Mabilis lang natapos ang oras ng Lunch break! Oras na para sa next class lang ako kay Ser Marc.
"Ser mauna na nga pala ako,may klase pa eh!" Kung hindi lang Major subject ang next class ko baka dito lang ako forever kaso bawal yun! Cutting??! Wala yun sa aking vocabulary.
"Ang bilis ng oras. Hatid nalang kita" sabi nito at hinatid niya nga ko sa room namin. Naabutan ko naman yung tatlo doon na nagiingay!! Grabe yung boses ni Clair wagas!!
"Hahah ang pangit niya kasi!" Tawa pa ito ng tawa. Nagbabye ako kay Ser bago lumapit sa kanila!
" Kumusta naman yung Ryle! Ang yabang yabang Jeje naman!!" Litanya rin ni Sofia. Yung totoo?? Anong nangyari sa mga to?
"Hoy saya niyo ha??" Singit ko na sa kanila,Curious na ako magtanong eh!!
"Syempre naman Bebs haha" tawa pa nong dalawang baliw! Edi sila na masaya. Humarap nalang ako kay Michelle, baka ito pa matino kong makakausap.
" naku bebs! Gumawa lang naman sila ng eksena sa canteen kanina" sabi agad ni Michelle na parang alam ang itatanong ko.
"Ang daya! Anong eksena?? Kwento dali!!" Umupo na ako sa reserve seat ko tsaka ko hinarap sa kanila. Bale naka-bilog na yung upuan namin!
Wag kayo magtaka ganyan kami kagulo pag magkakasama!!
"Ganto kasi Beb hahah si Ano kasi hahaha" yung totoo?? Wala akong naintindihan sa sinasabi ni Clair!
" ang galing pala beb! Wohh naintindihan ko talaga grabe!!" Sarscastic na sabi ko. Pero wala tinawanan lang ako.
Hanggang dumating yung prof namin ay hindi ko pa din nakuha kung ano ba ung eksena kuno na ginawa nila.
After 3 hours ng klase ay sa wakas natapos din namin yung lesson. Actually sobrang fun naman dahil pinagawa kami ng WEDDING DRESS!!!!
Ang dami ko ngang nagawang Design!! Kada kasi gagawa ako ay pumapasok sa isip ko ang dream wedding ko? Kung anong gusto kong theme ? Kung anong color yung mga ganoong bagay.
Kaya lang malabo pa sa isip ko yang kasal kasal na yan!! Balak ko kasi ay mga 28 ang right age ko para magpakasal.
Pero malay niyo Bigla kong makita yung taong magpapa tibok ng puso ko. Baka si Ser Marc pa nga yun hahah charrr!!
"Bebs sabay ka ba sa amin umuwe??" Tanong ni Michelle habang papunta kami ng parking
"Syempre naman haha! Matic na yun!" makapal po talaga mukha ko lalo na sa kanila. Ganyan kasi sa amin walang plastikan!
Papasakayin na sana ako ni Mich kaso pinigil ako ng kung sino man!
" hey di ka ba sasabay sa akin??" Si Ser Marc pala !! Kasama na naman niya ang tropa niya na nasa likod lang niya.
Bukod kay Ryle, Paulo and Nikko ay may pito pang lalaki ang nasa likod niya.
"Wow bebs!! May shooting ba?? Bakit may mga artista??!!" Sigaw ni Clair mula sa Loob ng Kotse niya!
"Haha nakaka-proud naman artista na pala tayo mga Brad?" Sabi ni Paulo sabay Pogi pose pa! "Sabagay gwapo ba naman natin e haha!!" Pagyayabang pa nito. Grabe sobrang humble ha!!
"Uyy kuya Pogi mo naman ano po pangalan niyo??" Hindi pinansin ni Clair si Paulo at pumunta lang siya sa lalaking naka Pulang Damit.
"Ahmm hi Jameson nga pala!!" Inabot naman agad ni Clair ang kamay nito.
"Hoy mas gwapo ako Diyan noh!! Singit ni Paulo sa dalawa.
Lumapit naman si Ryle kay Sofia na tahimik lang sa gilid.
BINABASA MO ANG
Im inLove with My Secretary (McLisse)
Teen FictionMcLisse Supporter McLisse Shipper and a McLisse Warrior 😆💂💂 Follow me on TWITTER: Itsmechachamii INSTAGRAM: ChamiiXMclisse Personal: ItsmeSarahMii