Chapter Fourteen: Truth

833 26 1
                                    


Fast Forward

   Halos isang buwan na akong nandito at nagtatrabaho sa Amo kong may tupak sa utak. Adik yata to e.

Minsan minsan kasi ang bait niya. Pero madalas din ay masungit siya at parang hindi ako kilala.

      Nakakaasar nga kapag nag jojoke time kami bigla nalang matitigil kapag madami na ding tao.

Habang andito ako madami akong napansin sa kaniya. Oo sobrang happy go Lucky niya. Lalo na kapag nagkaka sagutan sila ng lolo niya.

      At si Mrs. Nieves siya talaga ang dahilan kung bakit laging umaalis si boss ee Feeling amo. Na hanggang dito sa condominium ay naroon siya. Madalas din siya sa Pad ni Mr. Clint

     Kung echusera ako iisipin ko talaga na may something Ewey! Este fishy sa kanila.

Pero hindi naman kaya hayaan nalang hehe.

"Elisse dalian mo na susundan mo pa amo mo diba??" Sabi ni Mike sa akin.

     Andito kasi kami ngayon sa resto sa baba ng hotel. At opo wala akong ginagawa ngayon dahil wala na naman ang pasaway kong amo. Pinagalitan na din ako kanina ni Mr. Clint dahil hindi niya nakita si Ser Marc kaya ito ako ngayon. Stalker mode muna. Chaklap

"Hoy amo mo din yun. Ako lang?!" pasaway naman kasi ang isang yun e. Mamaya uuwe na namang lasing . Mabuti nalang anjan na lagi si kuya Albert kaya naasikaso siya e pano kung wala??

     Baka magahasa ko na siya. Ayy haha joke. Ang yummy kasi ng amo ko e.awtsu change topic .

"Oo na daliaan mo. Yun na si Kuya Albert oh baka magsusundo na yun" sakto nga at palabas na si Kuya.

       "Sige na babush!!" Kinuha ko lang ang gamit ko at sumunod na kay kuya Albert. Dala niya ang ilang gamit ni Ser na naiwan kanina.

  Habang sinusundan ko si kuya ay iniisip ko na kung  Magtataxi ba ako?? Wala akong pamasahe na kay amo pa yung pera ko. Huhu

"Hello kuya!!" Sabi ko at nilapitan si kuya Albert na bubuksan palang yung kotse niya. Mabuti naabutan ko kahit maiksi lang biyas ko !!

    "Ohh  Elisse anong gingawa mo dito akala ko nakauwe ka na??"

"Haha akala mo lang po yun kuya. Saan po ba kayo pupunta?? Kay among tunay po ba ?? PWedeng sumama??" Yhup dahil wala naman akong pamasahe sasabay nalang ako kay kuya.

      Haha diba ang witty ko. Dito di ko na kailangan mag stalk. Malalaman ko pa agad dito kung saan na ba yung amo ko. Diba. Brainy brainy!! Hihi

"Haha ayos lang naman!tara na baka saan gabihin tayo!!"   Sumakay naman ako sa kabilang seats.

        Nagsimula ng paandarin ni kuya Albert yung kotse. Kasabay nito ay nagkwento na din siya.

"Alam mo hija. Kaw ang pinaka matagal na naging Secretary ni Mccoy. " simula nito sa kwento.

"Talaga po?? Eh halos isang buwan palang po ako dito ahh" Pakiramdam ko nga tatlo o dalawang linggo palang ako dito..

     "Oo.. madalas kase ay wala pang isang araw ay napapaalis agad sila. Pero alam mo mabait naman talaga si Marc e" sabi ni kuya Albert na napapatingin pa sa akin.

"Talaga kuya?? Parang di naman? May Saltik o Baliw pwede pa haha"  sabi ko pero mahina lang yung last syempre baka marinig ako nito. I chika pa ako.!!hehe

"Mabuti pa nga at sumama ka sa akin Hija....kapag nakita mo siya ngayon. Baka magbago lahat ng nasa isip mo" naka ngiti pang sabi nito.

     Hindi ko alam pero parang lumakas ang tibok ng puso ko dahil don.

Naku !! Jusko wag mong sabihin!!

May gusto na ako.

Kay

Kuya Albert!!

Haha !! Chos!!! iba na this!!!

-------------

At dahil nga sa mabilis na tibok ng puso ko di ko nalang namalayan na andito na pala kami sa lugar.

   Teka?? Asaan nga ba kami?? Parang hindi naman isang Classy Bar itong pupuntahan namin??

Tsaka wala ding makukulay na ilaw sa paligid.

"Kuya dito po ba talaga tayo pupunta??" Tanong ko kay kuya ng magsimula kaming maglakad papasok sa isang eskinita.

Teka hindi kaya. May balak tong masama sa akin si kuya?? Jusko.

Pero argghh naliwanag pa ..tsaka madaming tao.?? Huhu ano ba naman tong iniisip ko.!!

      "Ee kuya san niyo po ako dadalhin??" Naka lagpas na kami sa isa pang eskinita. Pero hindi pandin nagsasalita si kuya Albert. Wala siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti ng ngumiti .

      Piling ko mamaya .mapupunit na ang bibig nito kakangiti . Scary na ahh.

"Relax hija malapit na tau!" kaya ayon nagrelax nga ako.

          Hindi kaya sa hideout kami pupunta?? Baka isa na si Ser Marc sa kalaban ni Cardo?? Baka tauhan na din siya ni Ser Thomas?? Naku!! Ayaw ko pang makulong sa bilibid.

"Kuya....... " "andito na tayo hija" sabi ni Kuya ng makarating kami sa isang maliit na bahay.

         Naabutan namin ang isang babae na mga nasa 35 siguro ang Edad. Agad naman itong kinausap ni kuya Albert. At ako Nakita ko na natutulog si Ser Marc sa isang papag.

     "Hi Elisse ako nga pala Si Ate Shie, " sabi ng babae at inabot pa sa akin ang kamay.

"Ahh hello po" dahil medjo nagtataka ay Speechless pa din ako.kaya pinaliwanag naman nila sa akin ang lahat.

    "Kung ganon kayo po ang nanay ni Ser Marc??"

"Oo,pero hindi ako ang nagluwal sa kaniya, bale parang Dyosang Guardian niya lang ako hehe" sabi pa ni ate Shie...

       Napasilip naman ako kay Ser na tulog pa din at nakahiga lang sa kama. So dito pala siya pumupunta palagi.??

         "Hehe bagay naman po sa iniyo ang dyosa!" Maganda naman kasi talaga si Ate Shie. Wala yung duda.

      "By the way kumain ka na ba?? Gusto mo bang turon??" Alok sa akin ni Ate. Ayaw niya kasing papatawag na tita kaya Ate lang.

"Sige po salamat!"hyper na sabi ko. Wohhh nagutom ako sa kwentuhan namin. Kaya nyamm ang sarap non.

           Maya maya pa ay umalis muna si Ate Shie kaya naiwan nalang ako dito.

    Nilapitan ko si Ser at pinag masdan.

       Mukhang ang sarap ng tulog nya ngayon,Para walang problema.

At yung labi niya ang pula! At para bang nakangiti siya !? Hindi kaya nanaginip pa ito??

         Sana ako ang nasa panaginip niya.!!!

Ay teka mali pala! Argh anu daw Elisse!!

               May nakita akong dumi sa gilid niya kaya balak ko sanang damputin ito. Pero wrong move.

"Hindi mo na ba mapigil at gusto mo na talagang halikan ako??" Naka ngising sabi nito at kinindatan pa ako.

    Agad naman akong napalayo, kaya ayon sapol ung pwet ko sa lamesita sa tabi.

Argh bakit ba andito toh!!

"Hoy hindi ahh.. kapal nito...
Ano...  anooo.. kinukuha ko lang yung dumi Dyan!dyan sa Gilid mo!!" Shete!! Bakit ba ako nauutal.

     "Ok ano nga palang ginagawa mo dito?? At pano mo nalaman na andito ako??" Umayos ako ng upo. Inupuan ko na yung Lamesita tutal naman andito na din siya.

"Pumunta ako dito kasi hinahanap ka na ng Lolo mo at si Kuya Albert. Sumabay ako sa kaniya" nakangiti pa din ito sa akin kaya hindi ko maiwasang mag iwas ng tingin.

"Hahah akala ko namiss mo ako eh....

Kasi ako.

Na MISS KITA "

-----------------

Im inLove with My Secretary (McLisse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon