chapter Twelve: Close!?

827 30 0
                                    

Twelve

     Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng noodles at tuyu para sa Almusal, yun lang kasi ang murang nabili ko kahapon kaya ito na ang kakainin ko ngaun.

     "Hmm ang bango talaga" inaamoy amoy ko pa ito bago i serve sa maliit na mangkok.

Sarap na sarap lang ako sa pagkain ng bigla nalang pumasok yung bweset na amo ko.

     Bweset di pa din ako maka move on sa nangyari kagabi ha. Mabuti nalang at may dumating na Body guard ni Mr. Clint kagabi sa Unit niya para i check siya. Kaya ayun kay kuyang BG ko na pinagawa yun . pinalipat ko na din siya sa Kwarto niya.

      Sa liit ko ba naman kasing ito hindi ko kayang buhatin noh. Oo maliit siya pero lalaki pa din siya kaya mabigat pa din.

"Good morning . Ano yang kinakain mo??" Tanong nito at lumapit sa tabi ko.

    Naka ayos na siya ngayon. mukhang wala na itong hangover at nakaligo na din. Amoy fresh na din siya Hmm..... ayy anu ba yan Elisse bakit may kasamang pag-amoy!

"Ahmm noodles lang po at tuyo Ser gusto niyo po ba kumain??" Nakita ko na napakunot ang noo nito.

     "Ayy oo nga pala di pala kayo kumakain nito. Pasensia na Ser" mayaman nga pala ang isang to baka hindi niya pa alam kung paano ang kumain nito. Pagkaing pang mahirap to e. Kahit may ilang mayaman na kumakain nito mas madami pa din ang maarte sa pinipili nitong pagkain

"Ayos lang. Tsk yan lang ba ang kakainin mo?? Mahaba ang araw natin baka magutom ka na naman agad niyan !" Sungit mode na naman siya.

"Hindi po Ser ayos na po ako. Ano po palang ginagawa niyo dito??" Maaga pa naman hindi pa oras ng trabaho kaya bakit ang aga naman nito??

" tsk sabi ko nga mahaba pa ang araw . Bakit di ka pa kumikilos malelate na tayo!" Singhal nito bago tuluyang umalis.

Ayy biglang change mode.

"Ayy sge po Ser kikilos na po" sabi ko at inubos yung laman ng Bowl ko .hinigop ko na para mabilis.

"Tsk" naupo naman siya sa tapat ng Tv ko at nanood ng Cartoons. Nge mahilig din pala to siya sa ganyan??

    Iniwan ko nalang siya at nagsimula na maligo at magbihis "ayos na siguro to" tinignan ko ang sarili ko sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Ser??" Pag labas ko ng kwarto ay di ko naabutan si Ser Marc doon kaya naisip ko na baka umuwe na yun sa Pad niya.

"Teka ano yun??" May naamoy ako ehh hmm hmm *singhot* teka amoy noodles??

Pinuntahan ko ying kitchen ko at doon naabutan ko si Mr. De Leon na kumakain ng noodles.

"Ehhh Ser????" "Ohh Ser. Bakit di niyo sinabi na gusto niyo pala nito. Di sana pinagluto ko pa kayo??" Sabi ko habang nakatingin kay Ser na parang isang criminal na caught on act sa tabi. Napatikhim ito bago muling nagsalita.

     "Tsk marunong akong magluto" matigas pa ding sabi nito. Napatingin ako sa mukha nito at binigyan ng nakakalokong ngiti. Hmm
hindi halata sa kinikilos nito haha sobrang pula na ng mukha niya at parang kahit anu mang oras at gusto nalang nito lumubog sa lupa ngayon.

"Ser talaga. Gusto niyo pa po ba. Madami naman akong nabili e lutuan pa kita??" Hindi ko alam pero bigla nalang nagbago ang mukha nito. Parang isang bata na sabik sa yakap. Parang ganun.

"Sige salamat" sabi nito sabay ngumiti. Teka??

"Ehh Ser?? Ngumiti ka?? Nakita ko ngumiti ka!!" Lumapit pa ako dito para makita ng husto kung ngumiti ba talaga siya. "Ayehh si Ser nagsmile na"

"Tumigil ka nga. Masama na ba ngumiti ngaun??" Hindi naman pero kung sa kaniya galing ?? Nakakapanibago!! Sa halos isang linggo ko dito ay walang ibang ginawa ito kundi ang sumimangot!,magsungit at magalit sa lahat hindi lang sa akin kundi sa mga simpleng empleyado din ng hotel.

"Haha di naman Ser nakaka panibago lang." Sabi ko pa habang sinasalang yung noodles sa Pan.

"tsk" balik sungit mode na naman ito kaya hinintay nalang namin na matapos ang niluluto bago kumain uli ng tahimik.

    Habang kumakain ay hindi ko maiwasan na tignan ito. kung titignan mo ito maigi hindi makikita dito ang isang masungit at mayabang na Marc Carlos De Leon,

"Pasensia na" nagulat ako ng marinig ko yun mula sa kaniya. Teka si Ser Marc ba talaga to??

"Ehh Anu po yun Ser??" Baka nabibingi lang ako.

"Sabi ko sensia na at salamat nga pala kagabi inalagaan mo daw ako sabi ni Kuya Albert" nakayukong sabi nito.

Di ko alam pero parang bigla nalang kumabog ng malakas yung dibdib ko.

"Ahh ee wala po yun. Trabaho ko din po yun"

"Anyway Mccoy nga pala!!" Inabot niya  pa sa akin ang kamay niya.

"Ehh Elisse?????" Patanong na sagot ko. Habang inaabot ko din yung kamay ko.Medjo lutang pa kasi ako sa nangyayari. Teka pede ba may mag explain??

"Salamat uli sa kagabi at di mo pinagsamantalahan ang magandang lalaking ito. " natatawang sabi nito. Teka sure bang si Ser Marc talaga to?? Nanaginip ata ako.??

"Ahm di naman po kayo medjo mahangin niyan noh??" Natawa pa ito lalo

"I know nagtataka ka. Pero hindi naman talaga ako masungit act ko lang yun" sabi nito ag sinubo ang noodles na nasa spoon niya.

"Act??" Kinuwento niya naman sa akin ang lahat.

      Sabi niya ay panggap lng daw ang pagiging masungit niya. Dahil gusto niya lang bwesetin ang lolo niya. At sa akin  ay dahil baka daw gaya din sako ng iba na puro landi lang ang alam.

    "Ser asa naman kayo haha di kayo type ko noh.!" Balik asar ko pa sa kaniya. kapal nito ohh daig pa yung dingding ng condo sa sobrang kapal.

"Kapal mo din . Aba sa gwapo kong to bato nalang ang di magkakagusto" yabang pa nito at sinubo muli yung noodles.

"Ser malala na yan haha" tawa pa ako ng tawa sa kaniya.

"Na miss ko din talaga tong ganitong pagkain. Nakakadiri kasi pinapakain dito. Minsan hindj pa luto. Lalo na yung pusit. Kadiri" reklamo niya na kinatawa ko. Haha parehas pala kami ng isang to.

"Totoo Ser. kahapon tom jones na tom jones na ako. Pero di ako makakain don sa resto na pinanutahan niyo.!" Sayang talaga yung binabayad sa ganung pagkain. Dapat di sila nagtatayo ng ganong resto e.

Malamang  di kumita yun!!

"Kaya nga e. Dalian mo na masiyado ka ng naging komportable alas onse na kailangan na nating pumasok!!" nahiya naman ako kaya mabilis na nagsorry ako at niligpit yung kinainan namin! Arggh baliw talaga Elisse Amo mo yan noh kala mo Dyan tropa?! Haha


Im inLove with My Secretary (McLisse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon