30.#YLVHurt

55 13 1
                                    


Rex POV:

"Alam mo na ba ang sasabihin mo?"- tanong ni manager Lyn.

May interview ako ngayon tungkol sa kumakalat naming picture ni Thea.

"Hindi ba pwedeng magpakatotoo nalang ako.?"- tanong ko.

"Rex! Maraming bashers si Thea baka kapag inamin mong may relasyon kayo baka bumaba ang ratings mo."- sabi nya.

"Pero---"

"Rex walang pero pero! Pagtapos ng interview ipaintindi mo nalang sakanya."- sabi nya.

Sa bagay, siguro naman maiintindihan nya ko.

"Sige kakausapin ko nalang si Thea pagtapos ng interview."- sabi ko.

Inayusan na ko ng stylist ko. Nilabas nya narin yung susuotin ko para sa interview.

Pagtapos kong magbihis tinawagan ko si Thea, pero hindi nya sinasagot.

Anong ginagawa nya? Bakit di nya sinasagot??

Lumapit ako sa bintana ng condo ko.

Nakita ko ng ang daming tao sa baba ng condominium. Tama si manager kapag inamin ko baka mawala silang lahat.

Napatingin naman ako sa pintuan ng may nagbukas nito.

"President? Bakit ka nandito?"- takang tanong ko.

"Gusto naming manood ng live na interview mo."- sabi nya.

"Namin? Sino sino kayo?"- tanong ko.

"Kasama ko sila Mia at ang girlfriend mo."- sabi nya.

Kasama nya si Thea. Hindi maaari, masasaktan lang sya.

"President may pakiusap lang ako."- sabi ko.

"Ano?"- tanong nya.









Thea POV:

"Ang tagal naman nilang bumaba."- reklamo ni ate mia.

Nandito kami sa baba ng condominium ni Rex. Sosurpresahin ko sana sya, hindi nya alam na pupunta ako. Ewan ko ba dun kung bakit ayaw nya kong manood ng interview nya.

Maya maya bumaba narin si president ng hindi kasama si Rex.

"Nasan po si Rex?"- tanong ko.

"Hmm. May emergency sa CEC kailangan nating bumalik."- sabi ni president.

"Ano!? Emergency? Anong nangyari?"- alalang sabi ni ate mia.

"Basta kailangan nating bumalik."- sabi ni president

Nagmadali na kaming bumalik sa CEC.

"Ano ba kasing problema sa CEC? Kailangan ba talagang bumalik tayo dun. Gusto ni Thea manood ng interview ni Rex."- inis na sabi ni ate mia.

"Ok lang ate."- sabi ko.

Dumating kami sa CEC na parang wala namang problema.

"Akala ko ba may problema? Bakit parang wala silang pake alam?"- takang tanong ni ate mia.

Nakasalubong namin si producer Roy.

"Oh ba't bumalik kayo? Magsisimula na ang interview ni Rex."- sabi ni producer.

"Wala bang problema dito?"- tanong ni Ate mia.

"Ha? Anong problema? Wala naman."- sagot ni producer.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon