Chapter Thirty8: Arcade x Cine

572 12 0
                                    


"Sira ka Talaga Joao haha. Ano nga palang ginagawa mo dito?? Bakit mag-isa ka??" Tanong nito. At umupo din sa tabi ko sa car race.

"Haha wala gusto ko lang mag-ubos Oras haha" sagot ko lang sa kaniya. At nag punch na uli ng card ko.

"Gusto no bang samahan ka namin?? Haha mga Pre ok lang ba??" Tanong pa nito sa mga kasama niya. Nag tulakan naman ang mga ito at nagaasaran pa

"Oo naman. Para sayo Bro! Susuportahan ka namin hehe"  sabi nong isang lalaki na long hair sabay masahe pa sa likod ni Russelle.

          Pinakilala muna ako ni Russelle sa mga kasama niya bago kami muling naglaro sa Time Zone.  Yung Pinsan na kasama ni Russelle ay si Joao mukhang playboy ito dahil sa pansin ko ay ang hilig nitong mangasar este mambola pala. Haha

    Yung Long hair naman si Tristan gaya ng iba ay mukhang palayer din ito pero hindi naman halata dahil tahimik lang ito at nangaasar lang kapag kinukulit din siya.

Si Neil naman yung pinaka tahimik sa lahat at pinakabata.

At si Ford ang pinaka-masungit sa lahat ang seryoso masyado ee.

          Nilaro ko uli yung mga nilaro ko kanina. Ayos lang din naman kasi naging mas masaya siya nong nagkaroon ako ng kasama.

"Wahhh hahaha totoo marunong ka ba talaga niyan??" Asar ko kay Ford na halos hindi  maka-shoot sa sharp shooter game. Sinimangutan naman ako nito kaya medjo natakot ako at nagtago sa likod ni Russelle.

"Haha Pre wag mong takutin tong Prinsesa natin haha"  ngek yan na naman yang Prinsesang yan anu ba talaga meron diyan bakit Prinsesa sila ng Prinsesa.

    Syempre bukod sa mukha naman akong prinsesa . Haha charing lang!!

      Hindi din naubos yung 175 pesos na laman ng TimeZone Card ko dahil sagot nila lahat.

"ELISSE tara picture tayo dito dali!!?" Tawag ni Neil sa akin at pumasok sila sa loob ng isang parang Machine na may Camera.

"Sige ba tara!!" Sabi ko at pinaupo nila ako sa gitna. Katabi ko si Joao at Russelle sa magkabilang gilid samantalang yung tatlo ay hindi alam kung paano ipapasok ang mga sarili sa Frame.

"Arghh ayoko na!" Sabi ni Ford pero hinila pa din siya ni Tristan. Sakto namang paghila sa kaniya ay pinindot na ni Joao yung camera  ako naman nakangiti nalang.

"Haha Tang*na naman yan ang Pangit ko!!" Sabi ni Tristan ng makita namin ang result. Lahat ata ng kinalabasan ay naging wacky dahil sa likot namin sa Loob.

"Sira. Natural na yan haha!" Asar ni Neil pabalik kay Tristan. Napatawa nalang tuloy ako sa asaran nila.!

       "Guys showing pa yung Rated SPG nood tayo!!" Aya ni Ford na tinuturo ang Poster nila Vice and Coco na nakadikit sa gilid ng Ticketing Booth.

"Haha anong Rated SPG! super Parental Guardians yan!" Asar ni Tristan kaya  napasimangot na naman si Ford.

Haha minsan na nga lang magsalita nabara pa.

"Arghh shut up Tris!!" Hindi na pinansin ni Ford yung sinabi ni Tristan at umalis na at pumila para bumili ng ticket.

"Sige na tara na!!" Yaya ko sa kanila at sumunod na kami sa kanila.

"Russ bili nalang kayo ng Food ni Elisse kami ng bahala dito hehe" wika ni Joao at tinulak pa kami palayo.

"Oo na bakit kailangan pang manulak ah!" Natatawang sabi ni Russelle kaya bumili nalang kami sa food court ng pagkain at Popcorn para sa lahat.

"Pasensia na sa mga baliw na yun ahh minsan lang kasi makalabas yung mga yun sa bundok haha" aniya at binayaran na yung mga pinamili namin

"Ok lang yun ang saya nga eh! Diba sila yung kagroup mo sa school??" Hindi ko pa kasi nakasama ang mga yun. Nong dating sinamahan ko siya sa activity area ay audition palang yun para sa binubuong banda ng school kaya hindi ko pa kilala kung sino ang mga nakuhang myembro ng banda. Kilala ko lang sila dahil kapag may event sa school ay sila sila ang tumutogtog.

"Oo sila nga!tara na baka naghihintay na ang mga yun!!" Ngumiti lang ako sa kaniya bago kami naglakad pabalik kung nasaan yung apat.

      "Andito na sila tara na!!" Sabi ni Neil at pumasok na kami sa loob ng sinehan.

       Halos pasyado alas 7 na ng gabi natapos yung show kaya nagsabi na ako sa kanila na uuwi na ako kahit niyaya pa nila akong kumain.

   "Hindi na guys! Kailangan ko nang umuwe e salamat!!" Paalam ko sa kanila.

Dahil sa nilagay ko lahat ng Pera ko sa timezone card ay naubusan na ako ng pamasahe. Mabuti nalang at niyaya ako ni Russelle na ihatid.

"Salamat nga pala sa Araw na toh!! Hehe ito oh?!" Inabot ko sa kaniya ang tatlo sa picture na nakuha namin kanina. Anim kasi yun kaya hinati ko nalang.

"Wala yun ano ka ba!! Paano sa lunes nalang?? May practice pa tayo diba?? Hehe"

Nagpaalam lang ako agad ng makarating kami sa tapat ng Condo building.

"Maraming salamat uli. Dahil sayo nabawasan ang problema ko hehe" sabi ko at niyakap pa siya para malaman niyang sincere ako sa sinasabi ko.

"Dapat pala lagi kitang pinapasaya. Nakakayakap ako e haha"

"Pervert! Pero salamat talaga! Sige na Bye na kailangan ko na pumasok!!" Nauna na akong naglakad at paakyat na sa Pad ko.

Habang nasa elevator ako ay ramdam ko ang kaba. Hindi ko alam kung bakit.? Pero siguro dahil aa naiisip ko na pag akyat ko ay nandoon si Ser Marc sa kwarto ko at baka pagalitan ako sa hindi ko pagpasok ng buong hapon.

     O dahil hindi man lang ako nagpaalam na aalis ako. Kung ano man yun hayaan mo siya. Masama ang loob ko kaya wag siyang ano. Haha charing lang! Sa sobrang kaba ko kung ano ano na iniisip ko

Woohhhh kalma ka nga Elisse wag kang magisip ng kung ano-ano!!!?



      Pero taliwas sa inaasahan ko ang nangyari dahil walang Ser Marc o Mccoy ang nakita ko kundi ang dalawang magkarelasyon na naghahalikan sa tapat ng pinto.

Hoohh bakit nga ba umasa pa kasi ako sa salitang Mahal na yan!!


------------------------

Im inLove with My Secretary (McLisse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon