13.#YLVfirstSongIsDone

55 16 0
                                    


Rex POV:

Natapilok bigla si Thea.

Nang mapansin kong tatama sya sa salamin ng kotse agad akong kumapit sa waist nya para hindi sya tumama sa salamin.

Napahawak sya sa kwelyo ko. Nagtagpo ako mga mata namin pero agad nya rin tong binaba.

Labi ko ba ang tinitignan nya.??

Nararamdaman ko nanaman ang naramdaman ko nung nagpanic sya sa daga.

"Ok ka lang ba!?"- tanong ko.

Agad na syang kumawala sa kwelyo ko at umayos na ng tayo.

Tumingin sya sa sapatos nya.

"Pahamak talaga tong swelas ko."- sabi nya.

Nakita kong sira na ang swelas nya.

"Bakit di ka kasi bumili ng bago?"- tanong ko.

"Kapag lumabas na ang album mo tyaka ako bibili ng sapatos. Yung pera ko dito pambudget lang sa pagkain."- sabi nya.

"Mamaya na yan kailangan na nating bumalik sa CEC."- sabi ko.

Sumakay na sya kaya sumakay narin ako.

Nagsimula na kong magDrive.

"Sino mas malaking paa satin?"- tanong ko.

"Ewan ko. Bakit mo natanong?"- sagot nya.

"Bakit ano bang size ng paa mo?"- tanong ko.

"7or8. Hindi ko sigurado. Kasi nung last na bili ko ng sapatos size 7 ako. Baka lumaki na ang paa ko. Ikaw?"- sabi nya.

"9."- sagot ko.

Hininto ko na ang kotse sa tapat ng CEC.

"Mauna ka na."- sabi ko.

"Ha? Bakit? May pupuntahan ka ba?"- tanong nya.

"Oo. Kaya bilisan mo na."- sabi ko.

Agad naman syang bumaba.

Nagmadali na kong pumunta sa shoes store.

"Good afternoon sir welcome to shoes store."- bati sakin ng welcomer.

Buti nalang umepekto yung mga the moves na tanong ko kaya nalaman ko kung anong size ng paa nya.

Umikot ako sa buong store para maghanap ng high heels. Mas bagay sakanya ang mag high heels.

"Hi Sir.Rex para sa girlfriend nyo po ba?"- tanong ng sales lady.

Kilala ako ng mga saleslady dito dahil madalas akong sinasama dito ni mommy dati.

"Hin--- Oo. Pilian mo ko ng magugustuhan nya."- sabi ko.

Pinakita nya sakin ang New arrival nilang high heels.

"Ok na yan.."- sabi ko.

Inilagay nya na to sa box at binayaran ko na.

"Thankyou for coming sir. Please come again."

Agad na kong bumalik sa CEC.


                   = ° ° ° ° ° ° =

Pagpasok ko sa loob ng CEC nakasalubong ko si president.

Napatingin sya sa hawak kong paper bag.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon