Chapter Fourty1:know Her More

553 19 1
                                    


Nikko Pov

    Hay sa wakas tapos na din ako!! Napaunat ako ng kamay at binitawan ang huling papel na pinirmahan ko.

Nagulat naman ako ng biglang pumasok sa office ko ang tropa.

"Ohh anong ginagawa niyo dito? Miss niyo na ko kagad? Wag ganyan guys!!" Sabi ko at natawa pa nabatukan tuloy ako ni Paulo.

"Mukha mo! Hindi ka namin namiss no!" Sabi pa nito at kinuha ang papel na pinirmahan ko kanina mukhang hindi niya naman ito nagets kaya binitawan niya na kagad.

"Uyyy Pre. Tinuloy talaga ni Mccoy yung balak niya?? Wengya inlove na talaga si Gag*" sabi ni Ronnie sabay tawa pa.

What?? Kaya sila nandito para sabihin yan? Naku lagot na naman ako sa isang yun  kung nagkataon!

"Inlove nga komplikado naman. Tsk ayoko ng maging mayaman!!" Sabi ni Jimboy at kinuha pa ang pagkain sa mesa. Oo nga pala ako nga pala si Nikko Natividad. Tsk sensiya na kayo kay Author kung kailan matatapos tsaka ako ginawan ng Pov. Wengya ito ngat problema pa ang binigay niya.

Pero anyway ayon nga alam namin ang plano ni Mccoy tungkol sa pagtanan niya kuno kay Elisse. Pagkatapos niyang makipagusap sa lolo niya ay dito siya dumeretso para makipag inom.

Pero ang walang hiyang si Ryle nag suggest pa na dapat itanan niya na nga daw.

"Sira! Kasalanan yan ni Ryle. Ako naman mayaman pero hindi problemado..gwapo lang!!" Sabi ko at ininom na din ang Coke in Can ko.

"Kapal! mas gwapo ako Tyong ! " reklamo pa ni Paulo. Kaya hinagis ko sa kaniya yung Can na wala ng laman.

Kung gwapo lang ako na ang may Title non noh kahit tanong niyo pa yung nanay ko?! O kaya yung mga studyante ng school ko malamang pangalan ko pa din ang isasagot haha.

"Diba tol mayaman ka naman??" Biglang tanong ni Zeus sa akin? Ehh hindi naman sa pagmamayabang pero oo

"Haha bakit na naman?!!"

" tawagan mo na nga yun. Tanong mo kung nakarating bang maayos!!" Utos ni kuya Luke. Kaya agad kong kinuha ang phone ko at sinimulang idial ang number ni Mccoy pero out of reach naman kaya binaba ko nalang.

"Wala! Ayaw na macontact baka naka score na!!" Siraulo kasi tong si Mccoy! Sa dinami-rami ng pwedeng solution sa problema niya yung pagtanan pa yung naisip niya. Ayy yung mga loko loko pala nakaisip non. Tsk pero ayon nga pumunta yung dalawa sa bahay namin sa Batangas! Rest house ng Family ko yun kaya hinayaan ko na muna silang dalawa doon. Ako lang naman ang maasahan ni Mccoy pagdating sa titirahan niya. Olats kasi yung mga Pasaway!! Joke.

"malamang!! Pero malabo yun ! Mccoy pa Ba?? Ee isat kalahating Torpe yun!!" Tawa ko pa bago namin pagtripan si Mccoy. Siguro puro na sugat yun kakadapa.dahil palagi naming pinaguusapan haha.

-------------

Kinabukasan ay tanghali na ako pumasok. Wala feel ko lang tamarin! Naglalakad lang ako mag-isa sa hallway ng bigla nalang sumulpot ang isang babae!!

"Tsk asaan si Elisse!!" Napa-woah pa ako ng bigla akong hilahin nito sa kwelyo at sinandal sa pader!! Arggh sinasabi ko na nga ba ehh.

"Ui ang lakas mo pala!!" Naka-ngiti kong sagot sa kaniya. Pero wengya lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa kwelyo ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko ee ang amasonang Ito ang yayari sa kagwapuhan ko!

"Hindi yan ang tinatanong ko!! Si Elisse ang hinahanap ko at ang walang hiya niyang amo!!" Sabi pa ni Michelle bago ako bitawan saglit dahil halos di na ako makahinga sa paghawak niya. Grabe bai!! Babae ba talaga to o Amazona talaga siya ?? Kala ko tatahimik tahimik lang to?!!tapos ang lakas pala

     Naalala ko tuloy yung nangyari nong isang araw kung saan tatlong araw hindi nagpansinan yung dalawa. Kami kaya ang sinisi ng Tropa ni Elisse dahil sa nangyaring iyon!

"Kalma nga ! Magkasama lang naman yung dalawa!!" Sagot ko at inayos pa ang damit kong halos nagusot na.

"Yun nga ang mas malaking problema eh!! Tsk! Pinagbigyan namin siya nong una! Pero anong ginawa niya?? Ngaun asaan siya??!!" Imbes matakot ay halos mapangiti at mapatawa ako sa kaniya. Ang cute ng mukha niya habang galit na galit sa akin. Namumula na din ang mukha niya.

"Hmmm Secret. Pero pag pinilit mo ako sasabihin ko din" akmang tatalikod ako ng bigla niya nalang akong hilahin sa braso sabay sipa sa where it hurts the most!! Arghhh fu*k ang sakit!!.

"Hindi ako nakikipag- biruan Mr. Natividad! Asaan na sila!??" Dahil sa sobrang sakit ng Ibaba ko ay hindi ako makasagot ng maayos panay lang ang pagtalon ko habang hawak ang aking YAMAN!!

"ANO NA??!!" sigaw pa nito at akmang sisipain uli ako pero bago niya magawa yun ay nasabi ko na.

"Sa batangas sa Lipa!" Akala ko ay aalis na ito. Pero mali pala ako. Dahil bago ito umalis ay isang pag-tuhod uli ang ginawa niya.

Damn ang sakit non men!!!

     Nagtatalon talon ako ng dumating ang walang hiyang tropa ko at take note ginaya niya pa ang pagtalon-talon ko habang nakahawak sa aking Alaga!

"Ui bro ito na ba talaga ang usong sayaw ngayon?? Akala ko manequin challenge ang uso ??" Hindi ko alam kung nang-aasar ba si Ryle nong sinabi niya yon!? O shunga lang talaga ang isang to !

"Shunga Mas uso yung Nong akoy bata pa " kakanta-kanta pang sagot ni Paulo.

Jusko?? Kaibigan ko po ba talaga tong dalawang to??

"Mga siraulo !" Tumayo ako ng maayos pero sobrang sakit talaga kaya nagpahinga nalang muna ako bago naglakad na papunta sa room ko. Wengya dapat pala talaga ay hindi nalang ako pumasok ng maaga napasama pa tuloy ang junjun ko.

     Pumasok nalang ako sa klase ko at hinayaan nalang ang amazonang Yun?

----------------------------

   Pagkatapos ng klase ay tumambay na muna ako sa Library para sa research project ko. Nakaupo lang ako sa pinakadulong shelves ng may marinig akong umiiyak.

Teka sino yun?? May multo ba dito sa school ko?? Ehhk wala naman diba??

Huhuhu yan na naman yung iyak na yun?? Binitawan ko na muna yung libro at dahan-dahang naglakad papunta kung saan ko naririnig yung ingay na yun .

"Ma !! Sinabi ko na sayo diba iwan mo na yung babaeng yan!"  narinig kong sabi ng umiiyak na ito. Aalis na sana ako kaso nakita ko ang may ari ng boses na yun. Michelle. "Fine magsama kayo never ka namang nakinig sa akin diba!!?" Huling litanya nito bago binaba yung phone at umiyak na uli.

Hindi ko na tuloy maiwasang lumapit at iabot sa kaniya yung panyo ko. "Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong ko dito.

Kinuha nito sa akin at bahagyang nagulat pa ng makita ako. "Oo ok lang ako" sabi ni Michelle at pinunasan pa ang luha sa mukha niya. Kung kanina ay gustong-gusto ko siyang murahin dahil sa ginawa niya sa aking JunJun ngayon ay gusto ko siyang yakapin.

   "Sige mauna na ako. At kung may balita ka kayla Elisse sabihan mo lang ako!" Tumayo na to at umalis na naiwan naman ako doon na napapaisip sa isang yun

Hindi mo talaga mahuhusgahan ang isang tao.  In one day i discovered that shes strong ! Shes Fierce but inside her is a weak woman who also have his own dilemma.

Michelle Vito your now a mystery to me

Im inLove with My Secretary (McLisse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon