Elisse Pov
Pagkahatid sa akin ni Russelle sa Hotel ay nagpaalam na ako hapon palang naman kaya kahit papano ay makaka-pag trabaho pa ako.
Dumaan lang ako sa HR at kinuha ang mga kailangan ni Ser Marc. Hindi ko siya naabutan sa Office at tanging yung sulat lang ng mga dapat kong gawin ang nandon.
Nasa tapat lang ako ng Xerox Machine buong hapon hanggang sa umuwe ako, ni saglit ay hindi ko nakita si Ser doon hay hayaan mo siya ginusto niya yun diba.
Kinabukasan ay dumaan lang uli ako kela Russelle para sa Practice at gaya ng hapon na yun ay listahan lang ng mga gagawin ko ang nandon sa office niya.
Lunes ngayon at ngayon ang araw ng cook fest nila Russelle.
"Galingan mo Russelle para sa mga Prinaktis natin kung nag-Practice nga ba talaga tayo!!" Puro laro lang ang ginawa namin don kasama ang banda niya eh haha.
"Haha oo naman gagalingan ko to syempre! Kasama ko kaya yung inspirasyon ko!!" Sabi nito with matching kindat pa!!
Nilamukos ko lang ang mukha nito. Pasaway kasi ee
Pumunta na si Russelle kasama nong ibang HRM students at nagsimula ng magluto.
Kailangan pa kasi nila maghanda ng tig limang pagkain para sa cook fest na ito.
And as a partner hindi lang taga-tikim ang role ko.
Kami din ang magaalok nito sa mga customer at kung sino ang maka-pagpaubos ay siya ang mananalo.
Kaya challenging para sa akin to dahil ako ang magaalok huhu.
"Hoy bruha ang saya mo ha!!" Tanong ni Clair sa akin kakatapos ko lang kasi kausapin ang Grupo ni Russelle kaya malamang puro na naman ako tawa.
"Uyy hi guys!!"sabi ko sa kanila. Naging busy kasi ako sa cook fest practice namin nila Russelle kaya bihira ko nalang sila makita.
"Tsk kaw porket ang dami mong Fafa kinakalimutan mo na kami ahh!!" Sabi ni Clair at sumimangot pa.
"Ekk anong Fafa ka jan kaibigan ko lang yung mga yun!!"
"Ok. So kumusta?? Bakit di mo ata kasama si Ser Mccoy mo?" Tanong ni Mitch.
"Ewan ko kung nasan na yun eh naghahanap ata ng Mapa naliligaw ehh!!" Sabi ko lang
"Tsk" sagot ni Mitch. Kilala ako ng kaibigan ko alam nilang may problema ako hinihintay lang nila na umamin ako.
Hindi nalang ako nagsalita at nagfocus nalang sa mga nagluluto sa harap lalo na kay Russelle. Patapos na silang lahat at ilang minuto nalang ay matatapos na din ang oras.
Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba na sa stage ang mga HRM students at lumapit sa aming Partners nila.
Inannounce naman ng teacher ang gagawin ng mga studyante.
Inayos ko yung mga niluto ni Russelle sa isang table at gaya ng napag-planuhan ng banda ay naiayos na din nila ang Set nila.
Tutugtog sila sa stage sa likod ng mesa namin !!
Yes thats Marketing Strategy!! Dahil sikat sila sa school malamang ay madaming bibili sa amin at mabilis na mauubos yung tinda namin!! KYahhh ang witty ko talaga.
Nagsimula ng tumugtog ang banda at gaya ng inaasahan ay lumapit sa amin ang mga studyante.
"Guys guys hindi po libre ang nood haha kailangan po bumili kayo hahaha bili na kayo ng kahit ano don sa may Booth ni Miss Joson!!" Sabi ni Niel sa Mic kaya lumapit naman sa akin yung mga Fangirls nila at nagsimulang dumugin yung paninda ko na gawa ni Russelle.
Pero nagulat ako ng bigla nalang mahawi yung ilang studyante sa Pwesto ko dahil sa kabilang bahagi ng stage ay nandoon ang grupong hashtags na sumasayaw sa stage.
Kyahhh bakit umuulan ng Talent ngayon!! Bakit hindi ko alam na dancer pala tong mga to??..
NP: Show me how you hashtags (hashtags)
NP: UNLI (boybandPh)
Ilan sa mga babae ay pumunta sa kabilang stage at andon naman si Sofia sa harap kasama nong niluto ni Ryle.
Hindi naman nagpatalo yung grupo ni Russelle kaya kumanta din agad sila.
Kaya bumalik na din sa amin ang ilang studyante at namili.
Nagpapalitan lang yung dalawang grupo sa pagsayaw at sa pagkanta kaya hindi na alam nong mga studyante kung saan pupunta.
Yung iba nga ay bumibili sa parehong tindahan eh.
At yung ibang HRM students na kasali sa Cook fest ay naghati na din kung kanino pupunta eh.
Hanggang sa natapos nalang at naubos ang lahat ng pagkain na tinda ng parehong grupo.
Grabe nakakapagod !!!
-----
"Woohh that was an intense show guys!! Ok ok lahat ng students who participate on todays cook fest maraming salamat sa iniyo and to the both group of Mr. Ryle Paolo Santiago and Mr. Russelle Reyes congratulations you two win this challenge. And as promise the winners will represent our school sa international competition sa France guys!! Congratulations!!!" Anunsiyo ni Mrs. Sandoval na kinatuwa ng parehong grupo!! Yikessss
"Congrats Russelle!! Sabi sayo mananalo tayo ehh" sabi ko kay Russelle at yumakap pa pumunta din naman ako kay Ryle at nag congrats na din sa kanila.
Pagkatapos ng cook fest ay nagpaalam na ako sa grupo ni Russelle at sumama na muna sa LOKAS hinila kasi nila ako eh magcecelebrate pa nga daw kami.
"Jusko natense ako sa iniyo guys ! Akalain niyo yun makikipagsabayan yung Hashtags sa BpH?!! Wahh umaapaw ang hotness kanina mga bebs!!" Sabi ni Clair ng magkakasama na kami dito sa likod.
"Oo nga ehh. Magaling pala sila sumayaw hindi man lang natin alam puro kalokohan lang kasi ang alam nila ehh!!" Sabi pa ni Sofia na mukhang malungkot.
"Fia bakit malungkot ka??!" Tanong Ni Michelle kas Sofia.
"Wala naman" sagot ni Sofia. Pero bilang best friend niya alam na namin kung bakit.
Aalis na kasi sila Ryle sa Thursday para lumipad na papuntang France.
Umiibig na talaga ang bebe ko hehe.
Sana lang di siya masaktan kagaya ko!!
----------------------
Please keep supporting Mccoy and Elisse together with Hashtags,Boyband Ph, Sofia Andres ,Clair hartell and Michelle Vito thanks
BINABASA MO ANG
Im inLove with My Secretary (McLisse)
Novela JuvenilMcLisse Supporter McLisse Shipper and a McLisse Warrior 😆💂💂 Follow me on TWITTER: Itsmechachamii INSTAGRAM: ChamiiXMclisse Personal: ItsmeSarahMii