Thea POV:Hindi man lang nya ginawang hulihin yung mga daga. Tsk!! Bakla ba sya!!?
Haaaay!! Hindi ako makapag-isip ng maayos. Nakakaasar. >_<
Nagsuot ako ng Jacket at pumunta sa computershop na pinagtatrabahuhan ni Kaith.
"Alam mo ba bumalik na si Rex.!!?"- sabi ni Kaith.
Umupo ako sa upuan.
"Oo naman, sa company nila ako nagtatrabaho noh."- sabi ko.
"Nagkikita pa ba sila ni Aby?"- tanong nya.
"Hindi ko alam. Minsan lang naman kaming magkasama ni Rex eh."- sabi ko.
"Ganun ba. Pero sana magbalik na ang Love Duo's no.!"- sabi nya.
"Mukha di na mababalik pa yun. Magkagalit silang dalawa kaya siguradong ayaw na ni Aby na balikan pa si Rex."- sabi ko.
"Bakit kasi ganyan ang mga lalaki.! Kapag nagsawa mang-iiwan nalang sa ere."- sabi nya.
"Hugot ba yan.? Parang nagka'Boyfriend ka naman."- sabi ko.
"Wala nga kong naging boyfriend pero alam ko ang pakiramdam ng naiwan no."- sabi nya.
"Sige na. Hindi ko na papake-alaman nyang nararamdaman mo."- sabi ko.
"Teka! Bakit ka nga pala pumunta dito?"- tanong nya.
"Kasi! Haaaay!! Hindi ako makapag-isip ng maayos. Alam mo yun! Yung tipong wala kang maisip na kahit ano. Nakakainis."- inis na sabi ko.
"Baka naman may nangyari sayo na hindi mo inaasahan."- sabi nya.
"Ano namang connect nun sa pag-iisip.?"- tanong ko.
"Eto example ha. Kunwari ako biglang naglalakad tapos may nabunggo akong isang gwapong lalaki. Syempre magugulo ang isip mo, nag-iiba yung tibok ng puso mo. Ganun.!"- sabi nya.
Napaisip ako sa sinabi nya.
Naalala ko yung nangyari kanina samin ni Rex. Pero wala naman akong naramdaman."Merong nangyari kanina pero wala namang nag-iba sakin eh."- sabi ko.
"Baka nakatago."- sabi nya.
"Anong ibig mong sabihin.?"- tanong ko.
"Baka ayaw lumabas dahil may iba kang pinagkakaabalahan o ibang gusto. Hala!! Baka naman may nagugustuhan ka na Thea."- sabi nya.
"Meron nga."- mahinang sabi ko.
"Sino Thea? i'Share mo naman sakin."- mahinang sabi nya.
Lumapit ako sakanya. "Si Felix."- bulong ko.
"Omg!! Talaga!! Galing mong pumili ha. Ang gwapo gwapo nun ni Felix at lagi syang trending sa twitter."- sabi nya.
"Sya nga pala may cellphone na ko."- sabi ko.
Nilabas ko ang cellphone na bigay ni Rex.
"Oh!! iPhone!! Ang mahal neto ahh. Paano ka nakabili nito?"- takang tanong ni Kaith.
"Binigay lang sakin yan."- sabi ko.
"Nino?"- tanong nya.
"Basta."- sabi ko.
"Grabe umaasenso ka na ha. Ang dami na kasing nakapaligid na artist sayo."- sabi nya.
"Hindi naman ako umaasenso pero malapit na kapag kinanta ni Rex ang isusulat kong kanta."- sabi ko.
BINABASA MO ANG
Your Lovely Voice
Fiksi RemajaThe story tells about two pained individuals who find healing through music. (Tagalog Story) _________________ Author: Queeneyah