Chapter Twenty2: Date with..?

738 22 3
                                    

"Sorry Sam mauuna na ako!!" Tumayo na ako agad at tuloy tuloy na lumabas sa restaurant na kinakainan namin.

"Marc baby wait !" Habol nito sa akin pero hindi ko na pinansin. Tinawag ko nalang yung driver niya na naghihintay sa kotse.

Ako naman pumara lang ng Taxi. Hindi ko na kasi nadala yung car ko dahil sa babaeng yun !

Sigurista ang Poohta! Wag na daw ako magdala dahil siya ng bahala maghatid sa akin.

Pero tsk sanay na ako sa kaniya, ganyan din ginawa niya nong nakaraang araw! Imbes na sa Pad ko ako dalhin ay inuwi niya ako sa bahay niya, nakita ko pa tuloy uli yung taong sisira ng buhay ko.

Ang mga Magulang niya. TSK!!

Kung nagtataka kayo kung bakit nasabi ko yun. Wag na!!

Ginawa pa nilang wattpad story tong buhay ko. Badtrip uso pa pala ngayon ang arrange marriage?? At sa kasamaang palad nabiktima ako mga Men!! Ina talaga e ayy Lolo pala!

Yung Lolo ko talaga may kasalanan e!! Loloko loko talaga !pati buhay ko napagtripan.

Kaso wala naman akong choice kundi umuo nalang din. Yun ang gusto ni Lolo e kung hindi wala daw akong mamanahin. Di ba ang classic??

Wala naman akong pakeelam sa Pera eh. Pero kailangan pa din dahil ayaw daw ni lolo na mawala ito mawala ang lahat ng pinagpaguran nila ng daddy ko.

Pagkarating ko sa condominium ay agad akong pumunta sa Pad ko. Sakto namang andon din si kuya Albert.

"Kumusta Bossing?? Ano nangyari sa date niyo??" Tanong pa nito sabay alok ng kape.

"Tsk as usual! Puro kaartehan lang ang topic. At yung wedding chuchu na yun ewan! Sige kuya pakuha po ako." Nagtimpla naman si kuya Albert ng kape para sa akin.

"Wala ka ng magagawa! Sa susunod na Limang Buwan ay ikakasal ka na!" Sakal kamo!! Kahit kailan hindi ko naisip na ganong babae papakasalan ko.

"Change topic kuya nasusuka ako" sa totoo lang maganda naman si Sam. Punong puno lang ng kaartehan sa Katawan.

Hindi siya katulad nong iba na simple lang. Maganda ,maputi, at minsan parang baliw lang sa kakornihan.

Teka asaan na nga pala yun.??

"Kuya si Elisse nanjan na po ba??wengya yung babaeng yun ang bilis tumakbo! Kala mo kuneho sa bilis!!" Hindi ko na siya naabutan kanina! Hinila kasi ako agad ni Sam, wala akong nagawa kung hindi sumunod.

"Wala pa Mccoy Kanina ko pa nga din hinihintay yun dahil pasado alas sais na hindi pa nakaka balik. E dyan lang naman ang divisoria!"

Tsk. Pasaway talaga ang isang yun! Baka gumala na!

"Binili na niya ata ang buong divisoria" nakuha na niya ang sahod niya for this Month kaya malamang enjoy na enjoy na yun.

Tsk kung di lang ako hinila ng buang na babae ! Edi sana kasama ko siya ngaung magenjoy??

Arghh baliw ka na Mccoy

Baliw na talaga ata ako sa kaniya.?? Isang buwan mo ba namang makasama at makilala siya ng husto sinong di magkaka gusto sa kaniya??

"Ayy ewan!" Mabuti pang hanapin nalang ang isang yun kesa maupo lang dito.

"Kuya Al. Hintayin ko lang po sa baba" paalam ko at lumabas na sa Pad ko.

"Ang tagal naman"At dahil sa tuktok ng building na to ang Pad ko ay sobrang nainip ako sa loob ng elevator.

"bakit kasi sa taas pa ko e tsk" sa buong buhay ko ito na ata ang pinaka matagal na oras .hay ganon ba ako kahapit makita si Elisse??

Im inLove with My Secretary (McLisse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon