Chapter Fourty6: feel better

544 19 0
                                    

Sa sobrang kahihiyan ko sa nangyaring eksenang iyon ay hindi ko magawang tumingin sa mga tao. Madami ang nagbubulongan!

May naawa at may mga humuhusga.


"Tara na!" Sabi ni Mccoy at inakay na ako suot ko yung jacket na binigay niya sa akin bago niya ako inakay paalis.

"Tsk kawawa naman this girl" sabi ni Sam kasama ang tatlo niyang Alipores. Hindi lang ata ako ang nakarinig non dahil nagulat ako ng bigla nalang akong iwan ni Mccoy tsaka humarap sa Tatlo.



"Kaw ba ang may gawa nito??" Nakakatakot na tanong ni Mccoy sa mga ito. Para akong isang batang natakot sa halimaw ng marinig ko ang boses niya pero naramdaman ko din ang saya. Na may nagtatanggol sa akin.

" no Babe?!! Hindi ako noh!?? Bakit ko naman gagawin yun??" Malungkot na sabi ni Sam. Pero iba ang dating non sa akin. Para bang hindi naman totoo ang sinasabi niya.

"sigurauhin mo lang" hinawakan ni Mccoy ang kamay ko at umalis na uli kami. Nakarating lang kami sa isang free class room tsaka niya dali daling tumawag sa Cellphone niya.


"Yes andito kami sa Room 307 ! Dalian niyo salamat!!" Sabi lang nito at binaba agad ang cellphone niya. Tahimik lang ako sa gilid na nakaupo.


        Pakiramdam ko sasabog na yung puso ko sa sobrang kahihiyang dinanas ko. Hindi ko pa naranasan ang mapahiya ng ganto sa buhay ko.


Sa loob ng ilang taon ko sa kwelahang ito ay ngayon ko lang naranasan ang kahihiyan.



"Alam ko hindi ka ok. Kaya iiyak mo lang yan" sabi ni Mccoy at niyakap pa ako

wala akong ibang nagawa kundi ang isandal ang ulo ko sa dibdib niya at umiyak ng umiyak??

Wala naman akong ginawang masama ha? Bakit kailangan maranasan ko toh??


"Im sorry hindi kita natulungan agad" sabi ni Mccoy habang hinihimas yung likod ko. Hindi ako makasagot o makapag salita man lang dahil pakiramdam ko ay walang boses na lalabas sa bibig ko. Puro hikbi lang.


"Parating na sila wag kang magalala hahanapin ko ang may gawa non "inangat ni Mccoy ang ulo ko dahilan para makita ko siya.


"Tahan na" naka ngiting sabi nito. Medjo nabawasan tuloy yung bigat na nararamdaman ko ng makita ko yung ngiti niya.
yung mata niya.



Tumango lang ako at tumigil na sa pagiyak. Yakap yakap niya lang ako ng dumating yung mga kaibigan ko. Ang Lokas at ang hashtags.




Dahil tanging yung Jacket at undies lang ang suot ko ay agad na pinalabas ng Lokas ang Boys

pati na din si Mccoy.

"Goshh kakalbuhin ko talaga may gawa nito!!" Sabi ni Clair na halatang bweset na bweset din.

Lahat naman siguro ay magagalit lalo na kung kaibigan mo kahit ako sino mang umapi sa Lokas ay mananagot din sa akin.

Pero ang saklap lang bakit kailangan danasin ko pa to!!


"Ako hindi lang Kalbo gagawin ko sa kaniya bibigyan ko talaga siya ng Pasa sa mukha at buong Kalamnan!jusko!!!" Segunda pa ni Sofia. At sinimulan akong tulungang tanggalin yung ilang dumi at pintura sa mukha ko.


Mabuti nalang at madaling matanggal sa tubig yung pintura kaya puro punas lang ang ginawa namin.

Kaso yung pintura sa buhok ko ay hindi pa din matanggal

"Tsk sino ba talaga may gawa nito. Grabe lumang luma na yung Prank niya ha?? Wala bang pang Mayamang Prank na maisip yun tsk!!" Asik ni Clair.


"Sorry guys naistorbo ko pa kayo?!"sabi ko ng nakayuko. Nahihiya ako sa kanila! Lalo na kay Sofia!

pati siya ay umalis sa fashion show para lang samahan ako.


"Loka loka! syempre tutulungan ka namin para san pa naging Lokas tayo diba??" Sagot ni Sofia.


"Tama!!Kaya magbihis ka na baka pasukin ka ng lamig" sabi naman ni Michelle.

"At susugurin pa natin ang kung sino mang gumawa nito!!" Dagdag pa ni Clair pero sinamaan lang siya ng tingin ni Michelle kaya nag-Peace sign naman ito .







Sa tulong ng Lokas ay maayos na nakapagpalit ako. Yung PE uniform ni Tom ang suot ko.

"Papaalam ka namin kay Mrs. Paguia sasamahan ka namin umuwi!kailangan matanggal yang pintura sa ulo mo baka magpermanent yan!!" Lumabas naman kami agad ng sabihin yun ni Clair. Naabutan lang namin yung boys sa labas kaya lang  wala na doon si Mccoy.


Saan kaya pumunta yun??

"Ok ka na Elisse??" Tanong ni Kuya Zeus and kuya Luke sa akin.

Tumango lang ako at sinabi na ok na ako.

"Salamat nga pala Tom sa pagpapahiram ng uniform mo"

"Walang anuman" ngumiti pa ito kaya kinikilig na napasigaw naman ting kaibigan ko.

"Kyahh ang cute mo talaga Mr. Harry Potter! Dapat gawin mo yan madalas!!" Sabi ni Clair habang nakahawak pa ang kamay sa mukha niya halatang kinikilig.


Ehh ang cute naman kasi talaga ni Tom eh.

"Hehe" napakamot nalang ng ulo si Tom.

Nagulat naman kami ng bigla nalang magwalk-out si Paulo.


Ngek ano namang drama non??!

"Problema non bro??!" Tanong naman ni Ryle sabay simpleng Hokage moves kay Fia!

!ahem luma-love life na mga bestfriend ko!!


"Hayaan mo yun tsk" sagot ni Clair kaya hinatid nalang kami nila Ryle at Jon sa bahay.

----------------------------

Miss ko na McLisse! Mabuti nalang nakita ko na uli si Mam sa Opening ng Cherry thank you mam sa pagsama sa akin sa Parking Lot!!

6-19-17
---------------

Im inLove with My Secretary (McLisse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon