"Seryoso kayo guys ito talaga ang susuotin namin?? Yay ang ganda naman nito!!" Manghang sabi ko ng makita ko ang mga damit namin na nasa isang maleta.
"Oo beb kaya nga galingan mo eh kasi pinaghirapan namin yan haha!" Sinukat ko naman yung isang gray na damit at umikot -ikot pa ganon din ang ginawa ni Sofia kinuha niya din ang Pulang damit at nagselfie-selfie na kami.
Yay ang galing talaga ng mga best friend ko!kaya bagay na bagay sa kanila ang maging isang fashion designer e hehe
"Ok Lokas!! Since handa na ang gamit ni Elisse at Sofia para sa Gaganaping fashion show?! Kailangan na nating .......mag-shopping!!" Masiglang sigaw ni Clair habang hila yung dalawa.
Tapos na kasi ang klase dahil nagkaroon ng meeting ang skwelahan kaya nagpasya nalang muna kami na magmall na muna. Gusto din kasi kaming bilhan ni Clair ng bagong Lipstick at Powder na gagamitin. Since hindi sila kasamang dalawa ni Mich sa fashion show ay busy nalang ang mga ito sa pagtulong sa amin ni Sofia kahit na nga nakakahiya pa sa dalawa
"Wow naman aalis pala kayo ni hindi ka man lang nagpaalam" mula sa di kalayuan ay nakita ng Lokas si Marc kasama ang grupo nito. Parang artista itong nakagrupo kasama ang mga kaibigan niya
Pasimpleng tinignan ng masama ni Michelle si Mccoy. Si Michelle yung tipo ng taong hindi magsasalita pero makikita mo sa kung paano siya tumingin ang galit at inis nito sa binata.
"Hoy Marc sumusobra ka na ha!!" Puna ni Sofia kay Mccoy. Muli na namang naalala tuloy ng kaibigan ni Elisse ang napagusapan nila bago ang araw ng pag amin ni Mccoy kay Elisse.
Flashback
"Guys please kailangan ko ang tulong niyo" nakaluhod si Mccoy sa tapat ng grupo niya at ng grupo ni Elisse n busy nakatambay sa tambayan ng hashtags. Pinatawag lang ni Mccoy ang tatlo para kausapin sa balak niya.
"Ayoko nga baka saktan mo lang si Elisse hmm" pagsu-sungit ni Clair.
"Hoy Clair pabebe ka talaga. Hindi naman kaw ang susuyuin! yung kaibigan mo!!" Reklamo din ni Paulo mula sa likod.
"CHE!!!" sigaw ni Clair dito. Pinatigil naman ni Mccoy ang kaibigan at patuloy na kinulit ang tatlo. Hanggang sa huli ay napapayag na lang din ito.
"Siguraduhin mo lang na di siya masasaktan kung hindi kami talaga makakalaban mo!" Banta ni Sofia.
"Kaw My Labs kailan mo ako sasagutin??"Ryle
"Ee kaw Ryle hanggang kailan mo ako tatakutin??" Sofia.
"Sus kunyari ka pa! Mahal mo naman!" Asar pa ni Ryle dito.
"Sus kunyari ka pa. I malapit ka na matokhang!!" Sagot pa din ni Sofia. Bago pa man magkagulo ang dalawa ay nilabas na ni Mich ang mga ito
End of flashback
"Tara na nga Elisse hayaan mo yang amo mo!! And please lang Mccoy wag mo ng panakot sa kaniya ang trabaho!1" hila pa din ni Clair ang mga kaibigan. Sa kanilang apat ay ito talaga ang higit na malakas ang loob. Lalo na kung para sa mga kaibigan.
"Uuwi nalang po ako pagtapos Ser!" Paalam ni Elisse kaya nauna na silang umalis.
Naiwan naman ang hashtags na grupo ni Mccoy. "Hayaan mo na Tol! Pinapakawalan mo na nga siya diba??" Sabi ni Zeus sabay tapik sa likod ni Mccoy.
"Tsk" badtrip na umalis din si Mccoy at iniwan ang kaibigan. Gustong puntahan ni Mccoy ang kaniyang Lolo upang ipaalam ang gusto niya. At ang gusto niya ay wag maikasal si Sam sa kaniya.
Dala ang kaniyang motor ay pumunta si Mccoy sa Pad ng kaniyang Lolo pero ang naabutan niya doon ay ang Pamilya ni Sam at si Sam.
"Oh hi Babe!! Mabuti umuwi ka na!! Hihi come here may sasabihin kami sayo!!" tawag ni Sam sabay Embrace sa kamay ni Mccoy.
BINABASA MO ANG
Im inLove with My Secretary (McLisse)
Teen FictionMcLisse Supporter McLisse Shipper and a McLisse Warrior 😆💂💂 Follow me on TWITTER: Itsmechachamii INSTAGRAM: ChamiiXMclisse Personal: ItsmeSarahMii