21.#YLVaudition

54 16 0
                                    


Thea POV:

Nang sobrang lapit na sakin ni Rex napapikit ang dalawang mata ko.

"Ang ganda pala ng mata mo."- sabi nya.

Napadilat na ko dahil nagsalita sya, pero malayo na sya sakin.

Hinampas ko sya sa braso.

"Ano ka ba! Bakit mo ginawa yun.?"- inis na tanong ko.

"Bakit masama ba.? Ginagawa naman yun ng isang boyfriend."- sabi nya.

"Haaay! Hindi naman kita boyfriend."- sabi ko.

"Pero girlfriend kita."- nakangiting sabi nya.

Tumalikod ako sakanya.

Feeling ko namumula ako.

Haaay! Thea ano bang nangyayari sayo.

"Bakit ka tumalikod?"- pagtataka nya.

"Magsulat ka nalang dyan."- sabi ko ng hindi humaharap sakanya.

Naramdaman kong lumapit sya sakin dahil tumama ang braso nya sa likod ko.

"Bakit ka ba tumatalikod sakin?"- tanong nya.

Nasa gilid na ng leeg ko ang ulo nya.

"Lumayo ka na nga. Tumahimik ka na! Nag-iisip ako."- sabi ko ng hindi umaalis sa pwesto ko.

Hinawi nya ang buhok ko at inipit ito sa likod ng tenga ko.

"Ano bang ginagawa mo?"- tanong ko.

"Anong pabango mo?"- tanong nya.

"Wala ka na dun. Kaya tumahimik ka na dyan at bumalik ka na sa pagsusulat."- sabi ko.

Nanlamig naman ako ng bigla nyang idinikit ang labi nya sa leeg ko at hiniwalay nya rin ito agad.

Natahimik ang buong paligid.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hanggang sa pinutol nya na ang katahimikan.

"Ba-bastos ka ha!!!"- sabi ko kasabay ng biglaang pagsampal ko sakanya.

"Sorry Thea. Di ko sinasadya, hmm! Bigla ko lang kasing gustong gawin yun. I'm sorry."- paliwanag nya.

"Lumabas ka muna."- mahinhin na sabi ko.

"Thea. Please patawarin mo ko hindi ko sinasadya."- sabi nya habang nakahawak sa kamay ko.

"Please din Rex! Lumabas ka muna.!"- mariin na sabi ko.

Binitawan nya ang kamay ko at lumabas na.

Napabuntong hininga ako.

Binatukan ko ang noo ko.

Ano ka ba Thea! Anong nangyayari sayo. Dapat sinapak mo sya.!!

Napahawak ako sa dibdib ko.

Bakit hindi ka sobrang nagagalit!!?? Magalit ka!

Humiga ako sa sahig at tumingin sa kisame.

Hindi ko dapat alalahanin ang ginawa nya. Hindi ako pwedeng mag-isip ng ibang bagay, baka mawalan nanaman ng laman ang utak ko.





(Kinabukasan...)

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari kahapon.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon