Chapter Thirty3: Mahal na daw ako?

670 26 4
                                    


Kinabukasan ay maaga akong nagising para abutin yung call time namin sa Practice.

nainform na ang Professors namin kaya iilan nalang yung minor subject namin na ikaklase. Yung mga Subj na Pa-Major sila pa talaga yung ayaw pumayag Tsk!!.

Mabilis akong natapos maligo bago pumunta sa Kitchen para kumain.

"Mabuti may Tira pa ako kagabi?!" Kinuha ko lang ang Tira kong Mechadong ulam na binili kagabi at nagsimula ng kumain.

Sa Sala nalang ako kumain para makanood pa ako ng news sa TV.

"Uyyy anong ginagawa mo diyan??" Nagulat ako ng makita ko ang Amo ko na nakahiga sa Sofa sa Sala.

Umungol lang ito ng mahina at nagiba ng pwesto.

"Arghh pasaway talaga naginom na naman!!" Sabi ko at nilapag ang dala kong pinggan "Uyy Ser Marc??! Ayos ka lang ba??" Ginigising ko pa ito at tinatapik ang mukha. Kaso walang effect!

"Pasaway ka talaga malelate pa ako ng dahil sayo ee" kumuha nalang ako ng warm water! Alcohol and Towel para mapunasan itong si Ser Marc.

"Lalasing-lasing di naman pala kaya ayy naku!!" Kinuha ko yung towel at pinunas sa mukha niya.

Alam ko na late na ako sa Call time pero hindi ko naman pwedeng iwan nalang magisa dito si Ser Marc lalo pa at alam ko na kapag nalasing ito ay over to the highest Level ang pagka hang Over!!

Hahawakan ko na sana ang kamay ni Ser para ito naman ang punasan ng bigla niya nalang akong hilahin hanggang sa magdikit kaming dalawa.

"Ahmm Ser!" Utal utal na sabi ko. Hindi ako makagalaw ! Hindi ko alam kung dahil ba sa pagka bigla?? O dahil sa naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko.

"Mahal kita mahal kita" hindi ko masiyado marinig yung sinasabi niya kahit pa malapit lang ang tenga ko sa kanya.

Mukhang mas naririnig ko ang malakas na pag tibok ng puso ko sa oras na ito.

"Ahmm Ser ano po??" Pilit akong kumakawala pero ayaw niya akong bitawan at mas hinigpitan niya pa ang yakap!.

Tumagal kami ng halos 10 minuto sa ganong pwesto. Walang nagsasalita at tanging ang ulo ko lang na naka-patong sa dibdib niya ang nasa isip ko.

Dapat na ba akong kiligin??

"Elisse Mahal kita" nagulat ako ng marinig ko ng malinaw ang sinabi niyang yun.

Kaya agad akong napatingin sa kaniya at nakita ko na gising na gising na ito. Ni bakas ng hangover ay wala na.

"Ser ano pong sinabi niyo??" Parang tangang tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko??!! Tama ba ako ng rinig ?? Mahal niya daw ako???

"Nasabi ko na to sayo. At madaming beses ko ng gustong ulitin ulit. Mahal kita Elisse ! Hindi ko alam kung kailan nagumpisa pero ngayon gusto ko makasama ka lang palagi gusto ko sa akin ka lang." Sabi nito. Ako naman?? Wala nganga lang.hindi ako maka-react eeh.

"Ser??" Simpling sagot ko lang.

"Alam ko Elisse hindi magiging madali ito pero gusto kong sabihin sayo to.bago mahuli ang lahat? " niyakap pa ako nito at binaon yung mukha niya sa leeg ko.

Medjo nahirapan tuloy ako sa pwesto ko dahil nakaupo pa din ako sa sahig habang yakap niya ang katawa ko.

"Ano pong ibig niyong sabihin??" Nalilito ako sa sinabi niyang bago pa mahuli ang lahat?? Bakit mamatay na ba siya?? Jusko wag naman po sana??!! Kakaamin niya lang ee!!

Hay naku Elisse tumigil ka nga!!

"Basta tandaan mo mahal kita. Gagawan ko lang ng paraan ang problema ko. At pagnatapos ko na yun liligawan kita hehe ayos ba yun??" Nakangiti niyang sabi habang hawak ang baba ko.

Im inLove with My Secretary (McLisse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon