Dedicated to @MaCanada for messaging me on IG ! Thank you
---------
"Ready ka na ba?" Tanong ni Mccoy sa akin. Kinakabahan ako at natatakot??
"OO ready na ako" pagkatapos ay hinila na ako ni Mccoy.
Wait bago kayo magisip ng kung ano-ano ay wala po kaming ginagawang milagro ni Mccoy.
Andito kasi kami ngayon sa tapat ng clubhouse nila Mccoy ! Kinakabahan ako dahil huhu nasa loob lang naman po yung mga Feeling magulang ko!! Sila Michelle,Sofia at Clair!!
Malamang kung ano-anong sermon na naman ang aabutin ko nito.
"Wag ka matakot! Wala naman tayong ginawang masama!" Sabi ni Mccoy at hinawakan ang Kamay ko. Ngumiti lang ito kaya ngumiti nalang din ako.
Hawak kamay naming binuksan ang pinto. At gaya ng inaasahan ay bumungad sa amin yung tatlo ! At ang Hashtags.
Nakasimangot yung tatlo habang ang laki ng Ngiti ng hashtags.
"Woohhh andito na si Lover Boy!!" Sabi ni Jimboy sabay hagis ng confetti ! Pati si Ryle , Paulo at ang iba ay kaniya-kaniyang bato din ng Confetti. Pero yung tatlo?? Huhu ang sama lang ng tingin nila sa akin.
"Hehe Hi guys!!" Kaway ko pa dito. Agad naman nila akong hinila sa sulok. Pumipigil pa nga si Mccoy pero walang nagawa dahil hinila na din siya ng tatlo. Si Nikko,Ryle at Paulo.
"Now speak!!" Taas kilay na tanong ni Fia sa akin.
"Ahh ano ba yung sasabihin ko??" Tanong ko pabalik kay Fia!!
"Magsasalita ka o kakalbuhin kita dito mismo??" Banta naman ni Clair. Huhu ang brutal naman nito.
"Wag naman. Ano lang naman nagbakasyon lang naman kami??! Oo yun nga bakasyon lang?!" Ilang na sagot ko.
" walang Junior??"Clair
"Walang laman yan??" Tanong din ni Sofia.
"Walang sperm and Egg ......." hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Michelle! Ok I get It!!
"Ano ba Guys!! Jusko inosente ako Diyan sa mga sinasabi niyo?? Anong junior?? At anong walang laman?? Malamang wala. Wala namang nangyari ! " sabi ko sabay Pout pa. Jusko ang dudumi ng isip ng mga kaibigan ko?? Kaya ba ganyan yung mukha nila?? Mukha silang papatay ng Tao! Oras na malaman nila na ahhh buntis ako??? Haha
"Siguraduhin mo lang!!" Sabi ni Clair at umalis na at kumuha pa ng Juice pagkatapos ay bumalik din agad. May dala pang chips??
"Kwento? Anong ginawa niyo sa batangas?? At bakit tatlong araw kayo nawala??" Unang tanong ni Sofia.
"Nagbeach lang kami at nag-island hopping yun lang" sagot ko sa tanong nito.
"Sinong kasama niyo??"-Mich
"Anong oras kayo umuuwe??"-Clair
"Magkatabi ba kayong matulog??-Sofia
Medjo natatawa naman ako dahil sa salitan nilang tanong sa akin.
Hindi ko lang mailabas dahil baka ano mang oras ay sabunutan nila ako.
" ohh girls siguro naman ayos na kayo sa intorrogation niyo?? Pwede bang kumain na muna tayo??" Biglang sumulpot si Kuya Luke at Kuya Zeus sa tapat namin ! Yess Save by this Two!!
---------------
Halos dalawang araw na ang nakalipas at ito na ang araw ng fashion show. Naghahanda lang kami sa backstage busy ang lahat na nagpapabalik balik para kumuha ng kung ano-ano.
Dahil sa ilang araw akong nawala ay madami akong balitang hindi alam. Gaya ng mga bigatin pala ang mga Audience namin.
"Bebs kinakabahan ako!!" Sabi ko kay Sofia sabay hawak sa kamay niya. Pinicturan naman kami ni Mich at Clair pagkatapos ay inayusan uli.
Nang magsisimula na ang show ay nagdasal lang kami.
"Go mga Bebs!! Kaya niyo yan! Tandaan niyo May Lokas lang na nakasubaybay sa iniyo!!" Sabi ni Clair sabay cheer pa. Medjo nawala naman ang kaba ko dahil sa ginawa ni Clair.
"Ok prepare na ang lahat ng Models!!in 3!2!1! " sabi ng baklang President namin.
Kaya nakangiting lumabas at rumampa kami sa stage. Unang lumabas ang mga babae sunod ang lalaki
Kailangan namin magpalit ng dress para sa sunod na Rampa.
"Yay ang ganda talaga natin bebs!!" Sabi ni Sofia habang suot niya ang Blue dress na gawa mismo nong dalawa!
"Superr bebs ang cute ng Yellow dress ko!!" Sabi ko at umikot-ikot pa.
Natapos na rumampa ang boys wearing their formal suits kaya kami naman ang sumunod na mga babae.
Agad din naman kaming nagpalit para sa rampa ng Partners suot ang national custome na siyang galing sa wardrobe.
Yun ay ilan sa mga designs ni Mrs. Curtis kaya excited akong masuot yun.
"Bagay sayo yung custome mo!!" Sabi ni Russelle ng makita niya na akong suot ang Filipiñana.
"Salamat" simpleng sagot ko dahil alam kong anjan lang si Mccoy at ilang beses na ba niyang nasabi sa akin na nagseselos siya kay Russelle kaya haha kailangan dumistansiya!!.
Ok na sana ang lahat. Ng habang rumarampa kami ni Russelle ay bigla nalang mahubad ang suot kong dress at tanging bra and panty lang ang natira.
"Woohhh" kasunod na sigaw ng mga tao ay ang mabilis na paglaglag ng balde ng pintura sa ulo ko!!
"Sheyt Elisse" sabi ni Russelle at akmang tatakpan ang katawan ko.
Pero naunahan na siya ni....
"Mccoy"
:(((((( T.....T
-------------------
Keep Loving Mccoy and Elisse.
And please Vote na din po kayo!!
Spread and share!!
Love you all Fam!!
--------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/89712293-288-k527422.jpg)
BINABASA MO ANG
Im inLove with My Secretary (McLisse)
Teen FictionMcLisse Supporter McLisse Shipper and a McLisse Warrior 😆💂💂 Follow me on TWITTER: Itsmechachamii INSTAGRAM: ChamiiXMclisse Personal: ItsmeSarahMii