15.#YLVGerlitLake

58 15 0
                                    


Rex POV:

Nang matapos kaming mag dinner ni Thea agad kaming umalis sa CEC papuntang concert ni Felix.

"Bakit ba gustong gusto mo syang panoorin?"- tanong ko habang nagdadrive.

"Sinabi ko na sayo kanina diba. Crush ko si Felix kaya gusto kong panoorin ang concert nya."- sagot nya.

"Bakit?"- tanong ko.

"Anong bakit?"- tanong nya.

"Bakit mo sya gusto?"- tanong ko.

"Gusto? Hindi ko naman sya gusto eh. Crush ko lang sya."- sabi ni Thea.

"Parehas lang naman yun."- sabi ko.

"Alam mo magkaiba yun. Ang crush paghanga lang, crush ko sya dahil ang cute nya at mabait sya. Ang gusto, yun yung tipong bumibilis yung tibok ng puso mo kapag nakikita mo sya kasunod na nun ang Love."- sabi nya.

"Nasubukan mo na bang magkagusto?"- tanong ko.

"Hindi pa. Pero anong pakiramdam ng nagkakagusto ka sa isang tao.?"- tanong nya.

"Bakit sakin ka nagtatanong?"- tanong ko.

"Nagkagusto ka kay Aby diba!? Anong pakiramdam?"- tanong nya.

Ano nga bang pakiramdam? Parang wala naman.

"Wala! Wala akong naramdaman. Bigla ko nalang syang nagustuhan."- sabi ko.

"Ayy! Alam ko yan. Kaya ka siguro nagkagusto dahil maganda sya. Tama ba!?"- tanong nya.

"Siguro."- sagot nya.

"Ha!? Anong siguro?"- tanong nya.

Inipit ko ng daliri ko ang labi nya para magsara ito.

"Tumahimik ka na nga dyan."- sabi ko.

Binalik ko na ang kamay ko sa pagmamaneho.

Napahawak sya sa labi nya.

"Ang sakit ng ginawa mo."- mahinang sabi nya.

"Ang daldal mo kasi."- sabi ko.

Tumahimik sya hanggang sa makarating kami sa araneta.

Pinark ko na ang kotse sa parking lot.

"Excited na ko."- nakangiting sabi nya ng makababa kami ng kotse.

Naglakad na kami papuntang entrance.

"Miss nasan po yung ticket nyo?"- tanong ng lalaking nag co'Collect ng ticket.

"VIP po kami kuya. Kita nyo to! Si Rex kaibigan ni Felix."- sabi ni Thea habang nakaturo sakin.

"Ano pong pangalan nyo?"- tanong nung lalaki.

"Thea tapos sya si Rex."- sagot ni Thea.

Hinanap ng lalaki ang pangalan namin sa VIP book.

"Miss pangalan nyo lang po ang nandito. Wala po si Sir.Rex."- sabi ng lalaki.

Sabi na mangyayari to. Ginawa nya sakin yung ginawa ko sakanya noon nung nag concert kami ni Aby.

"Sigurado ka kuya.?"- tanong ni Thea.

"Opo mam pangalan nyo lang po talaga yung nandito."- sabi nung lalaki.

"Ok lang Thea. Sige na pumasok ka na, hintayin nalang kita sa kotse. Gusto ko rin naman magpahinga."- sabi ko.

Ano? Sinabi kong hihintayin ko sya.?

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon