3.#YLVcrush

85 19 26
                                    


Thea POV:

Pinatulog ako ng president sa isang vacant room dito sa loob ng company.

Dalawang araw na kong trainee dito sa Cube Entertainment. Halos lahat sila hindi napapagod na utusan ako.

"Thea!! Pwede bang bantayan mo muna tong office ko."- sabi ni president.

"Sige po sir."- sabi ko.

"Siguraduhin mo lang na walang mangenge-alam ng mga files ko."- sabi nya.

"Opo." sagot ko.

Lumabas na sya at umupo na muna ako.

Haaaay! Salamat! Makakapagpahinga din ako.

Bigla namang bumukas ang pinto.

"Ano ba! Kanina ka pa hinahanap ni Rex."- sabi ni ate anna.

"Pero hindi ako pwedeng umalis dito kas----"- hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.

"Wag ka ng magpalusot!! May iuutos sayo si rex."- sabi nya.

Hinila nya na ko palabas at dinala sa kwarto ni rex.

"Nasan ka ba? May iuutos ako wala ka.!"- sabi ni Rex ng makapasok ako sa kwarto nya.

"Hindi kasi ako pwede ngayon. Bilin kasi ni president na wag akong aalis sa office nya."- sabi ko.

"Ibili mo ko ng Lunch box."- sabi nya at ipinatong ang dalawang paa nya sa maliit na lamesa.

"Ayoko. ! Ang sabi ni president hindi ako pwedeng umalis sa office nya."- sabi ko.

Lalabas na sana ako ng humarang sya sa pintuan.

"Lumabas ka na eh. Sasabihin ko kay president to."- sabi nya.

"Sige na! Bibili na ko."- sabi ko.

Ibinigay nya na sakin ang ATM nya at lumabas na ng company.

Tssss! Nakakaasar talaga!!!

Tumawid ako para bumili ng Lunch box ni rex. Pero ng nakabili na ko at babalik na sana ng company muntikan naman akong mabangga ng kotse pagtawid ko.

Lumabas ng kotse ang isang matangkad na lalaki.

"Ok ka lang?"- tanong nya.

Lumapit sya sakin.

"Ahh oo ok lang ako."- sabi ko.

"Sige. Pasensya na ha."- sabi nya.

Nagpatuloy na ko sa pagtawid.

"Oh!!"- binigay ko na kay rex ang Lunch box.

Lalabas na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Iniwan mo ang office ko para lang makipag close sa isang artist.!"- mariin na sabi ni president.

"Hmm! Inutusan nya po kasi ako, pinilit nya lang po ako."- sabi ko.

Tumayo si Rex.

"Anong pinilit.! Ikaw nga ang may gusto na bumili ng Lunch box para sakin eh."- sabi nya.

Sinamaan ko sya ng tingin pero umiwas sya at ngumiti lang.. -_-

"Pumunta ka sa office."- sabi sakin ni president.

Agad naman akong sumunod sakanya.

"Trainee ka palang Thea.!
Pinasok kita dito para matupad ang pangarap mo. I'm so disapointed to you."- inis na sabi ni president.

"Sorry po. Hindi na po mauulit."- sabi ko.

"Kapag inulit mo pa to na hindi sumunod sa simpleng instraction ko. Hindi na to ang tamang lugar para sayo."- sabi nya.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon