Maaga akong nagising kinabukasan naabutan ko nalang na nasa loob na ak.o ng kwarto ko and naka pagpalit na din ako ng damit??? Ehhh nagpalit?? Teka sino naman kayang nagpalit ng damit ko? Gosh hindi kaya si kuya A. Chos
Tumayo nalang ako at ginawa ang morning ritual ko ! Medjo tinatamad pa ako pumasok sa trabaho kaya nagbabad nalang ako sa bath tub at inisip ang nangyari kagabi?? Naalala ko lang kasi ay nakatulog ako pagkatapos nong kissing scene kagabi?? Oo nga pala kaya nga pala ako bumalik sa kotse ay dahil sa kissing scene na iyon! Hay!!!
Nang muling bumalik sa isip ko yun ay binabad ko nalang ang sarili ko sa bath tub para mabura lahat ng bad thoughts!
Saktong pagkalubog ko ay ang ang malakas na pagkatok mula sa labas ng kwarto ko.
"Wait naman po!!" Sigaw ko pero sobrang lakas pa din at parang hindi ako narinig mula sa labas kaya kahit may sabon pa ako sa katawan at mukha ay sinuot ko nalang ang bath robe ko at lumabas ng Cr.
"Kani......" nagulat ako paglabas ko ng Cr ay nandoon si Ser Marc na nakaupo sa higaan ko habang tumitingin sa kabuoan ng kwarto ko.
Narinig niya siguro ang tunog ng paglabas ko ng banyo kaya humarap siya. Kaso Men!! Bad timing!!
"Ahh ehh Ser ano pong ginagawa niyo dito??"
Tanong ko pero hindi ito kumimibo at nakatingin lang sa akin. Lalo na sa..
Dibdib na bahagi.
"Ohh my!" Bigla kong natakip yung kamay ko sa dibdib ko ng makita na hindi pala maayos na nalagay ang robe sa katawan ko. Deym!!
"Ahm ill wait for you outside!!" Sabi lang nito at dali daling lumabas ng kwarto!!
Ako rin ay mabilis na tinapos ang pagligo ko at nagbihis ng uniform para sa araw na to. Hindi ko naman problema ang damit dahil binigyan ako ng isang linggong Uniform. Ang problema ko ngayon ay kung paanong haharapin si Ser Marc paglabas ko ng kwartong ito! Naman kasi eh!!
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na kagad ako sa kwarto at pinuntahan ang amo ko na nasa kusina na at nagsisimulang kumain. Tsk ang kapal talaga ng mukha nito ohh.
Lumapit ako sa kaniya pero hindi niya napansin kaya nagulat pa ito ng magsalita ako "Hoy Ser tiran mo naman ako. Inuubos mo pagkain ko ee" sabi ko ng tumabi ako dito.
Para namang nabubulunan siya ng lumapit ako kaya binigyan ko siya ng tubig. Yan kase katakawan.
"Thanks" sabi nito at napatingin pa sa akin pati na din sa
Dibdib ko.
Napatakip naman ako ng katawan kahit pa meron naman akong damit.
"Sensia na ! Pero ehem wala naman akong nakita " sabi nito at namumula mula pa ang mukha.
Medjo napakunot yung noo ko doon sa sinabi niya.
Di ko alam kung double meaning ba yun o ako lang nagiisip ng iba haha.
You know?? Yung tipong wala siyang makita kasi wala naman talaga , feeling ko yun yung iniisip niya.hays walang magagawa FLAT E!!
Pero mukhang iniisip ko lang naman yun
Kasi yung tingin niya naman ay hindi tingin ng mga manyak sa kalsada ,yung Tingin na mula ulo hanggang paa tapos may kagat labi pa... kaya parang wala lang naman sa akin.
"Ayos lang Ser. Basta next time po dito nalang kayo sa labas maghintay!!" Sabi ko at kumain na din . Mabuti nalang talaga sanay na ako dito kay Ser pag dating sa pagkain. Lagi ko na siyang kasabay e. Madalas din kaming magluto kapag may oras.
"Oo nga pala Elisse. Samahan mo ako mamaya"
"Sige po san po ba tayo??" Di ba napakawalang kwenta kong secretary! haha di ko man lang alam lakad ng amo ko. Yung tipong dapat alam ko bawat meeting at bawat lakad niya pero ito ako. Ako pa ang nagtatanong ng schedule sa amo ko haha!!
"Basta samahan mo nalang ako.tsk daming tanong!" Nagiba ang mood niya pagkatapos niyang sabihin yun.
Pero ayos lang sanay naman nako.
Nagkukwentuhan lang kami ng mga bagay bagay ng maalala ko yung kagabi
"Ahm Ser Jowa niyo ba yung Sam!?? Sweet niyo eh"ainabayan ko ba ng akward na tawa yung tanong ko. Mabilis namang nagbago ang mood nito at pabalibag na binagsak ang kutsara at tinidor na hawak niya at tumayo.
"Wait Ser!!?saan po..." hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil tuluyan ng umalis ito.
Pagkatapos kong ligpitin ang pinagkainan ay sumunod na din ako kay Ser dumaan muna kami sa office niya.
At hanggang dito wala pa din siya sa mood.
"Miss Joson dalian mo na tapusin mo na yang paper na yan at kailangan bukas maipasa na yan sa accounting department!" Utos lang nito sa akin at ginawa ko na din agad.
hindi na ako sanay na sobrang sunget niya sa akin. Sa Loob ng isang buwan ko dito ay ito yung pinaka malalang PMS niya.
Dahil sa taranta ko sa mga sunod sunod na utos niya,nagkakamali -mali na ako.
"Ano ba Elisse sabi ko kailangan ko yung contract Paper natin with Mr. Kim at hindi ito " galit na hinagis niya sa akin ang mga papel.
Pinulot ko naman ito at binigay sa kaniya ang kailangan niya.
Pagkatapos niyang gawin yun ay bigla nalang siyang lumabas!
Ano bang problema non?? Parang kanina lang ang ayos pa ng mood niya. Hay ewan.
Bakit ba kasi natanong mo pa yun Elisse?? Baka naisip niya na Feeling ka na masyado !! Off limit ka naman na kasi ee argh!!!
Niligpit ko lang yung mga naging kalat namin bago ako sumunod sa kaniya sa labas.
-------
"Hello Elisse!!" Bati sa akin ni Mike ng maabutan ko siya dito sa baba. Kakahanap ko kay Bossing ay dito na ako nakarating sa resto kung saan naka pwesto si Mike.
"Hello Mike! Kumusta?? nakita mo ba si Ser Marc??" Tanong ko at palinga -linga pa din sa paligid baka anjan lang si Ser e.
"Hindi ee." Saglit na kinamusta ko na din ang tungkol sa kasal nila ni Chacha bago ako magpaalam.!
"Oo nga pala may tumawag kay Cha kahapon kaklase mo . Wag mo daw kalimutan enrollan niyo na bukas!!" Hala oo nga pala??!! Shocks muntik ko na makalimutan.
Pero paktay na?! Pano nga pala ako makaka paalam nito kay Ser. Mukha pa man ding bad mood siya
"Muntik ko ng makalimutan. Sge salamat Mike ! Una na ako hahanapin ko pa si Ser!!" Tumakbo na ako agad sa kung saan saan para lang makita si Bossing !!
Kaso wala.huhu pano na to bukas??
Papayag naman siguro yun??
--------
BINABASA MO ANG
Im inLove with My Secretary (McLisse)
Teen FictionMcLisse Supporter McLisse Shipper and a McLisse Warrior 😆💂💂 Follow me on TWITTER: Itsmechachamii INSTAGRAM: ChamiiXMclisse Personal: ItsmeSarahMii