32.#YLVplan

51 14 0
                                    

Thea POV:

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ko sa kwarto ko.

Pero bago ko pa buksan ang pinto narinig ko nanaman ang boses nya.

"Thea!!"- sigaw nya.

Hindi ko sya pinansin, pumasok ako sa loob ng kwarto ko at nilock ang pinto.

"Thea! Please mag-usap naman tayo. Ayoko ng ganito! Please."- sabi nya habang kumakatok sa pintuan ko.

"Magpapahinga na ko Rex."- mahinang sabi ko.

"Hindi ko naman gustong ilihim sa lahat yung relasyon natin eh."- sabi nya narinig kong suminghal sya kaya malamang umiiyak sya.

Umiiyak sya?

"Thea, lumabas ka naman oh, patawarin mo na ko. Hindi ko kayang matulog kapag alam kong galit ka sakin."- sabi nya habang kinakatok parin ang pintuan ng kwarto ko.

"Makakatulog ka Rex.! Nagawa mo ngang magsinungaling sa lahat eh tapos ngayon sasabihin mo hindi ka makakatulog dahil galit ako. Sana naisip mo yan nung una palang! Wala akong hininging kahit ano sayo ang gusto ko lang maging totoo ka sakin Rex! Pero anong ginawa mo! Nagsinungaling ka. Sinong hindi magagalit don!? May puso ako! May damdamin ako para maramdaman ang galit na to."- uniiyak na sabi ko habang nakasara ang pinto.

Alam kong naririnig nya yun dahil hindi naman ganon kakapal ang pintuan para hindi nya marinig ang mga sinabi ko.

"Kaya nga nandito ako para magpaliwanag Thea. Sorry Thea please patawarin mo na ko. Hindi na mauulit to promise. Thea I love you, ayokong nagkakaganito tayo. Please naman lumabas ka na dyan."- sabi nya.

Hindi ako lalabas.

Lumayo ako sa pintuan at nahiga sa higaan ko.

"Thea kahit good night hug lang ang ibigay mo sakin ngayon para makatulog ako. Please Thea."- mahinang rinig kong sabi nya.

Hindi ko parin sya pinansin, ipinikit ko nalang ang mga mata ko.







                   = ° ° ° ° ° ° =

(Kinabukasan...)

Nang magising ako, lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Rex.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng may humawak sa balikat ko.

Lumingon ako at nakita ko si Felix na nakangiti.

"Hindi mo rin matiis?"- nakangiting tanong nya.

Hindi ako sumagot.

"Wala sya dyan."- sabi ni Felix.

"Nasan sya!?"- tanong ko.

"Nakalimutan mo na ba?"- tanong nya.

"Ang alin?"- takang tanong ko.

"Concert na ni Rex mamayang gabi, nasa Hotel na sila malapit sa araneta, nagrerehearsal na sila."- sabi ni Felix.

Oo nga pala, concert nya ngayon pero hindi parin kami nagkakaayos. Ako pa naman ang ka'Partner nya sa dance performance na gagawin nya.

"Pupunta kami ss concert mamaya ni Aby. Gusto mo sumabay? Mamayang gabi pa naman yun."- sabi ni Felix.

"Sige, pero pwede mo ba kong tulungan?"- tanong ko.

"Tulungan? Anong klaseng tulong?"- takang tanong nya.

Lumapit ako sakanya at binulong ang plano ko.










Felix POV:

Papunta kami ni Aby ngayon sa kaibigan ni Thea na si Kaith. Isa sya mga magiging kasabwat sa gagawing plano ni Thea.

"Hi!"- bati namin kay Kaith ng makarating kami sa computer shop kung san sya nagtatrabaho.

"Oh m g! Felix !! Aby!! Oh my!!! Pwede papicture..!"- masayang sabi nya.

Hindi nya na kami hinintay sumagot nilabas nya na ang cellphone nya at pumagitna samin ni Aby.

"May kailangan kaming sabihin."- sabi ko ng matapos na syang mag pa'Picture.

"Ano po yun?"- tanong nya.

Nagkatinginan kami ni Aby.

"Kaibigan mo si Thea right?"- tanong ni Aby sakanya.

"Opo. Bakit po?"- tanong ni kaith.

"May ipapasa ako sayo."- sabi ko.

Kinuha ko ang cellphone nya at pinasa ang picture ng magazine ni Thea.

Hindi to kasama sa plano pero eto ang tanging paraan para magustuhan sya ng mga fans ni Rex. Hindi lumalabas ang magazine kaya hindi pa nakikilala si Thea pero malamang kapag lumabas ang magazine kung saan pinag-agawan ang kakaibang ganda ni Thea magsisi silang binash nila si Thea.

Ibinalik ko na ang cellphone nya.

"Wait! Si Thea ba to? Model na sya.?"- tanong ni Kaith.

"Oo. Ikalat mo yan sa facebook, instagram, tumblr, twitter at kahit saan pa."- sabi ni Aby.

"Talaga!? Grabe! Ang ganda nya. Ikakalat ko to na ang kaibigan ko ay isa nang model."- sabi ni Kaith.

Nang tumalikod sya agad kaming umalis ni Aby.

"Are you sure gagana tong plano natin. Hindi naman to yung plano ni Thea."- sabi ni aby habang nag da'Drive ako.

"Oo. Magtiwala ka lang sakin, mas maganda to sa plano ni Thea."- nakangiting sabi ko.

Hindi na sya nagsalita pa.






To be continued...

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon