!!kung hindi dahil sa iniyo walang MCLISSE NGAYON!!
Thank you!!

----------------------------

Sorry if madaming TYPO! Wrong grammar! At sobrang lalim ng tagalog.

Comment kayo if gusto niyo ng dedication!

LOVE YOU ALL GUYS!!

--------------

Im inLove with My Secretary (McLisse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon